Forty-five

117K 1.8K 62
                                    

Forty-five

Issay's POV

Hindi niya alam kung matatawa ba siya o hindi sa nangyayari sa kanyang buhay ngayon.

Paano ba naman kasi, ilang taon na ba ang lumipas. 10 years.

Sa sampong taon na iyon tanging si Malik lang ang lalaking nagpapatibok ng puso niya.

At sa sampong taon na nilang dalawa ilang beses na silang nagkahiwalay na dalawa.

At sa tuwing nagkakahiwalay silang dalawa may nadadagdag sa pamilya niya.

Gaya ngayon.

She's staring at a small piece of plastic stick pointing out that two red lines.

Napatingala siya sa kisame ng banyo nila. Kasalukuyan silang nasa probinsya ngayon ng Nanay niya. nag-aya kasing magbakasyon si Ana sa probinsya. Dahil namimiss naman din niya ang nanay niya sumama na silang mag-iina kay Ana.

Halos isang linggo palang nila dito ngayon.

Sa halos isang linggo nila dito may napansin na agad ang nanay niya sa kanya na hindi niya alam kung ikatutuwa ba niya ito o ano.

"Anak buntis ka ba?"nag-aalalang tanong sa kanya ng ina.

Nagising kasi siyang parang sinisikmura siya kaya naman nagsuka siya pagkagising na pagkagising palang niya. noong unang araw niyang nagsuka sa umaga hindi nila pinansin kasi naman inisip nilang baka naman nanibago lang siya sa probinsya ng nanay niya.

Pero sa ikalawang araw niya na nagsuka at may kasama pang pagkahilo tinanong na siya ng nanay niya.

Agad naman siyang binigyan ni Ana ng pregnancy test kit.

"Palagi akong binibilan ni Benjamin ng ganyan hoping na meron ng laman"paliwanag ni Ana sa kanya kahit hindi naman niya ito tinanong.

"Meron naman na ba?"tanong tuloy ng nanay nila.

Nahihiya namang tumango si Ana sa ina.

"Buntis ka?"natutuwa niyang tanong sa kapatid niya.

"Oo, pero ayoko pang sabihin kay Benj. Kukulitin lang ako 'non na magpakasal kami Ate."paliwanag nito sa kanya.

"Kahit na dapat sabihin mo pa din"sermon naman ng ina nila dito.

Bumuntong hininga lang ang kapatid niya bago siya binalingan nito.

"Sige na ate magtest ka na"taboy sa kanya ng kapatid niya.

Kaya ito siya nakatitig sa pregnancy test niyang ginamit. Naghuhumiyaw ang two lines na resulta nito.

Shit ka talaga Malik, ang tindi ng kamandag mo. Bulong niya sa isip niya.

Hindi niya kasi napansin na hindi pa nga pala siya nagkakaroon simula noong may nangyari ulit sa kanila ni Malik. nawala na kasi sa isip niya iyon sa dami ng pinagdadaanan niya ngayon.

Laglag ang balikat na lumabas siya ng banyo nila. Nakita niya doon na naghihintay ang kanyang ina at kapatid.

"Ano Issay?"nag-aalalang tanong sa kanya ng Ina.

Hindi na niya sinagot ang ina pinakita nalang niya ang PT na ginamit niya. nanlalaki ang mata ng mga ito ng makita ang resulta nito.

"Grabe ate, ang lakas naman ng semilya ni Kuya Malik at nakapuntos na naman sayo"react ng kapatid niya.

"Ano ng plano mo ngayon Issay. Balita ko ikakasal na si Malik ilang araw mula ngayon"nag-aalala pa rin tanong sa kanya ng ina.

Naiiyak naman siya sa nagyayari sa kanya. Sa tuwing magkakaroon sila ni Malik ng munting angel nagkakahiwalay sila. Ibig bang sabihin nito magkakahiwalay na naman sila nito kasi magkakababy na naman sila.

My Playboy Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon