Thirty-three

101K 1.9K 17
                                    

Thirty-three

Kyla's POV

Excited na siyang makita si Issay, siya at si Carla lang kasi ang sinabihan ng kaibigan niya na parating na ito ngayon galing sa Paris. Apat na taon na din nilang hindi nakakasama ang kaibigan niya.

Madalang na din nilang makausap ang kaibigan niya simula noong nakasal siya. Gayon din si Carla, naging busy kasi na sila sa kani-kanilang pamilya. Nakapag-asawa na din kasi si Carla. Bumigay din kasi ang kaibigan ni kay Jake.

Minsan nagi-guilty din siya sa nangyari sa kanila. Paano naman kasi silang dalawa ni Carla masaya sa buhay nila sa mga asawa nila samantalang si Issay naman iyon sawi sa pag-ibig.

Minsan nga inaaway niya si Malik kapag nagpupunta ito sa bahay nila ng asawa niya. pero hindi naman siya pinapansin ng binata.

Simula din ng maghiwalay si Malik at si Issay naging mailap na din si Malik sa mga asawa nila ni Carla. Minsan nga nakikita niyang malungkot ang mga asawa nila kapag napag-uusapan nila si Malik.

Matagal na kasing magkakaibigan ang mga ito, simula pa noong mga bata ang mga ito magkakasama na ang mga ito. kaya naman ng biglang lumayo si Malik sa mga kaibigan nito nasaktan din ang mga ito.

"Darling saan ang lakad mo?"tanong sa kanya ni Marco ng makita siyang nag-aayos.

Linggo kasi ngayon kaya naman walang pasok ito sa opisina. Kaya naman pakalat kalat ito sa bahay nila.

"Hmm.. may lakad lang kami ni Carla"sagot naman niya.

Hindi kasi alam ng mga asawa nila na may kontak pa din sila kay Issay. Ayaw kasi ni Issay na ipaalam pa sa mga lalaki ang tungkol pa sa kanya.

Ayaw siguro ni Issay na makabalita pa si Malik ng tungkol sa kaibigan niya.

"Saan naman?"tanong muli nito sa kanya.

Lumapit pa ito sa kanya para lang kulitin siya nito. Niyakap pa siya nito mula sa likod.

"Sa mall lang, may hahanapin lang kami ni Carla na designer cloths"pagsisinungaling niya.

Ayaw naman niyang magsinungaling sa asawa niya kaso kailangan eh. Maiintindihan naman siguro siya nito.

"Okay, samahan na kita"paglalambing nito.

Naramdaman pa niyang hinahalikan na siya nito sa kanyang leeg.

"Darling naman, kaya na naming 'yon maiinip ka lang. ditto ka nalang bantayan mo na lang ang anak natin"sagot niya ditto.

Umiwas naman siya sa paglalambing ng asawa niya, baka kasi naman kung saan na naman mapunta ang paghaplos haplos nito sa kanya.

Sa apat na taon ba naman kasi nilang mag-asawa hindi pa ba niya kilala ang mga galawan ng asawa niya.

Konting himas lang nito sa kanya sa higaan agad ang tuloy nila.

Napapailing nalang siya sa asawa niya.

"Hmp, pwede bang bukas nalang 'yan. Linggo ngayon, family day"nakangusong sagot nito.

"Hindi pwede darling eh, ngayon ang labas 'non sa market. Pagkakaguluhan yon baka kung bukas pa kami pupunta ni Carla baka hindi na naming maabutan ang stock 'non"paglalambing niya.

Nagi-guilty naman siya sa pagsisinungaling niya sa asawa niya.

"Hmp, di sasama nalang kami ng anak mo, para kapag nabili niyo na ung gusto niyo 'di tayo naman ang magdate."kontra ulit sa kanya ni Marco.

"Marco"saway niya sa asawa niya.

Hindi naman nakakibo na ang asawa niya, alam na kasi nito na naiinis na siya sa kakulitan nito.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now