I

177 4 0
                                    

Hiding Anything

[ V H I E N ]

"Alam mo ba ang ginawa mo kanina? Sinong magbabayad ng sinira mo?" galit na galit na tanong ni Khiel. Para syang toro na anytime pwede nang manuwag. Tss!

Pang labing dalawang ulit na nyang tinatanong 'yan sa akin mula kaninang pagkalabas namin ng elevator kaya tinatamad na kong sumagot. Paulit-ulit naman kasi.

"Hoy babae! Nakikinig ka ba?" sabi ulit ni Khiel na sasabog na sa galit.

Obviously, nakikinig naman talaga ako kaso nakakasawa naman kasi yung tanong nya.

Pinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos ng pinamili niya na nakalagay sa sala at ililipat sa kwarto nya para mas maasar sya.

"Ikaw na babae ka! Nakuu!" inis na sabi nya bago magwalk-out at iwan ako sa kwarto nya. Susuko din pala, hindi pa kanina.

Tinapos ko na lang ang paglilipat ng sandamakmak na gamit na binili niya kanina. Nang matapos ako, agad naman akong umalis sa kwarto nya at dumeretso sa kusina para ipaghanda sya ng pagkain.

"Siguraduhin mong walang lason yan ha ?!" nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ng amo kong inutil.

"Kung gagawin ko yun dapat matagal ka nang namatay." bulong ko na hindi nakaligtas sa pandinig nya.

"Gusto mong matanggal sa trabaho?" iritableng sabi nito habang nakahalumbaba sa lamesa kung saan ako naggagawa ng pagkain nya.

"Sabi ko nga po, hindi ko nga lalagyan ng lason." magalang na sabi ko sabay abot ng pagkain nya. Aalis na sana ako ngunit pinigilan nya ko.

"Stay." maikling sabi nito pero punong puno ng owtoridad ang boses kaya wala akong choice kundi ang sumunod sa kanya.

"Anong gagawin mo dun sa sinira mong elevator?" tanong nito. And this time, hindi na ko makakatakas sa tanong nya.

"Ammm. Babayaran ko po?" patanong na sagot ko sa kanya.

"At saan ka naman kukuha ng pangbayad?" masungit na tanong nya. Tss, kaya kong bilhin ang kahit ano, pati nga ang buhay mo kaso... wala pala.

Paano ko nga ba babayaran yun e isang hamak na katulong lang naman ako ni Khiel?

"Oh, nakita mo na wala kang maisagot ngayon! Sabi kasing iwan ang katangahan sa bahay at wag bitbitin kung saan-saan. Psh. " sabi niya saka tumayo. Lah, tapos na agad kumain? Hindi man lang nang alok.

Makalipas ang ilang segundo, niligpit ko na agad ang pinagkainan niya.

Fast forward

@ Bed's Room

Nakahiga na ako sa kama at ready na sanang matulog kaso may biglang umepal at pumasok pa sa kwarto ko.

"Vhien, Kamusta naman ang araw mo with Sir Khiel?" nakakagulat naman tong si Madz, katulong din sya dito kagaya ko.

"HELL" agad na sagot ko dito saka ako umupo sa kama.

"Walang alinlangan ah? Haha. Kwento ka naman dyan. Narinig ko kasi 'yong sinabi ni sir na iwan mo daw ang katangahan sa bahay shurvaness. And take note, hindi lang one word ang sinasabi sayo kundi one to three sentence pa. Oh di ba? Teka nga, ano bang nangyare?" walang kapreno-prenong sabi ni Madz. Hay naku! Chismosa talaga 'tong Madz na 'to.

"Ano ba Madz, pagod ako." iritableng sambit ko dito na dahilan ng pagpout niya.

"Hmp. sungit mo talaga Vhien." pag- iinarte nya habang nakapout. Namiss ko tuloy si Yves, 'yong partner in Crime ko na mahilig ding magpout, nagmumukha na nga syang bakla e. Haist!

    Simula pa lang, pamilyar na si Madz sa'kin,  parang matagal ko na syang kilala. Nakalimutan ko lang kung saan at kung kailan ko sya nakita o nakasama.

Hays, kamusta na kaya silang lahat?

Sa sobrang pag-iisip, nakatulog na ko at hindi ko alam kung umalis na rin ba si Madz sa kwarto ko.

"Tumakbo ka na at kami na ang bahala dito." malumanay na sabi ni Yves habang hawak niya ang kamay ko, 'yong hawak nya na parang nagpapaalam na sya sa'ken. At dahil may tiwala ako sa kanya isinantabi ko na lang ang nararamdaman kong 'yon at tumakbo na nga ako palabas ng Hotel na 'yon subalit hindi pa ko nakakalabas ay nakita ko si Allen, ang GF ni Hance. Bumalik ako sa loob at tinulungan kong makalabas si Allen dun.

"Sa wakas, mawawala ka na rin. Paalam, Vhien." punong-puno ng galit na sabi niya na ikinagulat ko habang nasa likod ko sya at nakapulupot ang braso nya sa leeg ko.

"Hoy, babae! Baka nakakalimutan mong may pasok tayo ngayon, aba anong oras na?" nagising naman ako mula sa isang panaginip na 'yon dahil sa sigaw ni Khiel kaya napamulat agad ako at napabalikwas ng bangon.

Patay kang bata ka. Anong oras na ba?

"PFFFFFFT ------ HAHAHA...." the fuck. Napatigil naman ako sa kakamadali ng marealize kong linggo pa lang ngayon. f.ck.

"Hahaha Epic hahaha." sabi ni khiel habang nagpipigil ng tawa.

'Namo ka talaga Khiel.'

* Screeeeeechhh *

Isang malakas na tunog na parang may nabasag ang nagpatigil kay khiel sa pagtawa. Agad akong tumakbo palabas not minding na hindi pa ko nakakapaghilamos.

Nagtungo ako sa Garahe nila at nakita ko dun ang basag na salamin ng kotse ni Khiel at nahagip ng mata ko ang taong may pakana nito.

Laking gulat ko nang makita ko kung sino ang lalaking dali daling tumatakas ngayon. Fuck. Paano nya nalaman na nandito ako? Shit! Kapag hindi ko nilayuan si Khiel baka mapahamak sya at ang buong pamilya nya.

"Anong nangyare? Nakita mo ba kung sino ang may gawa nito sa kotse ko?" tanong ni khiel na kakarating lang sa garahe nila.

Tanging iling lang ang naisagot ko sa tanong nya. Ano na naman bang kamalasan ang mangyayari sakin? Gusto ko lang namang maging normal na mamamayan sa bansang Pilipinas tapos guguluhin lang ulit nila. Ayoko na ng ganito. Half of my life lagi na lang silang nakikialam sa buhay ko. Sa tagal na nang panahong nanahimik ang buhay ko, magpapakita na lang ulit sila at guguluhing muli. Haist. T____T

•• Melancholicinnight ••
Read, imagine and enjoy.

The Secret Of His Slave [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon