Twenty-four

159K 2.6K 36
                                    

Twenty-four

Issay's POV

Hindi mapinta ang mukha nilang parehas ni Malik ng mga oras na iyon.

Panay ang irap nila sa isa't isa, nasa Palawan sila ngayon dahil sa photoshoot niya para sa promotion ng resorts nito.

Ang dahilan lang ng pagtatalo nila ni Malik ay ang isusuot niya sa pictorial.

Kailangan kasi niya na nakatwo piece swim suit sa pictorials niya pero ayaw naman pumayag ng binata.

Hindi daw dapat niya ibalandra ang katawan niya sa ibang tao.

"Saakin mo lang pwedeng ipakita ang katawan mo"

Sabi pa nito kaninang umaga ng puntahan siya nito sa cottage nila ng mga anak niya.

Isa pa pala iyon sa pinagmamaktol ng binata sa kanya hindi kasi siya pumayag na sa iisang kwarto lang sila tutuloy sa Palawan.

"Ano naman ngayon kung magkasama tayo sa iisang kwarto Issay, kasama naman natin ang mga anak natin"

Pagpupumilit pa nito ng dumating sila sa Palawan.

Hindi nila kasama ang mga kapatid niya at nanay. Nagpaiwan na kasi ang mga ito sa Manila kasi malapit na naman daw silang bumalik ng Pilipinas para hindi naman na mapagud ang nanay nila.

Kaya naman sila lang ng mga anak niya, sila Kyla at Carla at si Malik. Ang magkakasama sa Palawan. At ipinilit niyang hindi pwedeng kasama si Malik sa cottage nila.

Kaya naman ngayon isang oras ng delay ang pictorial niya dahil hindi pa rin pumapayag si Malik sa isusuot niya.

"Urgh!!!!!!!"gigil niyang inirapan niya ulit si Malik.

Prente lang kasi itong nakaupo sa isa sa mga beach bench sa set nila para sa pictorial.

"Malik please naman, let me do my job will you"pakiusap niya dito.

"No, kung iyan ang isusuot mo"turo nito sa swim suit na nakahanger sa mga damit na isusuot niya.

"Malik, nagsusuot naman ako ng ganyan. I've known as lingerie model of Elena's Secret for Godness sake Malik"naiinis na paliwanag niya dito.

"So from now on hindi ka na magsusuot ng ganyan for pictorials"sagot naman nito.

"Daddy, did you and mom fighting?"tanong kay Malik ni King.

"No, buddy. Mommy and I are just discussing things that parents have to discuss"paliwanag naman nito sa anak.

"Daddy, when are we going to swim?"tanong ni Duke kay Malik.

"Later buddy, when mom finish her job"magiliw na sagot ni Malik sa anak.

"Mom, when will you finish you pictorials?"baling naman sakanya ni Duke.

"I cant do my job baby"sagot niya sa anak.

Para siyang nagsusumbong sa anak niya.

"Why?"sabay na tanong ng mga anak niya.

"Your daddy don't want me to wear that swim suit, so there will be no swimming for you boys"nakapout na sagot niya.

"NO!!!!"sabay pa na sagot ng mga bata. Napatakip pa ng mukha ang mga anak nila na para bang frustrate na frustrate ang mga ito na hindi sila makaka-swimming.

"Daddy!!!...Daddy!!!"tawag ng mga anak niya kay Malik.

Napapangisi siya sa nakikita niya. Alam niya kung gaano kakulit ang mga anak niya. hindi nito titigilan si Malik hangga't hindi nakukuha ng mga ito ang gusto.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now