XX

29 0 0
                                    

[20]: Ghio Yves Alvarez

Her's POV

"Khiel na may PMS." pang-aasar ko kay Khiel na may gapak na naman ngayon. 

Umalis lang sya saglit kanina kasi bibili daw sya ng ulam dun sa palengke. Pagkabalik nya iba na ang aura niya. 

"Ano na naman ba?" masungit na sabi niya sa'ken.

"Nagkita kayo noh?" tanong ko sa kanya kaya natigilan sya sa paghahati ng mga rekado para sa lulutuin nya.

"Paano mo nalaman?" kitams tama ako.

"Hula lang."

"Ays. Oo nagkita kami at babawiin ka nya." walang prenong sabi niya.

'Okay. babawiin kanino?'

"Kanino?"

"Sa'ken. Ays, hindi pa nga pagmamay-ari kinukuha na agad." inis na bulong nya na narinig ko naman.

-\\\\-

"Minsan nga kapag bubulong ka siguraduhin mong hindi ko maririnig. Buset!" sabi ko sa kanya sabay talikod.

"Uy, ano yan Vhien? Bakit namumula ka?" tanong bigla ni Andrew. Ays. Pang-asar talaga.

"Uyyyy~ nagblublush sya." tangnamesh.

Makaalis na nga lang.

Nang makalabas ako sa bahay nila, nakita ko yung babaeng tumawag kay Khiel kanina na kasama ni Ghio.

"Miss." pagtawag ko sa kanya.

"Bakit?" sabi nya sabay lapit sa'ken.

Inaya ko sya sa Resto, at dun kami nag-usap. Cheska pala ang pangalan nya, at girlfriend siya ni Ghio.

"Ilang year na kayo ?" tanong ko sa kanya atsaka ininom 'yung kape na binili namin.

" Magtithree years." naks tatag.

"Alam mo palagi kang kwinekwento sa'ken ni Ghio. Makulet na misteryosang babae ka daw, palagi mo syang binubully, close na close daw kayo dati, minsan nga nagseselos na ko sayo pero hindi ko pinaalam sa kanya. Noong makita kita kanina nainsecure ako sayo ang ganda mo kasi. Almost perfect ka eh, medyo kulang lang sa height." 

"Kulang ka jan. Matangkad ka lang eh." sabi ko sa kanya.

Tsk. Plastik.

"Pwede ba kitang makausap, ng tayo lang?" tanong ko sa kanya.

Damn that ear device. Sino kaya ang nakikinig sa usapan namin?

"Ha? tayo lang ang tao dito ah?" painosenteng sagot niya.

"Wag ako Cheska, sino ang nag-utos sayo na pumunta sa bahay namin at sino rin ang nagplano para magkita kami ulit ni Ghio?" nagulat naman sya sa mga tanong ko.

"Ah. eh. Vhien, sorry napag-utusan lang ako ni Ghio na kausapin ka. Aksidente lang na nagkita kayo.Wag mo kong susumbong kay Khiel. Please." sagot nya.

"Vhien/Vhien" sabay na sigaw ng dalawang lalaki kaya nawala ang kaba sa mukha ni Cheska.

Nilingon ko sila at nakita ko si Ghio at Khiel na naglalakad palapit sa'min.

"Tara na Vhien." aya sa'kin ni Khiel.

"Umuna ka na. Susunod ako. Mag-uusap lang kami saglit." sabi ko sabay tayo at naglakad na ko palabas.

Mga ilang minuto, naramdaman ko na ang pagsunod ni Ghio.

"Vhien."

"Bakit ka nagsinungaling?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ako gumawa nung sulat."

"Then who?"

"Vhien, makinig ka sa'ken. Mag-ingat ka palagi. Lalong lalo na sa mga Alvarez. Una pa lang gusto ka na nilang makuha kaya pinilit ako ni Mommy na makipagkaibigan sayo. Oo, nakipagkaibigan ako sayo noon dahil sa yun talaga ang utos ni Mommy pero totoo lahat ng sinabi ko sayo. Dito mismo sa pwesto naten ngayon. Totoong minahal kita. Kaso hindi tayo pwede bukod sa ikaw ang Gangster Princess, isa ka rin pa lang Piamonte na may napakadelikadong mundo. Our world is totally opposite pero nandito pa rin ako para protektahan ka. Kahit sa mga pamilya ko pa." mahabang sabi niya.

Ngayon alam ko na talaga lahat.

Damn that world.

Natigilan lang ako sa pag-iisip nang yakapin niya ko bigla. At sakto pang nakita kami ni Cheska.

"Ghio.Vhien? Anong ibig-sabihin nito?" tanong niya kaya napakalas agad ako sa yakap ni Ghio.

"Ikaw babaeng higad. May Khiel ka na nga, aagawin mo pa si Ghio sa'ken. At ikaw Ghio, mag-uusap tayo mamaya."

"Wala naman akong--"

"Akin lang sya." pagpuputol nya sa sasabihin ko. Tsk. Anong problema nya?

"Edi iyo na, hindi ko naman inaangkin eh." kabugnot, hindi naman inaagaw sa kanya eh.

"Arggh." inis na umalis si Cheska at sumunod agad si Ghio na kanina pang nakangiti dahil alam nyang mahal na mahal siya ni Cheska. Psh. Magselos daw ba? Haha.

"Ah, GP. Sundan ko lang si Cheska." sabi niya. Haist, buti pa si Ghio masaya na sa lovelife niya. Kami kaya ni Khiel, kailan?

The Secret Of His Slave [ COMPLETED ]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang