Three***

200K 3.4K 46
                                    

Three

Malik...

Nakarating na siya sa Bar niya't lahat tulog pa din ang babaeng tinulungan niya sa daan kanina. Naiinis na siya dahil kanina pa niya ito ginigising.

Mukhang lasing na lasing ito kaya mahirap ng gisingin.

"D*mn, hindi ko na lang sana siya tinulungan"inis na inis niyang hinampas ang manibela.

"Agrrhh"ungol ng kasama niya.

Nilingon niya ito at tumambad sa kanya ang mukha nito ewan. Lalong kumalat ang make-up nito at ngayon may tumutulo pang laway sa pisngi nito.

"F*ck!!"napamura siya sa nakikita.

Sobrang naturn-off siya sa babae. Kanina ng makita niyang nakatalikod ito at naglalakad sa tingin niya ay maganda ito kasi sexy. Pero ngayon binabawi na niya lahat ng sinabi niya, napakabalahura nito sa katawan.

"HOY BABAE, GUMISING KA!!!!" niyog-yog niya pa ito ng malakas.

Mukha naman naalimpungatan ito at nagasing bigla. Mukhang gulat na gulat ito sa namulatan nito

"Asan ako?"nagtatakang tanong nito.

"Nasa sasakyang ko lang naman, babae" sarcastic niyang sagot dito.

Napalingon ito sa gawi niya at natulala ito. Mukhang ngayon lang ito nakakita ng lalaki kung makatingin, o parang ngayon lang ito nakakita ng tao.

"Pakisara ang bibig mo, baka tumulo na ang laway mo"pang-aalaska niya dito.

Itinikom naman nito ang bibig nito sabay punas dito. Nagulat pa itong nakita ang kamay na may bahid ng lipstick.

"May salamin kaba diyan kuya?"tanong nito.

"What the F, anong tingin mo sakin bakla na nagdadala ng salamin"galit niyang sagot.

Nagpalinga-linga ito at nakita ang kanyang rear mirror at iyon ang ginawang salamin sa mukha.

"Ahhhhhhhhhhh!!!!!!!!!"sigaw nito ng makita ang mukha sa salamin.

Lalong nag-init ang ulo niya sa babaeng kasama. Ikaw ba naman isang oras na niyang hinihintay na magising tapos ngayon sisigaw pa sa loob ng sasakyan niya.

"Bakit ka sumisigaw?"galit na tanong niya.

"HUHUHU, kuya ang pangit ko kasi"parang batang inagawan ng candy ito ngayon."Asan po ba tayo kuya? May banyo ba dito?"tanong pa nito.

Hindi na niya ito sinagot at lumabas na siya ng sasakyan. Sinenyasan niya itong sumunod sa kanya.

Pumasok lang sila sa Bar niya, noong una parang nag-alinlangan itong pumasok. Pero ng tingnan niya ito agad naman ito sumunod sa kanya.

Itinuro niya ang way papuntang banyo, at itinuro niya din dito kung saan siya nito pupuntahan.

Nagderetso siya sa counter para omorder ng iinumin niya.

"Sir, mukhang badtrip ka ngayon?"tanong ng bartender niya.

"Masama lang gising"pagdadahilan niya.

Nagpatuloy siya sa pag-inom habang nakatingin siya sa dance floor. Wala siya sa mood ngayon na makipag flirt o magsayaw man lang.

Nawalan siya lalo ng gana ng dahil sa babaeng tinulungan niya.

"Sir, another glass?"tanong muli ng bartender.

Tinanguan niya lang ito at nagpatuloy sa panonood sa mga taong nag-eenjoy sa dance floor.

Naka-limang baso na siya ng alak na iniinom ng may lumapit sa kanyang isang babae. Hindi niya sana ito papansinin dahil wala naman siya sa mood na makipagflirt sa mga babae. Pass muna siya sa pag-uuwi ng babae sa condo niya. Kaso kinakausap siya ng babaeng tumabi sa kanya.

"KUYA!!!"sigaw na nito ng hindi pa niya pansinin.

Naagaw ng atensyon niya ang pagtawag nito sa kanya ng KUYA.

Nilingon niya ito at nakita niya ang isang inosenteng babaeng nakatingin sa kanya. Hindi naman ito kagandahan sa paningin niya pero may taglay itong karisma na maakit kang lingunin ng paulit ulit.

Madilim sa loob ng bar isama pa ang patay sinding ilaw mula sa dance floor at sa stage ng DJ. Pero hindi iyon hadlang para hindi niya kilatisin ang babaeng nasa tabi niya.

Matangos na ilong, maliit na hugis ng mukha, mapupungay na mga mata, at wag ka kulay blue ang mata nito. Maliit at mapula ang labi nito na mukhang walang lipstick na naka apply. Hindi mo din makikitaan na nakamake-up ito. Simple but elegant ang tingin niya dito.

Sh*t!! she's so d*mn hot. I want her now. Tanging nasabi niya sa isip. Lasing na yata siya at kung anu-ano na ang kanyang naiisip sa kasama niya. Nakakarami na kasi siya ng nainom kaya naman hindi na matino ang pag-iisip niya.

"Kuya, pwedeng malaman nasaan tayo ngayon?"pahiyaw na tanong nito.

Bigla siyang nakabalik sa reality sa narinig niyang tanong nito. Biglang naisip na ito ung babaeng tinulungan niya kanina at mukang maayos naman pala ang itsura nito kung tutuusin.

"Sa Bar"maikling sagot niya.

Tatangu-tango itong inilibot ang tingin sa paligid nila, na akala mo naman ay hindi sanay sa lugar na ito.

"Kuya, bakit tayo nandito?"muli ay tanong ng babaeng kasama.

"Ano pa ba ang ginagawa sa Bar"sarcastic niyang sagot.

Naiinis siyang tingnan ito dahil masyadong painosente. Kanina na-attract siya sa itsura nito pero ngayon naiinis na siya kasi mukang nagpapacute lang ito sa kanya.

"Kuya, mauuna na akong umuwi ha"paalam nito bigla.

Naguluhan naman siya sa sinabi nito.

Teka, bagong style ito ahh, tsk. Mukang exciting 'tong gabi na ito.

"Wait, total andito ka na din naman na, bakit di ka nalang magstay ng konti. Let's have some drinks"binigyan niya ito ng killer smile niya.

Kumurap kurap ito sa kanya na mukang affected ito sa ipinakita niyang ngiti. Hindi naman sa pagyayabang pero alam niyang gwapo siya at lahat ng babaeng gusto niya makukuha niya sa pag ngiti lang niya.

"Wala kasi akong.........pera"hindi niya narining ang huling sinabi nito.

"What?!"pahiyaw niyang tanong dito.

Malakas na kasi ang tugtug sa loob kaya hindi na sila magkaintindihan na dalawa kahit pa magkatabi lang sila ng upuan na dalawa.

"Wala akong pera"pahiyaw din na sagot nito sa kanya.

Napataas ang kilay niya sa sagot nito. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Ngayon lang niya napansin na mukang simple lang ang damit nitong suot pero desente naman kahit papaano. Hindi naman mukang nagsisinungaling ito.

Siguro nadukutan ito kanina nung wala sa katinuan niya.

"Don't worry, ako na bahala sayo. Jude one margarita for the lady"tawag niya sa bartender na kakilala na niya.

"Right away bossing"sagot naman nito.

...................

My Playboy Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon