III

109 3 0
                                    

MJU: University Of Unordinary Students

[ V H I E N ]

"Hoy ! Tara na sa cafeteria," pamimilit ko kay Khiel. Ayaw kasing tumayo eh. Tomguts na ko eh, libre pati pagkain ko kapag kasabay ko 'to.

"Ayt. Tara na nga. Ang kulet eh." halatang naiirita na sya, haha.

Cafeteria

Natahimik ang lahat ng pumasok ang dyosa at ang gwapong nilalang. Chos. Hindi ko alam kung bakit sila natahimik ng pumasok kami ni Khiel ng sabay.

"Anong meron, bakit tumahimik sila bigla?" tanong ni Khiel sa'kin. Hindi pa pala nya alam. Paano kaya sya nakapasok dito? Ano kaya ang...

"PM." pagtawag sa'kin ni Khiel habang kumakaway sa harapan ko.

"Ah. Wag mo na lang pansinin." seryosong sagot ko.

At para mawala ang tensyon sa buong cafeteria, hinila ko na lang sya sa bilihan ng pagkain at bumili na ko nang makakain ko shempre pati pagkain nya at sya na ang nagbayad. Dapat lang, ako na nga ang nagbitbit ng bag nya at ng pagkain nya. Sabagay Personal Maid nya ko.

"GP, dito." rinig kong sigaw ni Jheo kaya lumingon ako dun at nakita ko sina Klark at iba pang member. Pupunta ba ko?

"Tara dun." aya ko kay Khiel na sumunod naman agad.

Nang makalapit ay agad akong nakaramdam ng pangungulila mula kay Ghio. Haist.

Umupo na lang ako at hinila ko ulit si Khiel paupo sa tabi ko at nagsimula na kong kumain.

"Ang takaw mo pa din GP." komento nila. Take note: sabay sabay pa. Maliban kay Khiel na hindi ko pa kilala dati.

Patuloy lang ako sa pagkain at hindi sila pinansin.

Napatigil lang ako sa pagkain nang may maramdaman akong mga bagay na papalapit sa pwesto ko.

"Wag kayong maingay." bulong ko sa kagang ko. At sa halip na manahimik, tumayo agad sila at sinabihan ang mga estudyante na lumabas muna na agad naman nilang sinunod at saktong umulan ng mga matutulis na bagay. Iniwasan ko lahat yun pati na rin ni Khiel na nanatiling nakaupo pa rin gaya ko.

[ S O M E O N E ]

Damn. Bakit ba bumalik ka pa dito Vhien?

"Nice one. Umaayon lahat sa plano ko." nakangiting sambit ni Tanda habang nakatingin sa flat screen. Nakakagulat talaga tong  si tanda. Bigla-biglang sumusulpot.

"Anong plano yun, Tanda?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Malapit na ang pagkawasak ng pamilyang Piamonte. Abangan mo na lang, apo." nakangiting sagot nito. Anong...

"Nandito din ba ang isa sa..." naputol ang sasabihin ko kasi tumango na agad si Tanda.

"At alam kong malapit na. Malapit na nating matuklasan ang sikretong nakatago sa mga matang yun. Hawak na natin ang isa at maaaring mapasaatin din ang pinakamalakas sa kanilang tatlo." seryoso naman syang nagsalita at muli, naramdaman ko na naman ang takot na matagal ko nang hindi nararamdaman. Takot mula sa babae... err batang babae na nakita ko kanina lang.

"Bantayan mo syang mabuti, Allen." at tumayo na sya at umalis.

Halos basagin ko naman lahat ng gamit sa computer room na 'to dahil sa natuklasan ko. Fvck! Hindi maaaring sya ang kapatid ni Kien. Kailangan ko na talagang magdoble ingat dahil ikakapahamak ko. Bakit sya pa? I'm dead kapag nalaman nila tanda ang ginawa ko noon. War talaga ang mangyayare. Bakit kasi ngayon ko lang nalaman ang bagay na 'yon?

"Wag kang mag-alala Allen, alam ni tanda ang ginawa mong katangahan noon. Guess what, napahanga mo sya kaya nga niya pinaubaya sayo ang tungkuling ito." malamig na sabi ni Ara na ngayon ko lang nakita ulit. Tss. Ang bilis talaga nyang babaeng yan. Hindi ko man lang naramdamang pumasok na sya dito.

"Saan ka ba galing?" pag-iiba ko ng topic.

"Mission." maikli pero makahulugang sagot nya.

"Hanapin ang babaeng isa rin sa kanila para makumpleto na sila." 

[ V H I E N ]

   Nang mapansin kong may kinuha si Khiel sa lamesa ay hinablot ko na agad ito.

It's a Death Note.

'You're Dead, Soon.'

Tss. duwag lang ang gumagawa ng note na ganito.

Nag-iba bigla ang ekspresyon ko nang makita ko ang nagtatakang itsura ni Khiel.

Hindi ko pala napansin na nalamukos ko na ang papel na 'yun.

*Kruuu kruuu*

Napahawak naman ako sa tyan ko, nagwawala na ang alaga ko =3=

"Bili nyo ng pagkain si GP. Haha. Ang ingay ng tyan ." sabi ni Klark nang makarecover sa pangyayare. Pang- asar talaga 'to pero salamat na rin at nawala na ang tensyon sa pagitan namin ni Khiel.

Fast Forward

Ayoko na. Suko na ko.

"*BUUUUURRRRRRP*"

"Oppps. Sorry hehe. ^^V"
paghingi ko ng paumanhin.

Ang dami naman kasi ng pagkaing binili nila, favorite ko pa lahat =3=

"Una na ko, PM." pagpapaalam ni Khiel.

Tinanguan ko na lang sya kahit alam kong may mali sa kanya at saktong pag-alis niya, para akong nasa hot seat. Sunod-sunod na tanong ang ibinato nila sa'kin, hindi ko na nga naintidihan ang iba nilang sinabi.

"Bakit ngayon ka lang bumalik?"

"Bakit hindi ka na nagparamdam mula 'nung makaalis ka?"

"Totoo bang tinakasan mo na ang tungkulin mo bilang GP?"

"Kinalimutan mo na ba 'yong pangako mo?"
"Kaya mo namang talunin ang lahat di ba, bakit hindi mo sila pinaikot sa mga kamay mo?"

Sunod-sunod na tanong nila sa'kin pero wala akong sinagot. Nanatili lang akong tahimik at nakikinig sa pagtatalo nila. Ayokong madamay pa sila sa gulo ng buhay ko kaya nga mas pinili kong magpakalayo-layo eh.
Sabihin na nating namumuhay na sila ng normal, payapa at tahimik. Hindi na naiinvolved lahat ng ipinagbawal noon. Mananatili pa bang sikreto ang lahat ng tinatago ng paaralang ito? Hindi ko pa naman nalalabag ang patakaran. Nagtago lang ako pero hindi ko tinakbuhan.

•• Melancholicinnight ••
Read, imagine and enjoy.

The Secret Of His Slave [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now