Thirty-nine

123K 2K 31
                                    

Thirty-nine

Issay's POV

Ito na yata ang pinakamalungkot niyang gabi simula ng makilala niya si Malik.

Ang hirap para sa kanya na tanggapin na may ibang babaeng niyayapos si Malik maliban sa kanya. Kung noon naman nakikita pa niya si Malik na nag-uuswi talaga ng babae noon sa condo nila at katabing matulog ni Malik, hindi niya masyadong ininda.

Kasi alam niyang nagbago na noon si Malik. na siya lang ang mahal nito.

Hindi naman siya bibigyan ni Malik ng tatlong anak kung hindi siya mahal nito hindi ba.

Pero ngayon gabi ang makitang may kasamang ibang babae si Malik na ipinamamalita na iyong babaeng katabi nito ang pakakasalan nito, masakit. Masakit tanggapin sa side niya.

Siya ang ina ng mga anak nito. Pero hindi siya ang pakakasalan, dahil ibang babae ang pakakasalan nito.

"I don't love you anymore Issay"

"I don't love you anymore Issay"

"I don't love you anymore Issay"

Parang sirang plaka na paulit ulit niyang naririnig ang sinabi sa kanya ni Malik kanina lang habang magkasayaw sila. Ang akala nga niya effective yung pagpapaselos nila kay Malik gamit ang kapatid niya. pero mukhang wa epek ang plano niya para mapabalik sa kanya si Malik.

Masyado na yata silang nagkalayo ni Malik.

Four years...

Four fucking years silang nagkalayo ni Malik na wala man lang silang komunikasyon na dalawa.

Hindi kaya mahal na talaga ni Malik si Naomi kaya naman ito ang pakakasalan niya. nab aka inisip na talaga ni Malik na kasal siya noon kay Dylan at wala na talagang plano si Malik na balikan siya.

Parang pinaasa lang siya ni Marco noon ng sabihin nitong mahal pa din siya ni Malik.

Kung mahal ako ni Malik hindi niya sasabihin na hindi niya na ako mahal kasi alam niyang masasaktan ako. Pero bakit?...bakit Malik?...

Naglalakad siya palabas ng hall ng may biglang humila sa kanya sa isang sulok.

"Hey..."angal niya.

Dumoble ang inis na nararamdaman niya ng makita kung sino ang humila sa kanya.

Si Naomi.

"Anong kailangan mo?"mataray na tanong niya sa babaeng kaharap.

"Tsk..."nakasmirk itong umirap sa kanya.

Iirap-irap ka pa dyan, dukutin ko mata mo dyan makita mo. Bulong niya sa isip niya.

"Bakit ka pa nagpakita ditto sa party ko"nakataas ang isang kilay nito ng tanungin siya nito.

Hindi naman siya nagpatalo at tinaasan niya din ito ng kilay with matching tingin na nag-uuyam mulo ulo hanggang paa nito.

Kala ng linta na ito hindi siya marunong magtaray.

"Kung alam ko lang na dito ako dadalin ni Parker hindi na sana ako nagpunta, wala kasi akong planong makipagplastikan sa mga taong nandito"mataray na sagot niya.

Well kailangan niyang ibawi ang kanyang pride kaya naman nagsinungaling siya.

"Huh, dapat lang...kasi hindi ka bagay dito. walang lugar ditto ang mga disgrasyada"pangbabara sa kanya nito.

Aba't bruhang ito.

Pinilit niyang pakalmahin muna ang kanyang sarili bago siya sumagot.

"Hindi naman ako magiging disgrasyada kung kaya lang magpigil ng fiancée mo"ganti niya sa tirada sa kanya ni Naomi.

My Playboy Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon