Forty-eight

119K 1.9K 17
                                    

Forty-eight

Malik's POV

Kinakabahan man siya sa maaaring mangyari sa kanila ni Issay, kailangan niyang magpakatatag para dito. Lalo ngayon na nalaman niyang nagdadalangtao na naman ito sa pang-apat nilang anak.

Kailangan nilang makatakas dito ng ligtas silang parehas.

Yakap yakap niya ito ngayon, he feels so sorry sa mga nangyayari sa kanila ngayon. Kasi naman kaysa nasa bahay lang sila ngayon at kasama ang mga anak nila. Ito sila ngayon hindi nila alam kung kailan sila makakauwe, o kung makakauwe pa ba sila.

"Malik, hindi ka pwedeng mamatay dito"sabi ni Issay sa kanya.

Kita niya ang takot sa mga mata nito. kaya naman kailangan niyang palakasin ang loob nito.

"No, I will not...sasamahan pa kita sa delivery room kapag nanganak ka na"sagot naman nya dito.

"Siguraduhin mo lang, kapag ako nanganak na hindi kita kasama I swear Malik ipapabago ko lahat ng apilyido ng mga anak mo"banta pa nito sa kanya.

Alam naman niyang hindi iyon gagawin ni Issay, tinatakot lang siya nito para gawin niya ang lahat para hindi siya sumira sa usapan nila ngayon.

Tumawa naman siya sa sinabi nito sa kanya. Niyakap niya ito ng mahigpit at nagtagal sila sa ganoong posisyon. Sinusulit niya ang bawat minuto nilang dalawa, ayaw man niyang isipin pero baka ito na ang huling gabi na makakasama niya si Issay.

Mas pipiliin niyang siya ang mapahamak makaalis lang ng ligtas dito si Issay.

Nang mangalay sila sa posisyon nila binuhat na niya si Issay at hiniga sa kamang naroon, kahit masakit ang katawan niya dahil sa pangbubugbog sa kanya kanina ng makarating siya pinagdalhan sa kanya ng mga tauhan ni Lopez.

Pinatay niya ang ilaw ng lumaon, para na din hindi makikita mula sa labas kung ano man ang gagawin nila.

Kaya naman tumapat siya sa bintana. Umaasa siya nasundan siya ng mga kaibigan niya kanina ng umalis na siya sa opisina nila ng basta basta. Kahit pa alam niyang malabong mangyari na masundan siya ng mga ito dahil sa pangliligaw na ginawa ng mga tauhan ni Lopez.

Nagmatyag lang siya sa mula sa kinatatayuan niya sa labas ng bahay kung nasaan sila ni Issay.

Matagal tagal din siyang nakatayo sa tapat ng bintana ng may mapansin siyang green na ilaw mula sa malayo. Tatlong beses itong umilaw, gaya ng sinasabi ni Owen sa kanya kapag malalagay siya sa panganib.

Nabuhayan siya ng loob sa nakita niya. alam niyang nasa paligid lang si Owen ngayon at ililigtas sila ng mga ito. kaya naman tumango tango naman siya bago siya umalis tapat ng bintana at tumabi na kay Issay.

Hindi siya matutulog at hihintayin niya kung ano ang magiging hakbang ni Owen. Wala siyang komunikasyon dito. Kaya naman tinalasan niya ang pakiramdam niya ng sa ganon ay maramdaman niya kung nasa malapit na si Owen.

Naramdaman niyang dahan dahang bumukas ang pintuan.

"Malik"narinig niyang bulong mula sa bumukas ng pintuan.

Nilingon niya ang nagsalita at nakita niya si Owen.

"Owen"ganting bulong niya.

"Shhh...are you okay?"tanong nito sa kanya.

"Fine, konting bugbog lang"sagot naman niya.

Dahan dahan siyang tumayo sa pagkakahiga niya ayaw niyang magising pa si Issay sa pagkakahimbing nito. bubuhatin nalang niya ito palabas.

"They're fine"bulong ni Owen.

May kumausap marahil dito. dahan dahan niyang binuhat si Issay para ihanda ang pag-alis nila doon.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now