Thirty-one

123K 1.8K 19
                                    

Thirty-one

Issay's POV

Para naman siyang nakalutang sa alapaap ng mga nakaraang araw na nagdaan, mula ng dumating si Malik. Hindi niya alam kung paano nagagawa ni Malik ang mga nangyayari sa kanila ngayon. Pero nag-eenjoy naman siya sa nangyayari sa kanila ngayon.

Halos isang linggo na silang magkakasama na mag-anak. Parati lang silang namamasyal na apat. Pumapasok pa din naman siya sa trabaho niya pero kapag nandoon na siya palagi nalang napo-postpone o kaya naman cancel ang mga lakad niya.

Alam naman niyang si Malik ang may gawa noon. Minsan kasi nahuli niya itong may kausap sa telephone at mukhang ginagamit nito ang koneksyon nito para makasama sila ng matagal.

"Malik, ano ba ginagawa mo?"takang tanong niya kay Malik.

Nakasalampak kasi ito at ang mga anak nila sa sala at mukhang busy ang mga ito.

Sabay sabay na lumingon sa kanya ang mga ito at nakita niyang kumakain ng ice cream ang mga ito at nakahubad pa ang mga ito. hindi ba nilalamig ang mga ito, winter ngayon sa Paris kaya napakalamig.

"Kumakain lang kami Mommy"nakangisi pang sagot ni Malik sa kanya.

Natatawa naman siyang pinagmasdan ang tatlo. Masayang kumakain ang mga ito, enjoy na enjoy ang mga anak niya.

"Hindi ba kayo giniginaw sa itsura niyo?"natatawa naman tanong niya.

Tumayo ang mga ito at nagmistulang body builder sa harapan niya. nakabrief lang ang mga anak niya at si Malik naman ay nakaboxer short lang.

"Hindi kami giginawin Honey, kasi super hot namin ng mga anak natin"kinindatan pa siya nito.

"Were hot mommy"sabay pang sabi ng kambal.

"Hot?..really..saan banda Malik?"pang-aasar niya kay Malik.

"Wow, hindi mob a nakikita ang mga muscle na ito."pag nagpakita nga ng muscle si Malik.

Bigla naman siyang nakaramdam ng init sa katawan niya. Hindi naman kasi nagbibiro si Malik, sobrang ganda ng katawan ni Malik.

Mas gumanda pa ang katawan ni Malik ng magmatured na ito. maganda naman ang katawan noon ni Malik kaso mas lalo lumaki ang katawan nito ngayon.

Hindi mo maiiwasan na pagnasahan ang katawan ni Malik ngayon. Tiningnan niya ito mula ulo pababa sa malapad na dibdib nito hanggang sa six packs abs nito na naghuhumiyaw sa sobrang ganda. Pababa ulit papunta sa v-line nito na sumisilip sa suot nitong boxer shorts at sa....

"Your drooling Honey..."tuya pa sa kanya ni Malik.

"I'm not"tanggi naman niya.

Bigla naman naglikot ang kanyang mata para naman pagtakpan na pinagpapantasyahan niya ang katawan este si Malik pala.

Bakit naman kasi ang ganda ng katawan ni Malik para naman kasi inukit na ang katawan nito sa sobrang perfect na hubog.

"Really honey"malik said using his deep bedroom voice.

Shit!!!....bakit parang gusto ko na yatang hilahin si Malik sa kwarto namin. Bulong niya sa sarili niya.

"Yes"pagtataray naman niya dito.

"Mommy you're blushing"pansin naman sa kanya ni King.

Nilingon niya ang mga anak niya at nakita niyang humahagikgik lang ang mga ito sa harapan niya.

Aba at nakuha pa ng mga ito na pagtawanan siya. Unfair talaga ang mga anak niya, siya ang nakasama ng mga ito simula ng ipanganak niya ang mga ito pero bakit mukhang mas close na ang mga ito kay Malik.

My Playboy Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon