Twenty-one

154K 2.7K 44
                                    

Twenty- one

Issay's POV

Lumipas ang dalawang araw na hindi niya nakita si Malik.

Hindi niya alam kung pinupuntahan siya nito sa hotel o hindi. Kasi naman maaga pa lang umaalis na sila sa hotel kasama ang mga anak, kapatid at nanay niya.

Wala naman nagtatanong sa kanya kung bakit sila maagang umaalis sa nag-eenjoy pa nga mga kapatid at anak niya dahil nililibot niya ang mga ito. Papagurin niya ang mga ito sa paglilibot at gabi na sila uuwi sa hotel.

"Girl, fantacy ang theme ng photoshoot mo ngayon"sabi sa kanya ni Kyla.

Hawak na nito ang mga costumes na gagamitin nila para sa photoshoot. Samantalang si Carla naman ay hinahanda ang mga gagamitin naman nitong mga make sa kanya.

Kasalukuyan niyang nasa studio para sa pictorial niya na gagamitin sa billboard para ipromote ang mga hotel ng LM corp.

Ngayon lang nagsink-in sa isip niya na sobrang yaman pala ni Malik.

Noon kasi hindi niya pansin ang mga ganitong detalye sa buhay ng binata. Ang alam lang niya noon may trabaho ito. pagkatapos ng trabaho nito uuwi na sakanya ang binata. Simpleng buhay lang ang meron sa kanila.

Ngayon isa palang young billionaire ang binata. Mayroon itong chain of restaurant, hotels, resorts, at malls sa loob at labas ng bansa. Katulong nito sa pagpapalago ng negosyo ang mga kaibigan nito na kasosyo din naman nito sa negosyo.

Kaso si Malik talaga ang pinakamayaman sa apat na magkakaibigan.

Ang lahat ng business ni Malik ay ipo-promote niya.

May photoshoot siya para sa billboard o para sa iba pang marketing strategies ng company. Meron din siyang dalawang commercial shoots.

"Mommy, if you wear that gown you will look like a princess."manghang nakatingin ang anak niya sa gown na hawak ni Kyla.

Kasama niya ang kambal niya ngayon sa photoshoot niya. hindi kasi pumayag ang mga ito na hindi sumama sa kanya. Isa pa umalis ang mga kapatid at nanay niya para puntahan ang puntod ng tatay nila. Kaya naman walang mag-aalaga sa mga anak niya.

Hindi naman maglilikot ang mga anak niya kapag nasa shoots na siya. Titingnana naman ito ng mga kaibigan niya kung nagkataon.

"Really"saang ayon naman niya sa bunso niya.

"Yes mommy, can you wear it now"utos naman sa kanya ni King.

"Hey kids, your mom needs to wear make-up first before she can wear that gown. So if you want to see mommy wearing it you better let mommy freed and we will start to put some make up on her face"si Carla ang sumagot sa mga anak niya.

Nakakandong kasi sa kanya ang mga anak niya kaya hindi pa masimulan ni Carla ang pagmamake-up sa kanya. Hindi pa naman sila huli kasi maaga silang pumunta sa studio.

Nagsibabaan naman ang mga anak niya sa kanyang kandungan at nagpaalam na lalabas lang muna ang mga ito at pupunta sa studio para tingnan daw ang set.

"Nasabi mo naba kay Malik ang mga anak mo?"tanong sa kanya ni Carla ng magsimula na ito sa pagme-make-up sa kanya.

"Alam na niya na may anak ako"sagot naman niya.

"Ano naman ang reaction niya Girl?"tanong naman ni Kyla na nagbo-blower sa buhok niya.

"Hindi pa niya alam na siya ang tatay, natakot kasi ako"sagot naman niya.

Napatigil ang mga kaibigan niya sa ginagawa ng mga ito.

Bumilat siya ng mga mata niya at nakita niya ang pagkagulat sa mata ni Carla. Tiningnan din niya si Kyla sa salamin malaki din ang mata na halatang gulat din.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now