Seven

188K 3.4K 34
                                    

Seven

Issay's POV

Kanina pa siya patingin tingin sa kasama niyang binata.

Hindi kasi maipinta ang mukha nito kanina pa mula ng dumating sila sa bahay nila. Nagprisinta pa kasing ihatid siya ditto sa kanila. Mukha namang mayaman at hindi sanay sa lugar nila.

"Malik"tawag ko dito

Nagpalinga linga muna ito sa paligid bago siya tingnan nito.

"You realy live here?"manghang tanong nito.

"Oo, ayon ung bahay naming."turo ko naman dito ng bahay naming.

Manghang mangha naman ito tumingin sa paligid nila. Maliit lang kasi ang bahay naming, tapos bago ka makarating sa mismong bahay, dadaan ka muna sa isang maliit na iskinita. Sa paglalakad naman makikita mo ang mga tambay na nag iinuman o kaya naman ay ang mga kumpulan ng mga kababaihan na nagti-tsismisan.

Hindi din ganoon kalinis sa dadaanan nila. Karamihan pa sa mga tao ditto mga hindi mo mapagkakatiwalaan ang itsura. Pero mababait naman ang mga kapitbahay nila kaya hindi siya natatakot sa mga ito.

Isa pa kilalang kilala siya sa lugar nila kaya hindi siya gagalawin ng mga ito.

"This is really amazing"natatawang bulong nito.

Agad naman kaming nakarating sa tapat ng bahay naming at pumasok doon. Hindi naman nagpaiwan sa labas si Malik, nadatnan naming ang mga kapatid ko.

"Ate, hinahanap ka ni nanay. Saan ka daw ba nagpunta"Bungan na tanong ni Lance.

"Dyan lang nagbayad kasi ako ng utang ko. Asan si nanay?"

"Nasa likod naglalaba sila ni ate Ana"sagot naman ni Budoy.

"Bakit niyo naman pinaglaba si nanay"pagalit ko sa mga ito.

Nagmamartsa akong nagtungo sa likod bahay naming at pinuntahan ang aking ina at kapatid. Agad kong nakita si nanay at ang kapatid kong naglalaba.

"Nay, ang tigas naman ng ulo niyo. Diba sabi ko magpahinga lang kayo. Bakit naglalaba na naman kayo?"naiinis na sita ko sa ina.

"At ikaw naman Ana, bakit naman hinayaan mo pa si nanay na maglaba"pagalit naman niya sa kapatid.

"Anak, konti lang naman pandagdag sa panggastos natin. Tsaka katulong ko naman si Ana"sagot ng kanyang ina.

"Kaya nga ate, tska si nanay lang nagkusot ng mga puti."dagdag pa ni Ana.

"Kahit na po, ako na bahala sa panggastos natin. Kaysa naman magkasakit ka naman nay."naiiyak na sagot niya sa ina.

"Pumasok na kayo sa loob at ako na po bahala diyan. Ako na magtutuloy"

Hinatak niya papasok sa loo bang kanyang nanay at kapatid. naunang nakapasok ang nanay niya at ang kapatid niya dahil tinulak niya ang mga ito. Nagpaiwan pa siya sandali sa labas at isininop ang mga ginagawa ng mga ito.

"Ana, maglibot tayo mamaya. Maghanap tayo ng pwede nating ipaglaba"hiyaw niya sa kapatid.

Nang hindi ito sumagot naisipan na din niya sumunod na sa kapatid at ina sa loob.

Nadatnan niyang nakanganga ang mga ito sa taong bisita nila. Hindi na niya naalala na may kasama pala siya kanina ng dumating siya.

"Ah Malik, sorry ha. Nakalimutan na kita. Si Nanay kasi, ang tigas ng ulo niya."

"It's okay. Magandang umaga po. I'am Malik Perez, Ma'am."pakilala nito sa kanyang ina.

"Issay, anak hindi mo man lang sinabi na may bisita ka. Hindi man lang tayo nakapaglinis. Maupo ka hijo, pagpasyensahan mo na ang bahay namin."sagot naman ng kanyang ina kay Malik.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now