Thirty-six

115K 2.1K 31
                                    

Thirty-six

A/N: ito yong bago ang pagkikita nila Issay at ang Kapatid niyang si Ana. Pati naman ang flashback kung bakit iniwan ni Malik si Issay noon.

Malik's POV

"Himala at pinatawag mo yata kami ngayon?"sarcastic na tanong sa kanya ni Benjamin.

Nakasmirk naman na tiningnan siya nila Marco at Jake na nakaupo sa couch niya sa loob ng kanyang opisina.

"It's a pure business, actually"walang ganang sagot niya.

Sa loob loob niya gusto na niyang iman hug ang mga kaibigan niya. Matagal na din noong last time na nakausap niya ang mga ito ng matagal.

Simula kasi noong nanggaling siya sa Paris apat na taon na ang nakakaraan iniwasan na niya ang mga kaibigan niya.

Nakakabakla mang pakinggan pero namimiss na niya ang bonding nilang magkakaibigan.

"Ano naman?"wala ding gana na tanong sa kanya ni Marco.

"Well alam ko namang ayaw niyo na magtrabaho ang mga asawa niyo, but I want to try my luck. Baka gusto niyo lang magkaroon ng negosyo ang mga asawa niyo. Ako ang bahala sa puhunan nila sa kung anong negosyo ang gusto nilang itayo"paliwanag niya sa mga kaibigan niya.

"Gago... anong tingin mo samin naghihirap na at hindi na namin kayang suportahan ang pamilya namin"galit naman na sagot ni Benjamin.

Sa tatlo niyang kaibigan ito ang galit na galit sa kanya. Sinisisi siya nito sa hindi pagpayag ni Ana na pakasalan ito. ayaw kasi ni Ana na magpakasal kay Benjamin hanggat hindi niya inaayos ang relasyon nila ni Issay.

Kaya naman sa tuwing nagkikita sila ni Benjamin palagi silang nagbabangayan na dalawa.

"I just suggesting it. Napapansin ko kasi parang tinatago niyo ang mga asawa niyo sa mga bahay niyo"sinadya niyang para siyang nagtutuya sa mga kaibigan niya.

"Thanks for your concern Malik, pero kami na ang bahala sa mga asawa naming. Kung wala ka ng sasabihin pa aalis na ako"sagot naman ni Marco.

Nang hindi siya nagsalita tumayo na ito at tuluyan ng umalis sa opisina niya.

"Umayos ka nga bro. Wala ka na sa tamang pag-iisip mula ng iniwan mo si Issay"tuya sa kanya ni Benjamin bago ito umalis sa opisina niya.

Iiling iling lang naman na umalis si Jake sa opisina niya.

Kilala niya ang mga kaibigan niya kahit pa tinanggihan siya ng mga ito, alam niyang ang mga ito na ang kikilos para mga asawa ng mga ito.

Ginawa niya ito para kay Issay, hanggang ngayon kasi wala pa itong nakukuha na trabaho. Dahil na din sa kagagawan niya. ayaw na niyang mahirapan pa si Issay sa pagtatrabaho. Ayaw niya din namang bumalik pa si Issay sa pagmomodel, lalo pa kung sexy model na naman ang papasukin nito.

Hindi naman niya magawang lumapit pa sa dalaga para siya na mismo ang tumulong sa dalaga. Alam niyang galit ito sa kanya ngayon at tatanggihan lang siya nito sa kung ano mang ibibigay niyang tulong.

Hindi nga siya nagkamali dahil ibinalita sa kanya ng mga tauhan niyang nagsisimula na sa negosyo ang mga asawa ng kaibigan niya, at hindi din siya nagkamali dahil tinulungan nga ng mga ito si Issay.

Kaya naman ang ginawa niyang sumunod ay ang kumuha ng mga tao na tutulong sa mga ito para mapadali lang ang trabaho ni Issay sa boutique na tinayo ng mga ito.

Maingat siya sa lahat ng mga lakad niya para hindi siya mahuli ng mga tao na nagbabanta sa kanya. Mahirap na baka mauwi lang sa wala ang pinaghirapan niya ng apat na taon.

My Playboy Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon