XXIII

26 1 0
                                    

[23]:Alive

Her's POV

Hindi ko alam kung panaginip lang ba 'yung nangyare nung isang araw o totoo ba na nagawa ko ulit 'yun. Arrggh ewan.

"PM, ang bagal mo naman. Anong petsa na, wala ka pa bang balak pumasok?" inis na tanong ni Khiel sa'ken habang nag-aayos pa lang ako ng gamit ko.

"Agang-aga pa eh. Sino ba naman kasi ang nagdala sa'ken dito di ba?" sagot ko naman sa kanya. 

"Haist. Ewan ko sayo." sabi nya sabay alis sa loob ng kwarto ko.

Sa wakas, natahimik ulit.

Panaginip nga lang siguro 'yun. -___-' Antipatiko pa rin si Khiel eh.

"Hoy! Paalis na si Khiel. Kung iiwan ka na daw ba nya o bibilisan mo na dyan?" biglang sulpot ni Andrew. Tsk. Dali-dali na lang akong lumabas para hindi ako maiwan.

Agad kong inilagay sa backseat ang mga gamit ko at gamit nya.
Daig pa ang nagbakasyon ng isang taon eh. Dala lahat ng gamit? -____-

"Sakay na, para makaabot tayo sa klase." whaaaaat?

"Ano? Papasok agad tayo? Hindi pwedeng bukas na lang?" tanong ko sa kanya habang napapakamot sa ulo. Lintek. Anong oras na ba ako nakatulog kagabe? Feeling ko ang laki ng eyebags ko. Tapos papasok agad kami? Tangnamers.

"Hindi pwede. Dalawang linggo na tayong absent." 

"Wow. Ikaw na ngayon ang masipag pumasok." sarkastikong sabi ko sa kanya habang sumasakay sa loob ng kotse nya.

"Bye, Andrew." paalam ko kay Andrew at nagwave lang sya at nagsalute.

"Your secret is safe." halos pabulong na lang ang narinig kong sinabi niya kasi naman inistart na agad ni Khiel yung engine -___- Hindi ko tuloy masyadong naintindihan.

"Seatbelt." maikling sabi ni Khiel bago kami tuluyang bumyahe.

At habang nasa byahe kami, halos mabingi naman ako sa katahimikan kaya nag-earphone na lang ako at nakinig ng music.

Makalipas ang ilang minuto, habang nakatingin ako sa labas ng bintana, ramdam kong kinukuha ni Khiel ang isang ear phone na nasa tenga ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Pa-share." maikling sabi niya na tinanguan ko lang. Medyo umisod na rin sya ng konti para marinig nya ng maayos ang kanta.

"Tss. Kpopper." inis na sabi niya tsaka nya ibinalik agad sa'ken 'yung earphone.Buti na lang. Ang totoo kasi nyan, naiilang ako kaya pinalitan ko ng kanta ng kpop. Mga rock ang pinapakinggan ko nung una.

"Bakit ang traffic naman agad, agang-aga pa eh." inis na sabi ni Khiel. 

"Boss, may nag-banggaan sa unahan." biglang sagot nung manong na nagtitinda ng tubig. Paepal lang ? =____="

"Bwiset. Hindi na tayo aabot." inis na inis na sabi nya ulit, nang tingnan ko kung anong oras na aba't alas syete pa lang.

"10 am pa naman ang klase natin ah. Saan tayo hindi aabot?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Ah. eh.. Wala." pagsisinungaling nya. Tsk.

Wala daw eh kanina pa nga sya tingin ng tingin sa relo nya eh.

At sa halip na pansinin pa sya, umidlip na lang ako.

~~~~~~

"PM. Hoy, andito na tayo." nagising naman ako nang dahil sa pagyugyog ni Khiel. 

"Anong ginagawa natin dito, Khiel?" halos maisigaw ko sa kanya yan nang makita ko ang paligid ng pinuntahan namin.

"Sorry, pero binabalik na kita sa kanila." hindi makatingin ng deretsong sabi niya habang nasa harapan ko.

The Secret Of His Slave [ COMPLETED ]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz