Six

199K 3.7K 131
                                    

Six

Issay's POV

"No, keep it. We need to talk"seryosong turan ng kaharap ko.

Halla baka ipapakulong ako nito kasi kinuha ko ang pera niya sa wallet.

Pero ibabalik ko naman ung pera sa kanya kaya bakit pa niya ako kakausapin.

"Kuya, wag mo ako ipapakulong ha. Wala nang naghahanap buhay sa pamilya ko kundi ako. May sakit ang nanay ko, nag-aaral pa ang mga kapatid ko."pagmamakaawa ko sa kanya.

Nakakunot noo lang itong nakatingin sa akin.

Hindi ba niya ako naiintindihan, bakit hindi naman niya ako sinasagot.

"Huh?!... anong pinagsasabi mo?"nagtatakang tanong naman nito sa kanya.

"baka ipakulong mo ako kuya, kasi kinuhanan kita ng pera na hindi nagpapaalam eh"pagpapaliwanag niya ditto.

Sa sobrang pagkagulat niya bigla itong tumawa na parang wala ng bukas sa sobrang lakas ng tawa niya.

"Bakit kita ipapakulong?...what I mean to say, pag-usapan natin ang nangyari sa atin nong last time na nagkita tayo"tumatawa pa din paliwanag naman nito.

Ramdam niyang biglang uminit ang kanyang pisngi sa sinabi nito.

"N-naku k-kuya..w-wala akong matandaan Promise..tsaka nung..ano...nung ano..."nauutal utal niyang paliwanag.

Hindi niya alam kung bakit sobra ang pagkahiya niya ngayon. Ang alam niya sa sarili niya wala siyang hiya sa mga taong nakakahalubilo niya. Maboka nga ang palaging sinasabi sa kanya ng mga kaibigan niya o ng mga bagong kakilala niya.

"Nung ano??...ano ung ANO na sinasabi mo?"taking tanong sa kanya ng kaharap niya.

Kulang nalang mabali na ang batok niya sa pagkakayuko niya. Hindi nga niya alam kung paano magpapaliwanag sa kaharap niya.

"Ano..wala akong nakita.."hininaan niya ang sinabi niya. Nahihiya kasi siya dito, baka sabihin na wala siyang delikadesang babae.

"What did you say, hindi ko maintindihan?"

" Basta, un na un kuya."nahihiya pa din sagot niya.

"Okay, so what I'm saying a while ago. Bakit umalis ka kaagad ng hindi nagpapaalam sakin?"tanong nito.

Hindi naman ako agad makapagsalita. Nahihiya kasi ako na sabihin na nahihiya ako kasi may nangyari sa amin at wala akong maalala. Nakakahiya kaya yon, ako ang babae dapat alam ko ang mga ganoon. Kasi first time ko din yon, kainis basta hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya.

"Ano kasi, tanghali na magagalit ang nanay ko"pagdadahilan ko nalang.

Natawa naman ito ng malakas sa sinabi ko.

"Oh come on, sa edad mong yang magagalit pa ang nanay mo. Hindi ka nga umuwe ng buong magdamag, tapos magagalit kasi tanghali ka umuwe."tumatawang paliwanag pa nito.

Ano naman nakakapagtaka kung pagalitan ako ng nanay ko sa hindi ko pag-uwe ng gabi. Hindi na siguro ito pinapagalitan ng mga magulang niya.

"Bakit kuya, hindi ka na ba pinapagalitan ng mga magulang mo?"inosenteng tanong ko ditto.

Napatigil ito sa pagtawa at tinitigan siya nito. Makalipas ng ilang minuto tumawa ulit ito ng malakas.

"Seriously Issay"at tumawa ulit ng malakas.

Kainis naman itong lalaki na ito, kanina pa ako tinatawanan. Ano naman ang nakakatawa sa mga sinasabi ko.

"Kuya, ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko?. Talaga naman na papagalitan ako. Sa totoo lang pinagalitan nga ako na hindi ako umuwe ng gabi."nakalabi na paliwanag niya dito.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now