Ten

202K 3.3K 38
                                    

Ten

Issay's POV

Mabilis lumipas ang mga araw, nakakatatlong buwan na siya na nagta-trabaho kay Malik.

Okay naman silang dalawa, casual lang ang pakikitungo nilang dalawa sa isa't isa.

Kabisado na nga siya ang schedule nito at ang mga gusto at ayaw nito.

"Issay, malalate ako ng uwi ngayon mauna kana kumain. Sa labas ako kakain"paalam sa kanya ni Malik.

Tinanguan lang niya ito at inihatid lang sa tingin ito.

Nasasanay na din naman siya na palaging gabi na ang uwi ng amo niya. Minsan pa nga may kasama pa itong babae na doon matutulog sa kwarto nito.

Syempre hindi naman siya pinanganak kahapon para wala siyang alam sa ginagawa ng mga ito sa loob ng kwarto ni Malik.

Playboy talaga.

Pero wala naman siya sa lugar para naman pagsabihan si Malik na mali ang ginagawa nito.

Kung sila nga may nangyari na sakanilang dalawa pero parang wala lang din kay Malik.

Kasi naman sabi ko naman kasi hindi ako maghahabol. Pano naman ako iintindihin ni Malik kungsaakin palang parang wala ng halaga ang nangyari sa amin. Malungkot na naisip niya.

Naisip niyang umalis na lang ng Condo ni Malik kasi naman wala na siyang gagawin pa doon. Lahat na yata ng kasuluk-sulukan ng condo nalinis na niya. Kaya wala na siyang maisip na gagawin niya sa mga susunod pang oras.

Habang palabas siya ng condo nakita niya ang mga kaibigan niyang sila Carla at Kyla.

"Uy, girl!!!"tawag sa kanya ng mga ito.

Nagtataka man siya nilapitan na niya ang mga ito.

"Pano niyo nalaman na dito ako nakatira?"tanong niya sa mga ito.

"Nagpunta kami sa inyo. Wala na kayo 'dun. Buti nalang alam ng dating land lady niyo kung saan kayo lumipat. Ayon pinuntahan ka naming pero wala ka na din 'dun. Hoy bruha asensado ka na ha."sagot naman sa kanya ni Carla.

"Anong asensado, namamasukan lang akong katulong dito"sagot naman niya sa mga ito.

"Hehe alam naming, Girl."natatawa namang sagot ni Kyla.

"Bakit nga pala kayo nandito?"tanong niya sa mga ito.

Inaya niya ang mga ito na pumunta sa ganden la gilid ng condo building. Nahihiya naman kasi siyang ayain ang mga ito sa loob ng condo ni Malik. Baka magalit pa sakanya ang amo niya.

"Ay, nakalimutan mo Bakla?"parang nagtatampong sagot sa kanya ni Carla ng makaupo na sila sa isa sa mga bench sa Garden.

Nagtataka naman siyang nagpalipat lipat ng tingin sa mga kaibigan niya.

"Debut ko ngayon."nagtatampong wika ni Carla.

Napapalakpak pa siya ng maalala niya ang birthday ng kaibigan niya.

"Sorry Bakla, ang dami ko kasing ginawa ng mga huling araw. Bawi ako hindi pa naman huli ang lahat."nagpuppy eye pa siya sa mga ito.

Inirapan siya ni Carla pero maya maya lang tumawa na ito ng malakas.

"Dapat ka lang bumawi. Ang dami mo ng utang na kwento sa amin."masayang hinila siya ni Carla palabas ng compound ng condo.

"Saan tayo pupunta?"tatakang tanong niya sa mga kaibigan niya.

"Magse-celebrate tayo Bakla. Pwede ka bang magpagabi ngayon. Sunday naman na bukas, so reastday mo bukas."masayang paliwanag ni Carla.

Wala na siyang nagawa pa kaya naman sumama na siya.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now