Thirty

132K 2K 28
                                    

Thirty

Issay's POV

Hindi na siya nakauwi pa kagabi kaya naman sobrang nag-aalala na siya sa mga anak niya. kanina pa niya pinapagalitan si Malik kasi naman hindi siya ginising ni Malik kagabi para sana nakauwe man lang siya o kaya naman napapunta niya ang mga anak nila sa hotel. Hindi pa naman sanay ang mga anak niya na biglaan siyang nawawala sa tabi ng mga ito.

"Can you please stop laughing, Malik"naiinis na niyang saway ditto.

Paano ba naman kasi simula pa kaninang umalis sila sa hotel hindi na tumugil sa kakatawa ang binata.

"Magrelax ka kasi honey, ang lalaki na ng mga anak natin. Wag mo kasi masyadong ibaby ang mga iyon. Magseselos na ako sa kanila. Nasolo ka na nila ng anim na taon. Let me have you all alone this time please."natatawa pa ding sagot naman ni Malik sa kanya.

"Ano ka ba naman Malik, sanay ang mga iyon na palagi akong kasama. Hindi naman natin sila pwedeng madaliin sa ganong bagay."inis niyang paliwanag.

"Kaya nga sasanayin na natin sila, kailan mo pa sila sasanayin. Hindi na tayo bumabata Issay, mahal ko sila gaya ng pagmamahal ko sayo. Pero honey mas nauna kitang minahal kaysa sakanila. Kaya naman gusto ko naman kahit man lang sa ilang oras masolo kita please. Wag ka ng magalit pa."nakapout pa ito habang nagpapaliwanag.

Hindi naman kasi niya makita ng buo ang mukha ng binata kasi naman nagddrive ito.

"Fine"pagsuko nalang niya.

"I love you honey"nakangiti ng turan nito.

"I love you too"sagot naman nya.

May sasabihin pa sana siya kay Malik ng biglang tumunog ang cellphone niya.

"Bakla asan ka na?!!"si Carla.

Mukhang sa tono ng pananalita nito mukha itong nagpapanic.

"Pauwi pa lang"sagot naman niya ditto.

"Nagwawala na si Ma'am Elena, paano naman kasi wala ka pa may final rehersal daw ngayon."nagpapanic nga ito.

"What?, ang akala ko ba wala na"nagpapanic na din siya.

Hindi kasi magandang magalit si Madam Elena, lahat sila madadamay sag alit nito. lalo pa ngayon na may fashion show mamayang gabi.

"Malik, pwede ka bang mag-u-turn dyan. Kailangan kong makarating sa studio ngayon din. Please"utos niya kay Malik.

Nakasimangot naman itong sumunod sa pakiusap niya. agad niyang tinapos ang tawag ni Carla at tumawag naman sa bahay nila para ipahatid ang mga anak niya sa studio. Tutal naman nandoon na si Malik may magbabantay na sa mga anak nila.

Buong biyahe nila tahamik lang si Malik na nakapagtataka sa kanya. Kanina kasi napabubbly nito at tawa ng tawa. Pero ngayon napakatahimik na nakasimangot pa.

Bipolar na yata si Malik niya.

"Honey, may problema ba tayo?"hindi niya na napigilan na tanongin ito.

"Oo, ayokong pumunta ka sa fashion show mo mamayang gabi"madilim ang mukha nito ng sabihin iyon.

Ngayon naiintindihan na niya kung bakit biglang nagbago ang mood ng kasama niya. dahil na naman sa sexy ang fashion show mamaya. Nagsumbong na marahil ang mga anak niya kay Malik kaya biglang napalipad ito ng Paris para pigilan siya.

"Malik, alam mo naman na ito na ang trabaho ko ngayon. Ditto nasalba ang palubog ng business ng daddy ko. Isa pa hindi naman ako mukhang bastusin sa mga isusuot ko para mamayang gabi. They are all sexy outfit yes, but hindi naman ako magmumukhang porn star sa mga iyon. Aren't you proud na ang girlfriend mo na nanay ng mga anak mo sexy pa din"mahabang paliwanag niya kay Malik.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now