One***

303K 4.2K 57
                                    

One

Malik...

Fvck!!!. Nagising siya sa masakit ng ulo.

Ang natatandaan lang niya nasa Bar siya ng mga kaibigan kagabi. Hindi na niya matandaan kung paano siya nakauwi o kung paano siya nakarating sa lugar na ito.

Nahihilo siyang tumayo sa hinihigaan niya. Only to find out that he's all naked. Hindi pa siya nakakabawi sa pagkabigla nang marinig niyang may umungol sa tabi niya.

Nang lumingon siya sa tabi niya, and there he find a naked girl laying on his side still asleep.

May bago pa ba, palagi naman ganito ang nangyayari kapag lumalabas siya para maghappy happy.

"Hey, woman wake up"walang gana niyang ginising ang katabi.

Tumayo na siya at pinulot ang kanyang boxer sa lapag at sinuot ito. Bago lumabas ng kanyang silid.

"Great!!!"galit niyang puna niya kanyang sala.

Nandoon din kasi ang ibang kaibigan niya at may kanya kanyang katabing mga babae. Mukhang ginawa na namang motel ang kanyang condo ng mga ito.

"MAGSITAYO KAYO DIYAN MGA G*GO!!!"sigaw niya sa mga ito.

Nagulat ang mga babaeng katabi ng mga ito pero wala man lang reaction ang mga kaibigan niya at tulog pa din. Hindi naman kasi ito ang unang beses na nangyari ito sa kanila.

"Dress up woman, then go!!"utos niya sa mga babaeng ngayon ay pinupulot na ang mga damit ng mga ito.

Nagderetso siya sa kusina para gumawa ng kape. Buti nalang walang pasok ngayon sa opisina niya kaya makakapag pahinga siya ngayon.

Lumapit siya sa coffee maker niya at nagsalang ng coffee para sa kanila ng mga kaibigan. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng kusina niya. A total mess, sigurado siyang ganon din sa buong kabahayan niya.

"I think I need to call Manang Tina"bulong niya sa sarili niya.

"G'morning Bro"bati sa kanya ni Marco.

Nang lingunin niya ito, gaya niya nakaboxer lang din ito ay mukhang di pa niya kayang imulat ng maayos ang mga mata sa sobrang puyat nito. Nagkakamot pa ito ng ulo nito habang naglalakad papunta sa kanya.

Sinamaan niya ng tingin ito bago siya nagsalita.

"What the f*ck Marco, bakit nandito na naman kayo"galit na sermon niya dito.

Tumawa lang ito at nagderetso sa ref niya para kumuha ng maiinom.

"May bago pa ba Perez"si Jake ang sumagot.

Hindi niya napansin na sa nasa kusina na din niya ang iba niyang kaibigan. Si Benjamin na nakasalong baba na nakatitig sa coffee maker niya si Marco na nasa tapat ng ref niya at umiinom ng tubig at si Jake na nakasandal lang sa pader malapit sa pinto ng kusina.

"Wala na ba ang mga babae niyo?"asar na tanong niya sa mga ito

"Parang siya walang babae"pang-aasar pa sa kanya ni Marco.

Nagtawanan nalang silang apat sa loob ng kusina. Maya maya pa'y nakarinig na sila ng pagbukas at pagsara ng pinto. Wala man lang paalam ang mga babaeng kasama nila.

Nagtawanan silang muli na mga kasama niya sa ginawa ng mga babae na kasama nila.

"F*ck bro, mga hustler"biro ni Jake sa mga kaaalis lang na mga babae.

"May bago pa ba"dagdag naman ni Marco.

Nagpababa lang sila ng hang over nila at nagsigayak na din ang tatlo niyang kaibigan para umalis na sa condo niya.

Nang makaalis na ang mga ito agad siyang nagtungo sa banyo para mag shower. After niyang maligo ay nagtungo siya sa sala para manood lang sa buong araw na ito.

"F*ck!"hiyaw niya ng may maapakan siyang madulas na bagay.

Nang tingnan niya kung ano ito laking gulat niya isang used condom sa sala niya. Natawa nalang siya sa naisip niya.

"Mga g*go talaga, binaboy na naman ang condo ko"bulong niya.

Hinanap niya nag kanyang cellphone para tawagan ang kanyang house keeper para ipaayos na ang kanyang condo.

"Hello Manang Tina"bungad niya ng sagotin ang tawag niya.

"Hello Ser Malik, napatawag ka po?"sagot naman ng matanda sa kabilang linya.

"Libre ba kayo ngayon?"walang ganang tanong niya ditto.

Hanggang ngayon kasi masakit pa din ang ulo niya kaya wala pa siya sa mood na makipag usap kahit kanino. Wala lang siyang choice kasi kailangan na talagang malinis ang condo niya. Mukha na kasing dump site ang loob nito sa sobrang dumi.

"Naku Ser, nanganak po kasi ang anak ko. Andito po ako sa probinsya namin kaya hindi ako makakapunta dyan ngayon. Pasyensya na po Ser"magalang na sagot nito.

F*ck saan ako hahanap ng kapalit niya.

"Matagal ka ba dyan Manang?"aniya.

"Naku siguro Ser, kasi walang mag-aalaga sa anak at apo ko"

"Sige, may kilala ka ba na pwedeng pumalit sa iyo?"

"Wala po Ser"alanganin na sagot nito.

Napabuntong hininga siya sa narinig niya dito. Again no choice na naman siya nito, kaya tumawag siya sa bahay ng parents niya para humingi na tulong.

Noong una pinagalitan pa siya ng kanyang ina, pero hindi din nakatiis ang ina niya sa kanya. Agad na nagpadala ng maid ang kanyang ina para linisin ang condo niya.

Gabi na ng matapos ang mga nautusan ng kanyang ina na maglinisin ng kanyang condo. Nang wala na siyang kasama nakaramdam na siya ng pag kainip sa loob ng bahay niya. Kaya gumayak siya para lumabas muna at magbar o kung anong pwedeng gawin.

Hindi niya tinawagan ang mga kaibigan niya dahil inis pa siya sa mga ito. Baka kapag magkakasama na naman sila ng mga ito mauwi na naman sa kung anong kababalaghan ang gawin ng mga ito.

Nang makagayak na siya napag-isipan niyang sa sariling Bar na lang niya pumunta para magpalipas ng gabi.

Nagda-drive na siya papunta sa kanyang bar ng may mapansin siyang isang babaeng pasuray suray na naglalakad sa tabi ng kalsada. Hindi niya sana papansin ito pero nakita niyang may nakasunod na mga lalaki dito.

Mukhang may balak na masama ang mga ito sa babae kaya agad niyang itinabi ang kanyang sasakyan sa tapat ng babae.

"Hey babe"tawag niya sa dalaga.

Lumingo ito sa kanya at laking gulat niya ng nakita ang itsura nito. Gusto na yata niyang mag back out sa pagtulong dito. Napakagulo ng buhok nito, pati na din ang make up nito kumalat na sa mukha nito. Para siyang nanggaling sa party, kiddy party to be exact at ito ang clown. Ang masama lang clown na nakakatakot ang itsura nito.

"Kuya, flee rhides bha?" sagot nito na mukhang lasing.

Tsk, bahala na nga. Pag nailayo ko nalang ito sa mga lalaking ito ibaba ko nalang siya sa ligtas na lugar. Aniya sa sarili niya.

"Yeah, sakay na." pinagbuksan pa niya ng pinto.

Nang makasakay ito agad ito sumandal sa pinto ng kanyang sasakyan at natulog.

"Tsk tsk, feeling close agad," bulong niya sa sarili.

Nagpatuloy na siya sa pagda-drive at nagpunta na sa patutunguhan niyang. Hinid na niya inisip na may kasama siya, tinulugan kasi siya kaya wala na siyang pakialam dito.

.....................

My Playboy Boss Where stories live. Discover now