Nineteen

159K 2.8K 121
                                    

Nineteen

Issay's POV

"Mommy, can we go with you?"tanong ni King sa kanya.
"I'm sorry baby, but you cant come with mommy. It's a party for adults, and babies are not allowed there"nasagot naman niya.

Kanina pa siya kinukulit ng mga anak niya na sasama daw ang mga ito simula ng makita ng mga ito ang gown na isusuot niya sa party para mamayang gabi.

"But mommy, we want to your date"angal naman ni Duke.

Palagi kasing ito ang date siya sa mga party na pinupuntahan nila sa Paris kaya sanay ang mga ito na kasama niya. Wala kasi sila sa Paris ngayon at hindi sila ang nag-organize ng party kaya nahihiya siyang isama ang mga anak niya.

Siya lang kasi at ang mga kaibigan niya ang invited sa party ng LM corp.

"Next time baby"pangako na naman niya sa anak.

"No mommy, we have to be there. What if there will be a boy that come near you. We won't allow it"pagmamatigas ng panganay niya.

"Yeah, only kuya King and me are allow to be your date"segunda naman ng bunso.

"Mommy do you have a date?"habol na tanong naman ng panganay niya.

"I'am..."hindi na niya naitulo ang sasabihin niya ng magsalita si Duke.

"Mommy doesn't have a date, she' alone b'coz she will not bring us there"ang bunso na niya ang sumagot para sa kanya.

Tumatawa naman si Carla at Kyla na nag-aayos sa kanya ng mga oras na iyon.

"Ang possessive ng mga anak mo Baks"turan sa kanya ni Carla.

"Ninang Carla, we have a tux right?"tanong pa ni King kay Carla.

"Yes you have baby"natatawang sagot naman ni Carla.

"Where is it?"tanong naman ni Duke.

"King, Duke. Enough when I said the two of you will not go with. You have to stay here with lola."kunwari ay pagalit niya sa mga ito.

Pero kaysa matakot ang mga ito, sumampa lang ang mga ito sa kama niya at nagtatatalon lang.

"No, mommy. You have to bring us for you to have a date"pagmamaktol naman ng mga anak niya.

Nagti-tili pa nga ang mga ito habang tumatalon sa kama niya.

"Mommy has a date tonight"pagbibigay ng impormasyon naman ni Kyla sa mga anak.

Na nagpatigil sa mga ito sa pagmamarakulyo.

"What?mommy has a date and that not us?"naiiyak naman na tanong ni Duke kay Kyla.

Pinaglakihan niya ng mata si Kyla sa pagiging madaldal nito.

"Mommy is not allowed date some body unless it is our daddy."nakakunot noo na dagdag naman ni King.

Sa nakikita niya sa mga anak niya ngayon parang nakikita nila si Malik sa mga ito. Magkaugali kasi ang mga ito, possessive.

"Wait parang si Malik ang narinig kong nagsalita"biro naman ni Carla sa kanya.

Buti nalang hindi pa nakakaintindi ng tagalog ang mga anak niya kaya hindi naintindihan ng mga ito si Carla.

"Carla naman,"naiinis na saway niya sa kaibigan.

Nagkibit balikat naman sa kanya ang kaibigan niya at nagpatuloy sa pagme-make-up sa kanya. Samantalang si Kyla naman ang nag-aayos ng buhok niya.

"Mommy!!!!!!!!!!!!"sigaw na naman ng mga anak niya.

My Playboy Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon