XXXIV

14 0 0
                                    

[34]: Wrong Move (Mistake)

Her's POV

"Ano ba? Sabing wag magulo eh."

"Oo na. Psh."

"Good Morning --"

"Sssshhh. Tulog pa rin si GP."

Nagising ako dahil sa ingay ng tao sa paligid. Agad akong nagmulat ng mata at nakita ko sina Loraine at Klark.

"Nasaan ako?" nanghihinang tanong ko habang pilit na bumabangon.

"GP, wag ka na munang bumangon. Mahina ka pa." pagpipigil sa'ken ni Loraine.

"Aish. Si Kien nasaan?" tanong ko sa kanila at hindi na ulit bumangon.

"Ha? Sinong Kien? 'Yung bang blonde ang buhok na nasobrahan sa yabang at sungit?" tanong agad ni Loraine.

"Oo. Nasaan sya?"

"Nabili lang ng pagkain sa labas. Sawa na sa pagkaing hospital kaya ayun. Pero infernes ha, sa tatlong linggo na tulog ka. Sya ang nagbantay sayo. Kahit kakagaling nyo pa lang sa operasyon." pagpapaliwanag nya -___-

"Tss. Walang malisya 'yun." pagtatanggol ko sa sarili ko kasi alam ko ang iniisip ng bruhildang 'yan.

"Dumalaw na ba 'yung dalawang uranggutan?" tanong ko sa dalawa na saktong may nagbukas ng pinto at pumasok sina Hance at Allen. Take note: parehas busangot ang mukha.

"Oh? Anong mukha 'yan?" tanong ni Klark sa dalawa pero hindi sya pinansin ng dalawa.

"Buti naman gising ka ng bruha ka. Nakatatlong linggong beauty rest ka habang ako hirap na hirap sa mga projects mo at projects ko. Psh." sabi ni Allen.

"Kapal mo Allen. Ako kaya ang naggawa ng mga projects NYO." pagtataman naman ni Hance.

Tss. Ang ingay -____-

Natahimik lang nang biglang may nagbukas ng pinto at pumasok si Kien este Kuya Kien.

"Nandyan na pala ang guardian mo eh. Geh, una na muna kami." pagkasabi ni Allen nun nag-unahan pa sila sa paglabas sa pinto kaya ang ending hindi sila nagkasya.

Napapailing na lang kaming dalawa ni Kuya Kien dahil dun.

"Oh. Kain ka muna." aya sa'kin ni Kuya tsaka ako tinulungang umupo.

"Tnx. Bilis mong nakarecover ah?" sabi ko sa kanya habamg naghahanda sya ng kakainin ko.

"Hindi naman ako kasing hina ng katawan mo. Tss." nang-iinsultong sabi nito sa'kin.

"Yabang mo, kaya pala isang bala lang taob ka na." pagbabalik asar ko sa kanya.

"Ewan ko sayo. Kumain ka na nga dyan." inis na sabi nya sa'krn sabay abot ng kutsara at ng pagkain na nasa plato.

"Pero alam mo ba kung sino ang nagdala sa'tin dito?" tanong ko sa kanya habang nagsisimula nang kumain.

"Si Khiel."

"*cough.cough* F.ck. tubig." agad na sabi ko kay Kuya na sinunod naman nya.

"Psh. Seryoso, bakit parehas tayo ng reaksyon nang malaman natin 'yun?" inis na tanong ni kuya sa'ken.

"Sya kaya ang bumaril sa'ten." sabi ko sabay pout. Letse. Naalala ko na naman -____-

"Aish. Kumain ka na nga dyan." sabi niya saka umupo sa tabi ko at sumandal sa headboard.

Nagtuloy-tuloy na lang ako sa pagkain ko hanggang sa matapos na ko, hindi pa rin ako kinakausap ni kuya.

"Haist. Kaya pala hindi ako kinakausap, tinulugan ako." bulong ko sa sarili ko nang makita ko syang nakapikit.

The Secret Of His Slave [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon