Twenty

149K 2.5K 49
                                    

Twenty

Issay's POV

Sa ilang oras na tinagal niya sa party na iyon ganoon din katagal siyang hindi mapakali sa kinauupuan niya.

Alam niyang ang presensya niMalik ang dahilan ng lahat.

Na ultimo sa pag-uwi nalang niya hindi pa din siya nakatakas sa binata.

Konting tiis Issay. Malapit na kayo sa hotel.

Dapat kasama niya ang mga kaibigan niya na uuwi, pero hindi pumayag ang mga kaibigan ni Malik na isama niya ang mga ito.

Kaya naman pala sila hiwa-hiwalay ng sinakyan ay dahil kila Jake at Marco. Hanggang ngayon pa pala ay may gusto pa din ang mga binatang ito sa mga kaibigan niya.

Kitang kita nga niya na hindi maipinta ang mukha ng mga kaibigan niya na kasama ng mga ito ang mga binata.

Kaya ng paalis na sila sa venue hinatak ang mga ito ng mga kaibigan ni Malik. at hindi na niya alam kung saan ang mga ito ngayon. Kaya naman naiwan siya kasama si Malik.

Kung kanina may kasama silang driver at sa limousine sila nakasakay. Ngayon naman sa isang sports car sila nakasakay at si Malik na ang nagda-drive.

Tahimik lang silang dalawa sa biyahe.

Ayaw naman din kasi niyang siya ang unang magsalita sa kanilang dalawa. Kahit pa marami siyang gustong itanong at sabihin sa binata. Mas pinili nalang niyang manahimik nalang, at hintayin na makarating sila sa hotel.

Hanggang sa magsalita na si Malik, hindi na marahil nakayanan ang kinikimkim na mga tanong sa sarili nito.

"You have kids huh"sarcastic na turan ni Malik.

"Yes"sagot naman niya dito.

Nahihimigan niyang galit ito.

"Why Issay?...bakit?"madiing tanong nito.

She saw how Malik's jaw tighten. Ngayon lang niya nakitang nagkaganito ang binata. Noong nagsasama pa sila nito palagi lang itong malambing at masayahin. Tampo lang ang nakita niya dito kapag nag-aaway silang dalawa.

Kahit kailan hindi niya nakitang nagalit ito.

"Anong bakit?"balik tanong naman niya.

Napatili siya ng basta nalang inihinto nito ang sasakyan. Buti nalang wala ng masyadong sasakya sa lugar kung saan sila dumaan.

"Bakit Issay. Bakit hindi mo man lang hinayaan na magpaliwanag ako noon. Bakit pinagpalit mo na ako agad?"galit itong humarap sa kanya at madiing hinawakan nito ang mga balikat niya para mapaharap siya dito.

"Malik, nasasaktan ako"awat naman niya dito.

Hindi naman siya natatakot kay Malik. Pero hindi niya gusto ang paraan ng paghawak nito sa kanya.

Pilit siyang kumawala sa pagkakahawak sa kanya ng binata pero sadyang malakas ito. nagulat nalang siya ng hapitin niya nito palapit at hawakan ang kanyang ulo at sapilitang halikan.

Nanglalaki ang mata siya ng maramdaman ang labi nito sa kanyang labi.

Mapusok at may halong pagnanasa ang paraan ng paghalik sa kanya ni Malik. Nanlalaban siya ng una pero dahil mas malakas ito wala naman siyang magawa kundi ang magpaubaya nalang sa lalaki.

Sa loob ng anim na taon ngayon na lang siya ulit nahalikan ng ganito. Madalas kasi ang mga anak lang niya ang nahahalikan niya.

Kaya nadadala na siya sa sensasyong binibigay sa kanya ni Malik. Malayan nalang niyang tinitugon na pala niya ang halik ni Malik. Kung noong una ay mapusok at mapagparusa ang paraan ng paghalik nito, ng tugunin niya naging masuyo na ito at may pagmamahal.

My Playboy Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon