Forty-nine

128K 2.2K 12
                                    

Forty-nine

Issay's POV

Ito na yata ang pinakamahabang gabi ng buhay niya. simula kasi ng ipasok sa loob ng operating room si Malik hindi pa din lumalabas ang doctor. Kaya naman patuloy ang kaba na nararamdaman niya ngayon.

"Issay you better rest...kitang kita na sayo ang pagod"marahan na tinapik pa ni Marco ang kanyang balikat.

Tiningnan lang niya ang mga kaibigan ni Malik na nasa tabi niya, gaya niya naghihintay lang din ang mga ito sa magiging resulta ng operation ni Malik.

"Kami ng bahala dito Issay, naikuha ka na din ni Marco ng room dito naipaadmit ka na din namin"dagdag pa ni Jake.

Umiling lang siya bilang sagot sa mga ito.

"Dito lang ako, hihintayin ko si Malik na ilabas dyan"mahinang sagot naman niya.

Wala namang nagawa ang mga kaibigan ni Malik kundi ang pabayaan siya ng mga ito na maghintay kasama ng mga ito.

Mag-uumaga nan g lumabas ang doctor mula sa loob ng operating room.

"Sino ang kapamilya ng pasyente?"tanong naman ng doctor.

"Ako po"agad niyang sagot.

"Naalis na namin ang bala sa katawan niya. unfortunately may tinamaan na internal organ kaya nahirapan kami sa operation. But don't worry the patient is stable now."paliwanag ng doctor.

Nakahinga naman na sila ng maluwag sa binalita ng doctor.

"Ililipat na siya sa recovery room, doon niyo nalang siya puntahan"sabi pa ng doctor.

"Salamat po"pasasalamat naman niya.

"Oh, sabi ko sayo kaya ni Malik ito Issay eh, magpahinga ka na. mapapagalitan kami ni Malik kung makikita ka niyang pagud na pagud"baling sa kanya ni Marco.

"Naku, ang hirap pa naman kausap ni Malik kapag nagagalit...parang monster"biro pa ni Jake.

Mula kagabi ngayon lang siya napangiti sa pagbibiro ng mga kaibigan ni Malik.

..................

Inilipat nila si Malik sa Manila ng araw din iyon ng mailabas na ito sa operating room. Pinauwi na muna siya ng mga kaibigan ni Malik para makapagpahinga siya.

Sa bahay nila Benjamin siya dumeretso dahil nandoon ang mga anak niya.

Umiiyak ang mga itong pakbong sumalubong sa kanya.

"Mommy"tawag ng mga ito.

Binuhat niya ang bunso niya at yumakap naman sa kanya ang kambal. Walang tatalo sa pagngawa ang mga ito, ang lakas ng palahaw ng mga ito. nag-alala naman siya para sa mga ito, hindi niya alam kung may alam ang mga ito sa nangyari sa kanila ng tatay ng mga ito.

"Mommy, saan ka nagpunta?"umiiyak na tanong sa kanya ni Jade.

"Ha?"naguguluhang sagot niya.

"They didn't know what happen ate"ani Ana.

Tinanguan niya ito bilang sagot. Hindi na muna niya sasabihin sa mga anak niya ang nagyari tsaka na lang niya ipapaliwanag sa mga ito kung anon gang totoong nangyari. Masyado pang bata ang mga ito para intindihin ang nangyari sa kanila ni Malik.

"Sinundo ko lang si Daddy niyo"malambing niyang sagot sa mga anak.

"Where's daddy po mommy?"tanong muli ni Jade sa kanya.

"Tsaka mommy bakit ang tagal niyong nawala?"tanong naman ni King.

"Then why are cover by blood?"tanong ni Duke.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now