Eighteen

147K 2.9K 44
                                    

Eighteen

Issay's POV

Pagdating nila sa Pilipinas may sumundo naman sa kanilang isang lalaki. Ito daw ang marketing manager ng LM Corp, siya ang makakasama nila sa loob ng dalawang linggong pagstay nila sa Pilipinas para sa trabaho niya sa kompanya nito.

"Miss Wilson, I'm Yohan. I'm the Marketing Manager of LM corp. I will be incharge in your daily schedule"pakilala nito.

Ang akala naman niya lalaki, maling akala na naman pala siya.

"Avery is fine with me"aniya naman.

Nagbiyahe na sila papuntang hotel kung saan sila mags-stay.

Binenta na kasi ng Daddy niya ang bahay nito sa Pilipinas kaya wala na silang tutuluyan dito sa Pilipinas.

"The company will held a Christmas gathering this coming Friday, in the event we will announce you as our new Image model"paliwanag sa kanya ni Yohan habang nasa biyahe sila.

"Okay, thanks Yohan."

"Ate, sa hotel lang tayo magstay?"tanong sa kanya ni Buboy.

"Oo, pero pwede naman kayong maglibot while I'm at work"magiliw na sagot niya sa kapatid.

"You can speak tagalog Miss Avery."manghang tanong sa kanya ni Yohan.

"Yap, dito kami lumaki. I just went to New York six years ago and while Paris I went there two years ago for my modeling career"paliwanag naman niya dito.

"Hoo. Ang akala ko kakailanganin ko ng madaming tissue sa nose bleed ko"maarteng biro ni Yohan sa kanya.

Nagtawanan naman silang lahat na nakasakay sa van na maghahatid sa kanila sa hotel.

"Baks, sa mga bahay nalang naming kami magstay ni Kyla"inform sa kanya ni Carla.

"Sige alam ko naman na miss niyo mga parents niyo."sagot naman niya sa mga ito.

Nakarating naman sila agad sa hotel nila. Pinahatid na niya ang mga kaibigan niya sa mga bahay ng mga ito.

"Tomorrow we will have a meeting with your photographer and sytlist"inform sa kanya ni Yohan ng schedule niya.

"Okay thanks again Yohan"

"Have a nice day miss Avery"paalam sa kanya nito.

Napabuntong hininga nalang siya ng makaalis na ito sa harapan niya.

Now, what I'am going to do next. Tanong niya sa sarili niya.

"Ate, maglilibot na kami agad ni kuya Lance"masayang paalam sa kanya ni Buboy.

Tinanguan lang niya ang mga ito, kasama din ng mga ito si Ana at mukhang balak din isama ng mga ito ang nanay nila.

"Anak okay lang bang isama naming ang kambal?"tanong sa kanya ng ina.

"Yes naman po Nay, ingat nalang po kayo"pagpayag naman niya.

Nang umalis na ang mga ito sa hotel suite nila, bigla naman siyang hindi mapakali.

May gusto siyang puntahan, pero hindi niya alam kung doon pa din ba nakatira si Malik.

"Bahala na nga"at kinuha niya ang kanyang blazer at umalis na.

..........

Kanina pa siya sa labas ng condo ni Malik. Pero hindi niya alam kung paano siya haharap sa binata after six years being apart.

"Miss"tawag sa kanya ng driver ng taxi.

"Po?"nagulat na tanong niya.

"Hindi ka pa ba bababa miss? Kasi kanina pa tayo ditto."napapakamot naman sa ulo ang driver.

My Playboy Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon