XXII

22 0 0
                                    

[22]: Vhien Jung, The Real One

Her's POV

"PM."
"PM."
"PM."

paulit-ulit na pagtawag ni Khiel sa'ken. Gusto ko mang lumapit sa kanya hindi ko magawa.

Ayokong masaktan sya. Jeez !

"Vhien, please. Wag mo nang gawin 'toh." kinakabahang sabi ni Sam. Tsk. Gusto nya 'to di ba?

Pinagbibigyan ko lang siya...

Ramdam kong biglang nag-iba ang atmosphere sa rest house nina Khiel nang biglang mag-iba ang emosyon sa mata ko. Hindi ko din alam kung violet ba o naging red o naging halo-halo na ang nagiging kulay ng mata ko.

May luha na ring pumapatak sa mga mata ko na ngayon lang nangyari. Lahat ng pighating naramdaman ko simula nang mawala si Daddy hanggang sa mawala si pinsan. Kasama na rin ang dinanas ni Demi.

Hindi ko na kilala ang sarili ko.
Dati, kaya kong mabuhay kahit lahat sila umayaw saken. pero iba na ngayon. Nandyan na sina Khiel, Andrew at sana pati si Demi. 

Bakit ako ginaganito? Anong meron sakin na malabong maging kanila? Gusto ko ng normal na buhay... Ayoko ng ganito.

Nawala ang lahat saglit nang makita kong natatakot na si Sam. Gustuhin ko mang umalis na lang sa Rest house na 'to, hindi ko magawa. Hindi ko maihakbang ang isa kong paa dahil sa pagod.

Andrew's POV

Totoo ba lahat ng nakikita ko? Madaming dugo sa paligid, madaming tao ang nasa panganib at madaming tao ang naghihirap.

May naglalakad na isang babae palayo sa kung nasaan ako.

Hindi ko maigalaw ang kamay ko. Gusto kong tulungan sina Sam. Pero paano? 

Nawala lang ang takot na naramdaman ko ng biglang mawalan ng malay si Vhien.

"Damn. Vhien, wake up." agad na nilapitan ni Khiel si Vhien sa kabila ng kabang nararamdaman.

"Arrgh. Dangerous imagination." rinig kong bulong ni Khiel na hindi ko naman naintindihan.

"Hmm." napalingon agad kami kay Vhien at nagpaalam agad si Sam samin.

Vhien's POV

Nagising agad ako at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Khiel. Hindi ko alam kung anong klase ng allien ang sumanib sa'ken at niyakap ko sya.

Ang alam ko lang, ayokong mawala sya.

Unti-unti ng nagbabago ang lahat. Bumabalik na ulit sa dati.

Sa dating buhay na matagal ko nang kinalimutan.
And

Only an imagination hits them.

"Arrgh. Dangerous imagination. Paano mo nagawa yun?" tanong ni Khiel habang nakaupo kami sa tabi ng dalampasigan.

Imiwan muna namin sina Andrew sa loob ng rest house, arrrgh. Ang tanga ko. Bakit pati sila dinamay ko? 

"Sorry kung pati kayo ni Andrew nadamay." 

"Kanina ka pa sorry ng sorry. Paano mo nga nagawa yun?" tanong niya ulit.

"Hindi ko din alam." pagsisinungaling ko.

"Tss."

Paano ko nga ba nagawa 'yun?
Parehas lang naman kami ni Papa. Since birth alam na nila na ganito ang mangyayare kaya gumawa sila ng device na kayang kontrolin ang lahat.

Naalala ko tuloy 'yung usapan namin ni Tita Mameng.

Flashback:

"Tita Mameng, pwedeng pumasok?" tanong ko kay Tita Mameng na nasa loob ng mini library ng bahay namin.

"Come in." maikling sabi niya kaya pumasok agad ako.

Kakakilabot naman dito kapag kasama ko si tita mameng. Ang ackward.

"Tita mameng, bakit kaya mong gawin 'yung ginawa mo kanina sa babae na nasa labas?" agad na tanong ko.

"Imagination nila ang may problema. Sila ang nag-iisip na iba ang nagagawa ng pamilya natin. Sila ang nag-iisip na tayo talaga ang gumawa ng ganun. Ikaw, magagawa mo din 'yun kapag wala na ang device na 'yan." paliwanag niya sa'ken.

"Bakit ganun ang iniisip nila? Pwede naman sigurong masaya ang imaginin nila di ba?" 

"Its depend on what you feel."

"Edi tayo nga ang kumonkontrol ng isip nila. Si tita Mameng talaga." pabirong sabi ko.

"Mas maliliwanagan ka kung ikaw na mismo ang gagawa nun. Pero mangako ka na pupuntahan mo ko dito kapag nagawa mo na ang bagay na 'yun." 

"Pangako po." magalang na sagot ko bago umalis sa loob ng mini library.

---

Babalik pa ba ko dun?

"Vhien, bakit nag-iba lahat?" biglang tanong ni Khiel para mabasag ang katahimikan sa'men.

"Anong lahat?"

"Nawala ka kanina sa tabi ko. Sina Sam at Andrew tatalon sa bangin habang ako nag-iintay lang sa baba hanggang sa makita ko ang mga katawan nila sa paanan ko at panay dugo sa paligid. At 'yung kay Andrew, madaming tao ang duguan. At mas worst 'yung kay Sam, Arrrghh. Paano mo nagawa 'yun?" sabi ni Khiel na ayokong sagutin.

Hinawakan ko na lang ang kamay niya para kumalma sya.

"Tatlong beses ko ng nagawa yun. Bakit ganun ang iniisip niyo? Ganun na ba ako kasama sa inyo para panay patayan ang isipin niyo? Kahit galit ako, hindi ko kayang pumatay ng tao." mahinang sabi ko.

"Paano mo nalaman na ... Arrrgh." inis na sabi niya sabay sabunot sa buhok niya.

Ang kaya ko lang gawin ay ang ipasok sila sa imagination na iniisip nila. Hindi ko hawak ang isip o kahit na anuman ang meron sila.

Nakakainis isipin na bagay nga ako sa MJU: Unordinary Students.

"Iiwan mo ba ako?" biglang tanong ko kay Khiel.

"Hindi." agad na sagot naman nya kaya napalingon agad ako sa pwesto nya at napagtanto kong nakatingin pala sya sakin.

"Bakit?" tanong ko ulit sabay iwas ng tingin sa kanya.

"'Yan na naman tayo sa bakit na 'yan Vhien eh. Mahal nga kasi kita Aishh. Ewan ko sayo." inis na sagot nya at akmang aalis na sa tabi ko nang hawakan ko ang kamay niya.

"Akala ko ba hindi mo ko iiwan, bakit aalis ka na agad?" pacute na sabi ko sa kanya. Sana effective.

"Aishh. Bakit napakamoody niyong mga babae?" iritang sabi niya sabay upo ulit sa tabi ko.

"Ikaw 'tong moody eh." pang-aasar ko sa kanya.

"Ikaw kaya. Tsk hindi ako bakla." defensive.

"Haha, wala naman akong sinabing bakla ka " 

"Mahal mo ko?" out of know where na tanong nya.

"Ang layo naman ng narating ng topic mo." pag-iwas ko sa tanong niya.

"Tsk. Oo o hindi lang naman ang isasagot eh." parang batang sabi niya.

"yung nasa gitna." pang-asar na sagot ko sabay tayo at takbo palayo sa kanya.

"Ikaw talagang panget na maid ka. Patay ka sa'ken kapag naabutan kita." sigaw niya habang hinahabol nya ko.

Sana ganito na lang lagi, at sana nga hindi nya ko iwan.

The Secret Of His Slave [ COMPLETED ]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang