Twenty-two

165K 2.4K 29
                                    

Twenty-two

Malik's POV

Kung kailan alam na niya kung nasaan si Issay ngayon para siyang pinaghihinaan ng loob na lapitan ito.

Noong Friday pa niya huling nakita ang dalaga, pero wala pa siyang lakas na lapitan ito ngayon. Linggo na.

"Bro, bakit nagmumuk-mok ka dito sa condo mo?"tanong sa kanya ni Marco.

Hindi siya lumabas sa bahay niya simula ng manggaling siya sa bar ni Benjamin noong Friday ng gabi. Natulog nalang siya maghapon.

Nagkaroon siya ng lakas ng loob ng dahil sa mga pinagsasabi ni Benjamin sa kanya, pero ng mahimasmasan siya kahapon. Nawalan na naman siya ng lakas ng loob na lapitan si Issay para kausapin ito.

Kaya naman nagmukmok na naman siya sa loob ng condo niya.

"I want to be alone"pagtataboy niya kay Marco.

Natahimik bigla ang kaibigan niya, kaya naman pinilit nalang niyang matulog ulit. Pero nagulat siya ng bigla nalang may dumagan sa kanya.

"Tangina niyo naman"mura niya sa mga ito.

Hindi lang pala si Marco ang nandito lahat pala ng kaibigan niya ay nandito sa condo niya.

"Tumayo ka na dyan at ayusin na natin ang love life mo dyan"niyugyog pa siya ni Benjamin para magising siya.

"Fvck, hindi na maayos ang lahat. I just mess every thing big time"gigil niya tinaboy ang mga ito.
"Siraulo ka kasi"tuya sa kanya ni Jake.

"Tigilan niyo nga ako"saway niya sa mga ito.

Pinagtulungan na kasi siya ng mga ito na dinaganan at pinagyu-yugyog na siya ng mga ito hindi na siya tinigilan ng mga ito hanggang hindi siya tumatayo sa higaan niya.

"Pwede masaya ako para sa inyo, mukhang okay na kayo nila Kyla at Carla. Pero ibahin niyo kasi ang nangyari samin ni Issay. Ang hirap tanggapin na may ibang lalaki ng nagmay-ari ng puso ni Issay"pagalit na paliwanag niya sa mga ito.

"Sino nagsabi sayo na okay na kami ni Kyla, nagpapakipot pa din siya sakin. Kaso nag-improve lang ng kunti kasi nagkausap na kami."paliwanag ni Marco.

"Sakin hindi pa din kami okay, mas malala pa napwersa ko eh"nakangising kwento ni Jake.

Kung siguro ayos ang lagay niya tatawanan niya ang mga ito.

"Ulol, dinaan mo sa santong paspasan?"tanong ni Benj kay Jake.

"Oo eh, nakakagigil kasi siya nong party. Diko napigilan"napapakamot ito sa ulo habang simasagot.

Pinagtulungan itong bugbugin nila Benj at Marco.

"Tumigil na kayo, lumabas na kayo at gusto kong mapag-isa"taboy niya sa mga ito.

"Hep-hep...bro gumayak ka at may pupuntahan tayo."Jake

"Aayusin natin ang lovestory mo Malik Perez"Marco

"Gagawa tayo ng Happy Ending mo"Benj

Sabay sabay na sabi ng mga kaibigan niya.

Nailing naman siya sa mga pinagsasabi ng mga ito. babalik n asana siya sa higaan niya ng magsalita ulit si Marco.

"Ayaw mo bang makita ang mag-iina mo?"tanong nito.

Naguguluhang tiningnan niya ito.

Anong pinagsasasabi nito.

Anong mag-iina niya.

Naloloko na ba si Marco.

"Bro, Issay got pregnant"umpisa ni Marco.

"Alam ko, kambal pa nga anak niya"pabara na sagot niya dito.

My Playboy Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon