VI

59 1 0
                                    

Six: Truth between lies

[ V H I E N ]

Naglalakad ako papuntang Cafeteria para bumili ng pagkain. Nakita ko kaagad si Khiel at parang problemado sya. Lumingon sya sa'kin at naglakad agad papalabas ng Cafeteria.

"Vhien. Emergency." sabi ni Khiel at alam ko na ang ibig nyang sabihin.

Kaya agad ko syang nilapitan at hinila ang braso nya patakbo papuntang parking lot at nang makarating kami dun, agad akong sumakay sa kotse, ganun din naman ang ginawa nito.

Mabilis nyang pinaandar ang kotse nya papunta sa lugar na iyon.

Nang tumigil na ang kotse ni Khiel sa parking lot ng isang Hospital, agad kaming bumaba at nagpunta agad sa E.R.

Ano bang nangyare sa papa ni Khiel?

Kukunin mo na ba sya lord ? Wag naman oh.

May mga bagay pa kong hindi alam na sya lang ang makakasagot. Please, wag mo muna syang kunin. 

"Vhien ... I love you." mga salitang binitawan ni Khiel tsaka sya pumasok sa loob ng E.R. 

Fvck. Natigilan ako saglit at parang may naghahabulan sa dibdib ko.

Shit ! Hindi pwede.

Agad naman akong pumasok sa loob ng E.R nang matauhan ako.

"Khiel, stop playing." sabi ko dito nang mahabol ko sya na dahilan para mapatigil sya sa paglalakad at tiningnan ako.

"Idiot." seryosong sabi nito.

" Ka." i said,

Atsaka tumingin sa papa nya na medyo nakarecover na. Ngumiti ito sakin na sya namang ikinataas ng mga balahibo ko.

Shit. kakakilabot.

"ija. Come here." wika nito kaya agad akong lumapit dito na sya namang alis ni Khiel. Buti na lang at kami na lang dalawa ang tao dito.

"Ija. Ipagpaumanhin mo kung pinilit kitang maging katulong ng anak ko. Alam kong unti-unti na syang nagbabago mula nung dumating ka. Alam mo bang simula nang iwan sya ng mommy nya dahil sa ibang lalaki ay nag iba na si Khiel, He hates all girls. He always play around at sa nakikita ko sa inyo kanina, hindi sya naglalaro. Mahal ka na nya." mahal? Hindi nag-eexist yan sa mundong ginagalawan namin. Lahat kailangang magpanggap na walang halaga ang lahat maliban na lang kung ako ang lider mo. Kaya kitang protektahan sa lahat dahil ako ang magpapatakbo ng buhay ng mga taong gagalaw sa inyo.

"Sir. ano pong nakain nyo?" seryosong tanong ko. Aba, biglang bumait eh.

"Ikaw talagang bata ka. Naku. Dapat nga na ingatan ka at wag pabayaan." natatawang wika nito pero iba ang dating sa akin. Parang may mali. Magiging malinaw na ba ang lahat?

"Vhien Jung, tumingin ka sa mga mata ko." utos nito at biglang pag-iiba ng ekspresyon niya.

"Sir, bakit?" at tumingin nga ako.

"Remove your lens Ija?" fvck, paanong ...

"It's plain." simpleng sagot ko para ndi na nya mahalata na kinakabahan ako. 

Sino ba sya? Paano nya nalamang... Wala pala.

"Are you sure ?" paninigurado nito. Tumango na lang ako bilang sagot. Kung magiging defensive ako baka mahalata nya pa lalo at baka malaman nila kung sino talaga ako at kapag nangyare 'yun. Isang bagay lang ang mangyare at tiyak kong hinding- hindi ko magugustuhan, nila magugustuhan.

"Mahal mo na si Khiel?" saan galing ang tanong na yun?

The heck, 'yung aroganteng antipatikong lalaking 'yun? Wag na uy !

"What the? Ako po, maiinlove sa anak niyong antipatiko? wag na lang."

"Masyado ka ng depensive." nakow. Tss.

Hindi na lang ulit ako umimik dahil ewan ko din.

"Mag-ingat sa lahat ija. Lahat ay naaayon lang sa plano." mahina pero malinaw na sabi ni Mr. Soo na ikinagulat ko. Tumingin ako dito ng may pagtataka. Nagkibit-balikat lang sya.

"Are you related to Nathaniel Jung?" tanong niya ulit. Masyado na syang interesado sa buhay ko. =____=

"Hindi ko nga po kilala 'yon e." pagmamaang-maangan ko kahit ang totoo, si Daddy yung tinutukoy nya. Maybe hinahanap nya rin ako gaya nina Tanda.

"Buti na lang at hindi mo pa sila nakikilala, that mysterious family." sabi niya na may halong bitterness.

Haist, kailan kaya ako balak nito paupuin? Nangangalay na ko eh.

"Aammmm. Paano nyo po siLa nakilala?" tanong ko na lang dito. Sikat na business man si Daddy kaya hindi na ko nagtataka. Misteryoso, mapanganib at hindi mo gugustuhing kalabanin pero wala na sya.

"Sa school na pinapasukan mo. Business partner." sagot nya. Jeez! Hindi maaaring sya 'yong business partner ni Daddy. Kilala nya ko? Hindi maaari.

"Kilala mo po talaga ako Mr. Soo kaya tinanggap nyo ko agad sa trabaho noon. Hindi na ko magtataka kung isa na rin kayo sa kanila o baka naman isa kayo sa hindi dapat pinagkakatiwalaan Mr. Miguel Soo?" nakangising sambit ko. Madami pang hindi malinaw. Kailan kaya naging malinaw ang lahat para sa'kin T^T

"Parating na po si Khiel. Wala akong pakialam kung sabihin nyo sa kanya lahat. Lalo na kung kasabwat kayo ni Tanda. Wala naman kayong mapapala sa'kin. Sige na po. Mauna na po muna ako, may gagawin lang." pamamaalam ko dito at dali-dali akong tumakbo palabas ng kwartong iyon. Nakasalubong ko si Khiel at may bitbit syang pagkain. Tinawag nya ang pangalan ko pero hindi ko na sya pinansin pa.

Lumabas ako ng hospital at pumara ng taxi. Sinabi ko kay Manong driver na ibaba ako sa Mall na malapit sa hospital na to. Nakita kong papunta kanina dun ang mga kagang ko. May kailangan akong linawin sa nangyare noon. At gusto kong alamin ang pinagdaanan nilang parusa noong umalis ako.

"Nandito na po tayo." Manong Drivet. Bumaba na ko pagkatapos kong bayadan.

Dumeretso ako sa loob ng Mall at pumunta agad sa Arcade. Mahilig sila doon lalo na sa Car racing. Namulubi yang mga yan dati dahil sa'kin. Nakikipagpustahan kasi lagi at ako ang palaging nananalo.

"Oy, Hance." lumingon naman agad si Hance at kapansin-pansin na bumalik na sya sa dati.

"Yun! Si GP nandito na." hindi naman halatang namiss nila ako. Nagroup hug agad kami e. Wala naman na ata akong lilinawin sa kanila e.

"Pinaliwanag ko na sa kanila. Salamat nga pala sa tulong mo. Nakalaya na ko sa bangungot na yun." sabi ni Hance nang magkatinginan kami. Nginitiin ko naman agad sya.

Nagpaalam agad ako sa kanila. Pinipilit pa nga nila akong maglaro kaso humindi na ko. Kailangan ko pa kasing malinawan ang lahat. Yung totoo sa gitna ng kasinungalingan.

•• Melancholicinnight ••
Read, imagine and enjoy.

The Secret Of His Slave [ COMPLETED ]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ