Eleven

201K 3.4K 71
                                    

Eleven

Issay's POV

Pakiramdam niya may nakadagan sa kanya na mabigat. Pero hindi niya magawang imulat ang mga mata niya sa sobrang puyat niya. Masakit ang mga mata niya kaya hindi niya magawang idilat ang mga mata niya.

Pakiramdam niya din na parang mabibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit. Isama pa ang tuyong tuyo niyang lalamunan.

Kailangan ko ng tumayo. Baka gising na si Malik. Wala pang nakahandang pagkain. Naisip niyang bigla.

Kaya kahit hindi maganda ang pakiramdam niya pinilit niyang imulat ang mga mata niya.

Naguluhan pa siya ng pagmulat ng mata niya wala siya sa sarili niyang kwarto.

Unknowingly nailibot niya ang paningin niya kung nasaan siya.

Hindi ng niya kwarto ito. Kwarto ito ni Malik.

Lumingon siya sa kanan niya at nakita niya si Malik na mahimbing pa din ang tulog sa tabi niya. At infairness nakayakap pa sa kanya with matching dantay pa ng paa sa kanyang mga hita. Kung titingnan ang pwesto nila ngayon parang takot si Malik na takas an niya ito.

Nang magtangka siyang tumayo, napansin niyang wala siyang saplot.

Bigla siyang kinabahan.

Ano 'to. Dejavu. May nangyari samin ni Malik?AGAIN?!!!!!. nagpanic na siya kaya naman bigla nalang siyang....

"Ahhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"sumigaw.

Sa gulat yata ni Malik napabalikwas ito ng tayo at nahulog sa kama.

Magulo ang buhok na halatang nagulat si Malik na antok na antok pa na nakatayo na sa kanyang harapan.

Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa.

Pakshet naman...pandesal na naman with palaman na ngayon. Hotdog at itlog.....wait hotdog at itlog?!!......

"Ahhhhhh......"sigaw niya muli sabay takip sa mata niya at sabay turo sa katawan ni Malik na naghuhumiyaw sa kahubadan.

"Bakit ka ba sigaw ng sigaw Issay"reklamo naman ni Malik.

Mukhang hindi pa naiisip ni Malik na nakahubad pa siya.

"Malik nakahubu ka pa"sagot naman niya na nakatakip pa din sa mata niya ang isang kamay niya.

Inaantok pang tumingin naman sa katawan niya si Malik. Pero para namang hindi man lang apektado sa kahubadan nita.

"Ano naman ngayon Issay. Ikaw din naman wala ding damit. Tsaka nakita mo naman na ito kagabi pa, nahawakan mo pa"balewalang sagot ni Malik.

Tumayo pa nga ito ng maayos na para bang pinagmamalaki pa ang katawan sa kanya.

"Anong nakita?.. anong nahawakan?.."nagtatakang tanong naman niya.

"Don't tell me Issay you don't remember anything that happened last night?"tanong sa kanya ni Malik.

Wala naman siyang matandaan sa mga nangyari sa kanila kagabi. Ang alam lang niya niyaya siya ni Malik na sumayaw sa dance floor, tapos nag-inuman pa sila at nagkayayaan ng umuwi.

"You don't remember that you seduced me last night"hindi naman isang tanong ang sinabi ni Malik.

Nahihiyang nagtakip siya ng mukha gamit ang kumot. Wala talaga siyang maalala na kahit ano sa mga nangyari kagabi. Lalo pa sa sinasabi ni Malik na inakit daw niya ito.

"Wala talaga akong maalala"naiiyak na sagot niya kay Malik.

Naramdaman niyang umupo na sa kama si Malik. Maya maya'y naramdaman na niyang hinila na ni Malik ang kunot na nakatakip sa kanya.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now