Nine

181K 3.2K 68
                                    

Nine

Issay's POV

Maaga siyang gumising para maghanda ng agahan ni Malik. Pero bago pa man siya lumabas ng kwarto niya ay nag ayos siya ng katawan niya.

Nagsuot lang siya ng manipis na sando at maikling shorts. Ung tinatawag ng mga kaibigan niyang pek-pek shorts. Mainit kasi ngayon kahit pa naka aircon na sila sa condo.

Plano kasi niyang maglinis ng buong bahay ngayon. As in maggeneral cleaning siya ng buong condo ni Malik. Uunahin nalang niya ang sala at kusina habang tulog pa si Malik.

Ihuhuli nalang niya ang kwarto ng amo niya.

Nang makapag hilamos na siya nagpasya na siyang lumabas ng kwarto niya. Habang palabas siya nagtatali siya ng buhok niya in a messy bun way para walang sagabal sa mukha niya pagnaglilinis na siya.

Sa paglabas niya nagulat siya sa nakita niya.

"Ahhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!......."sigaw niya sabay takip ng kanyang mata.

Sino ang mga taong ito.

Bakit nakahubad silang lahat.

Sinilip niya ulit sa pagitan ng kanyang mata. Nakahubad nga ang mga ito.

"Shit!!!"

"Fuck"

"Tangina"

Sabay-sabay na mura ng mga lalaki sa harapan niya. Samantalang ang mga babae naman na kasama ng mga ito ay parang wala namang reaction sa ginawa niyang pagsigaw.

Parang ung mga lalaki pa ang nahiya sa nangyari.puna niya sa mga lalaki.

"What happen?!!"nagmamadaling tanong ni Malik.

Nang lingunin niya ito nakita niyang mukhang kakagising lang din nito at gulat na gulat. Nakaboxer short lang si Malik kaya kitang kita niya ang katawan nito.

Ay, pandesal men...wala naman akong natatandaang bumili ako ng pandesal.

"FUCK ANO NA NAMAN ITO?!!!"galit na galit na tanong ni Malik sa mga tao sa sala niya.

Nakita niya na lumingon sa kanya si Malik.

"Issay, pumasok ka sa loob. Wag kang lalabas not until I call you"utos nito.

Papasok na sana siya ng may lumabas namang babae sa loob ng kwarto ni Malik. Nakatapis lang ito ng kumot at mukhang kakagising lang din.

"Babe, why so noisy?!!"maarteng tanong pa ng babae kay Malik.

"Shit!!..."parang gulat na gulat naman si Malik ng makita nito ang babae.

Hindi siya nakakilos sa kinatatayuan niya ng makita niya ang babae.

Kainis ah, kanina lang pinagpapantasyahan ko si Malik. Ngayon naman nakakainis na siya.

Sino ba itong hitad na ito at kung makaBABE kay Malik kala mo naman kung sinong maganda. Naiinis na bulong niya sa sarili niya.

"Issay"tawag sa kanya ni Malik.

Tiningnan niya naman si Malik ng nakasimangot siya.

"Tawagin mo nalang ako mamaya kung ipagluluto ko na kayo."mataray na turan niya kay Malik.

Hindi na niya hinintay pang sagutin siya ni Malik. Tumalikod na siya at dumeretso sa loob ng kwarto niya.

Naiilang na siya sa mga tingin ng mga kaibigan ni Malik sa kanya.

Ilang minuto lang naman siya nagstay sa kwarto kasi ng makabihis ang mga kasama ni Malik at makaalis ang mga babaeng kasama ng mga ito tinawag na din siya ni Malik.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now