Two***

237K 3.5K 59
                                    

Two

Issay...

Fuck shit ka! Mura niya sa hawak niyang litrato.

Nasa tambayan siya ng mga kaibigan niya sa likod eskwelahan nila noong high school sila. Nag-iinuman sila ng mga oras na iyon, kasama ang kanyang mga kaibigan.

Dapat kasama niya ang kanyang boyfriend ngayon at masayang nagsasalo sa kanilang anniversary pero nauwi sa inuman ang lahat.

Nahuli kasi niyang nakikipag chukchakan ang boyfriend niya sa ibang babae sa apartment nito.

Ang sakit kaya, fuck shit ka talaga.

Bigala siyang umatungal nang iyak sa harap ng mga kaibigan niya.

"Issay, kalma na." patahan sa kanya ni Carla.

"Pano ako kakalma, muntik ko nang maibigay ang bataan ko sa kanya. Hayop na 'yon, manyak!" palahaw niya sa mga kaibigan.

"Oh buti nga muntik lang, ang isipin mo na lang ngayon blessing na nakita mo ang ginagawa niya kapag hindi kayo magkasama," sermon sa kanya ni Kyla.

Itong mga kaibigan niyang mga ito ang palagi niyang kasama sa lahat ng oras. Kahit pa nga hindi na siya nag-aral ng college tulad ng mga ito.

"Lahat ng ipon ko ginastos ko para lang sa anniversary namin ng hayop na 'yon. Tapos nauwi lang sa wala," maktol niya sa mga kaibigan.

"Anong nauwi sa wala, anong tawag mo rito sa kinanain at iniinom natin?" sagot naman ni Carla.

Nagpalahaw siyang muli nang iyak sa mga kaibigan niya.

Siya nga pala ang dami na niya drama hindi pa siya nagpakilala. Siya nga pala si Luisa Quintos or Issay for short, 17 years old at isang dakilang raketera ng Tondo. Hindi na siya nakapag-aral ng college kasi walang kakayahan ang nanay niya para pag-aralin siya mula ng mamatay ang kinikilala niyang ama.

Ampon kasi siya ng kanyang nanay, nakita lang siya ng kanyang nanay sa labas ng simbahan noong dalaga pa ito. Dahil wala naman daw kasing kumuha sa kanya noon kaya inampon na siya ng kanyang nanay noon.

Nang nakapag-asawa ang kanyang nanay, nagkaroon siya ng tatlong kapatid. Mabait ang napangasawa ng kanyang nanay kaso saglit lang nila itong nakasama. Namatay kasi sa isang aksidente sa sasakyan.

"Alam mo, Issay 'wag mo nang iyakan ang walanghiyang 'yon. Hindi siya wortg it," pag-aalo sa kanya muli ni Kyla.

"Paano naman ako hindi iiyak, halos limang buwan kong inipon ang mga ginastos ko ngayon para lang sa walanghiyang hayop na 'yon. Nagtiis akong maglabandera at tagahugas ng plato sa mga karinderya para lang makaipon," kwento niya sa mga ito.

"Oo alam naman namin 'yun eh, kaya lang Issay okay na rin 'yong nangyari. Mas mahirap naman na kung natapos ang araw na ito. Naibigay mo na ang bataan, doon mo pa lang malaman na may kalokohan pala ang boyfriend mo." pag-aalo muli ni Kyla sa kanya.

"Correction Kyla, EX-BOYFRIEND!" pagtatama naman ni Carla.

"Huwag na natin pag-usapan ang hayop na iyon. Mag-inuman na lang tayo." aya niya sa mga itong uminom.

Nag-inuman nga sila ng mga kaibigan niya. Actually halos siya lang ang umiinom ng alak na binili niya kasi pagagalitan daw ang mga kaibigan niya ng mga magulang nila. Isa pa may pasok pa bukas sa school ang mga ito kaya naman talagang sinamahan lang siya ng mga ito.

"Ay naku, 8:30 na pala. Gabi na masyado uuwi na ako Issay." paalam ni Carla.

"Ako din Issay, una na kami. Umuwi ka na din ha!" segunda naman ni Kyla.

"Oo, uuwi na din ako." naghimig siyang parang nagtatampo sa mga ito.

Naiintindihan naman kasi niya ang mga ito. Mahirap naman na mapagalitan ang mga ito ng magulang nila ng dahil lang sa kanya.

"Girl, wag mo na ubusin yang Gin mo. Baka 'di ka pa makauwi niyan eh." bilin pa ni Kyla bago sila umalis na dalawa.

Natawa naman siya sa sinabi ng kaibigan. Kilala na kasi nila ang isa't isa, alam nan g mga ito na manghihinayang na naman siya sa kung anong meron sa harap niala.

Hindi nga nagkamali ang mga ito. Nanghihinayang na siya sa pagkain at alak na nasa harapan niya.

"Shayhang namahan." panghihinayang niya sa alak na binili niya.

Pinilit niyang ubusin ang isang bote ng alak, cake na binili niya sa bakery sa kanto nila at ang spaghetti na niluto niya kanina para icelebrate ang anniversary nila ng boyfriend niyang si Tomas.

Nilalagok na niya sa bote ang alak na hawak niya hanggang sa maubos na ito.

"Whala nahhh!"

Tumayo siya at nagsimula ng maglakad pauwi sa kanila. Wala na siyang pera para magtricycle sana pauwi sa kanila, kaya nagpasya na siyang maglakad. Pagewang gewang siyang naglakad pauwi.

"Bahakit parang luhumihindol nagshashaway ang mga bahay." salita niya habang naglalakad.

Hindi niya namalayan na maling daan na siya napadpad, sobrang tinaaan na kasi siya ng alak kaya nawala na siya sa katinuan.

Habang naglalakad siya may nadaanan siyang grupo ng mga kalalakihan na nag-iinuman din pero hindi niya iyon pinansin dala na din ng kalasingan niya. Nagpatuloy lang siya sa pag lalakad hanggang sa makarating siya sa highway.

Unti-unti na din nawawala ang epekto ng alak sa katawan niya sa tagal ba naman niyang naglalakad di pa bababa ang amats niya.

Nagulat nalang siya ng may biglang humintong sasakyan sa tabi niya.

"Hey Babe!" tawag nito.

Nang lingunin niya ito hindi niya masyadong makita ang mukha nito kasi madilim sa pwesto niya. Naisip niya baka ung kapitbahay nila ito na may sasakyan, libreng sakay na rin ito. Total kanina pa siya lakad ng lakad, at least ngayon makakauwi na siya ng libre.

"Kuya, flee rhides bha?" tanong niya dito.

Tingin niya parang nag-alinlangan muna ito sa una pero mayamaya ay bumukas ang pinto ng sasakyan nito

"Yeah, sakay na." aya pa nito.

Agad naman siyang sumakay sa sasakyan nito. Sa sobrang antok niya nakatulog siya agad sa sakyan. Dala marahil ng pagod, kalasingan, sama nang loob at ang pag-iyak niya sa maghapon.

Hindi na niya naisip na baka kung mapaano siya sa sinamahan niyang lalaki.

......................

My Playboy Boss Where stories live. Discover now