Thirty-five

118K 1.9K 31
                                    

Thirty- five

Issay's POV

Sumasakit na ang ulo niya sa pag-iisip ng mga oras na iyon. Ilang araw na din mula noong dumating sila sa Pilipinas kasama ng mga anak niya. Pero mula din noon wala pa din siyang nakikitang trabaho o matutuluyan man lang nila.

Nagko-compute naman siya ngayon ng mga nagastos na nila mula ng umalis sila sa Paris hanggang ngayon.

"Mommy tubig oh"alok sa kanya ng bunso niya.

Nakangiting tinanggap naman niya ang binibigay nitong tubig sa kanya.

"Mommy what's that?"tanong sa kanya nito ng makainom na siya ng tubig.

"This,"turo niya sa mga papel na nasa harapan niya. "Nagba-budget si mommy anak, kailangan ko kasing malaman kung ilan pa ang pera ni Mommy"paliwanag niya sa anak.

Doon naman lumapit ang kambal niya sa kanila ng kapatid ng mga ito.

"Mommy, wala na ba tayong money?"tanong ni King sa kanya.

"Meron pa naman baby"nakangiti niyang sagot sa anak niya.

Kahit pa nine years old pa lang ang mga anak niya matured na mag-isip ang mga ito. nakakatiyak siyang pagsinabi niya ang problema niya sa pera sa mga anak niya, pati ang mga ito mag-iisip na din kung paano siya tutulungan ng mga ito.

"Kailangan lang ni Mommy na magbudget para ng sa ganon may matira pa sa atin na pera. You know babies that mommy wants to buy anything you want right."Hindi niya alam kung sino ba ang kinukumbinsi niya sa mga binitawan niyang salita. Ang mga anak ba niya o siya mismo sa sarili niya.

Kailangan niyang magpakatatag para sa mga anak niya. Siya nalang ang inaasahan ng mga ito, kaya kailangan niyang maging malakas para sa mga anak niya.

Tumayo na muna siya para paliguan sana ang mga anak niya ng biglang tumunong ang cellphone niya. Nang abutin niya para sagutin ang tawag nakita niya si Carla ang tumatawag sa kanya.

"Hello"bati niya sa kaibigan.

("Baks, papunta ako dyan ngayon may sasabihin ako sayo")

"Sige"

Binaba naman agad nito ang tawag, kaya naman hinarap niya muna ang mga anak niya.

Dumating nga ang kaibigan niya kasama si Kyla. At hindi niya inaasahan na kasama din ng mga ito ang kapatid niyang si Ana.

Ang tagal nilang nagyakapan na dalawa, apat na taon din silang hindi nagkita nito.

"Ate hindi mo man lang ako sinabihan na dumating na pala kayo"may himig na nagtatampo ito sa kanya.

"Hehe...alam mo naman ako aayusin ko muna ang lahat bago ako magpakita sa inyo, wag mo muna sabihin kila nanay na andito na kami ha"sagot naman niya.

"Bakit naman ate, matutuwa si Nanay na andito ka na"sagot naman ng kapatid niya.

"Basta, at isa pa wag na wag mong sasabihin kay Benj na andito na kami"bilin na naman niya sa kapatid niya.

"Alam ko na yan ate, hindi ko sasabihin sa kanya"sagot naman nito.

"Bakit nga pala kayo nandito ngayon?"baling niya sa mga kaibigan niya.

"Ah oo nga pala, itong si Ana ang kausapin mo"sagot naman ni Carla sa kanya.

"Ahh... kasi ate binigyan ako ng pera ni Benj, sabi niya magtayo ako ng negosyo kausapin ko sila Ate Carla at Ate Kyla kung ano magandang negosyo."paliwanag nito.

"Well ako din kinausap ni Marco na baka gusto ko daw ng mapaglilibangan. Bibigyan daw niya ako ng puhunan"segunda din ni Kyla.

"Same here"ani Carla.

My Playboy Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon