Fifteen

167K 2.8K 99
                                    

Fifteen

Malik's POV

It's been what...

6 years

6 fvking long years since he last saw Issay. Pero hanggang ngayon wala pa din siyang balita kung nasaan ang pinakamamahal niyang si Issay.

Kahit ilang beses na siyang naghire ng private investigator wala man lang siyang nakuhang kahit na anong lead kung nasaan na si Issay at ang mga kapatid at nanay nito.

Nahalughog na yata niya ang buong pilipinas mahanap lang si Issay pero wala talaga. Hindi niya talaga makita kung saan na naroon ito.

Kahit pa sabihin sa kanya ng mga magulang niya na itigil na niya ang paghahanap hindi niya magawang itigil. Mahal na mahal pa din niya ito kahit na anong mangyari hindi nababawasan ang pagmamahal niya dito.

Gaya ngayon kahit pa nasa opisina siya hindi niya maiwasan na hindi isipin si Issay. Kung kamusta na ba ito, kung anon a ba ang itsura nito ngayon. Occupied ni Issay ang utak niya for the past 6 years of his life.

Para na siyang zombie na babangon lang sa umaga para magtrabaho, at sa gabi naman gugugulin ang oras sa paghahanap kay Issay.

"Bro, have you check the business proposal of Mr. Tan?"tanong sa kanya ni Benjamin.

Napapikit siya ng mariin ng biglang pumintig sa sakit ang ulo niya.

"Hey are you alright?...sabi ko naman kasi sayo magpahinga ka din"nag-aalalang sermon sa kanya ni Benjamin.

"I'm okay. What are your question?"pangbabalewala niya sa sinabi nito.

Nailing naman ito tumitig sa kanya.

"Bro, you are physically present but mentally absent men. Parehong pareho kayo nung dalawang ugok. Mga litang"pagak na tumawa ito sa biro.

Hindi lang kasi siya ang nahihirapan ng mga oras na iyon pati din sila Marco at Jake. Like him they are also head over hills inlove sa mga kaibigan ni Issay. Na unfortunatelly kasama na ngayon ni Issay na nawawala. Nakakasama at nakikita pa nila noon ang mga ito ng nag-aaral pa ang mga ito ng college.

Ito nga ang palagi niyang kinukulit masabi lang ng mga ito kung nasaan si Issay. Pero kung gaano siya kakulit sa mga ito ganon din kakulit ang mga ito na hindi daw alam ng mga ito kung nasaan si Issay.

Pinaliwanag niya ang nangyari sa mga ito. kahit pa feeling naman niya hindi niya kailangan ipaliwanag sa mga ito ang side niya. tanging si Issay lang ang dapat niyang pagpaliwanagan. Pero kasi umaasa siyang kapag pinaliwanag niya sa mga kaibigan ni Issay makakarating sa dalaga ang paliwang niya at maiisipan na nitong umuwi sa kanya.

Na hanggang ngayon hinihintay pa din niyang magyari.

Pero after ng graduation ng mga ito bigla na ding nawala ang mga kaibigan ni Issay. Kasama na niyang naghahanap ang mga kaibigan niya sa mga minamahal nila.

Kaya ngayon tatlo silang parang zombie kung kumilos dahil na din sa pangungulila nila sa mga babaeng mahal nila.

"Benj, I'm okay"hindi niya alam kung para kanino ang sinabi niya.

Hindi niya alam kung sino ang kinukumbinsi niya sa mga oras na iyon. Si Benjamin ba o ang sarili niya. kasi sa totoo lang hindi din niya alam kung sino.

Natahimik lang silang dalawa ng ilang minuto. Nang bigla nalang may pumasok sa loob ng opisina niya.

"Baby!!!"tili naman ng bagong dating.

"Naomi"wala namang gana niya nilingon ito.

"Tara date tayo"para namang batang bigla nalang itong kumandong sa kanya.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now