XVIII

34 1 0
                                    

[18]: Remember !

Her's POV

Kanina pa ko nakahiga dito sa kwarto kaso hindi ako makatulog ... Anong oras na oh?! 12am na. Shit lang. Ays.

Bumangon na lang ako at lumabas sa kwartong yun, sinilip ko muna si khiel sa kwarto nya at ang gwapong yun, tulog na tulog.

Makalipas ang ilang minuto napagdesisyunan kong lumabas muna sa rest house na 'yon at dumeretso sa tambayan ko noon.
Noong kasama pa si Ghio at ang mga gangmate ko pero iba na ngayon. Hindi na kami makukumpleto ulit kasi wala na si Ghio.

Nang maramdaman kong may sasakyang palapit sa direksiyon ko ay agad akong humarang sa gitna dahilan para tumigil ito.

"What can I do for you Miss beautiful?" sabi nung lalaking kakababa lang sa sasakyan na tumigil.

"I want your Sports Car. Can I borrow it for a while?"

"Of course, In one condition, Let's Race." oh my goodness. My nose is bleeding. Haha.

Namiss ko na rin ang pakikipagkarera.

"Sige ba, kapag nanalo ako. Akin na yang Sports car mo. Kapag nanalo ka... ammmm.. ano ba...??"

"Date with me." mabilis na sagot nya. Tsk. Ganda ko talaga, hahaha.

"ok deal ..."

--

"Whooooo~"
"Lupet nung nasa White"
"Whoooo ~"

Ang ingay nila -_____-'

Alam kong magaling ako pero the heck lang -__-

Ang hangin ko.

"Prrrrt."

"Wuhhhoo ~ Lupet pre, babae lang pala ang makakatalo sayo."
pang-aasar nung mga kaibigan ni ewan ko. Basta akin na ang Sports car nya.

Kung saan ko nakuha ang ginamit kong sasakyan ? Edi nanghiram ako.

"Miss. Anong pangalan mo ?" biglang sabi nung lalaki sabay abot nung susi.

"Thanks, amm... I'm Vhien, and you?" sabi ko.

"Pre. Yung Gangster princess ata yan. Yung nawala nung namatay si Ghio ..."
rinig kong bulong nung kasama niya.

"Ah. I'm Andrew." parang walang narinig na sagot nito.

"Mag-iingat ka Vhien." paalala ng mga kasama niya na parang matagal na akong kilala. Nagtaka tuloy ako. May alam ba sila? Atsaka sino kaya tong mga toh ?

"VHIEN JUNG ~"

OOPPS patay !

"Bakit hehe ^^V ?" tanong ko habang nakangiti ... Kasi naman ang sama ng tingin eh.

"Anong bakit? Tara na sa bahay." Sabay hila sakin.

"Khiel? Wuy. pre' Long time no see." napatigil naman si Khiel sa paghila sakin dahil sa tumawag sa kanya.

"Andrew? Naks mas lalo ka atang pumanget ah." biro ni Khiel tsaka nakipagbro hug.

"Hutang'ina pre. Ang ganda ng chicks mo ah. Ang astig pa." Sabay tingin sakin.

"Kilala mo na ba sya ng lubusan Khiel?" biglang singit nung isang lalaki na kaibigan din ata ni Khiel.

Kinakabahan na ko sa lalaking toh, parang may alam sya ... baka kilala nya ko?

"Ano ba Sam. Alam na nang lahat na sya ang Gngster Prince----" F.ck ! lumapit agad ako dun sa isa pang lalaki at tinakpan ang bibig nito ..

"IKAW ANG GANGSTER PRINCESS ?" sigaw ni Andrew.

Si Khiel naman walang reaksyon, parang alam na nya. Pero Aysss, paano nya naman malalaman?

"Tang'ina. Ang ingay mo .. Sino ba kayo at parang ang dami nyong alam?" inis na sabi ko dun sa madaldal.

"Sya si Sam at ako si VIncent. Nice to see you again. Our GP."

Tsk. Ito siguro 'yung laging kinikwento ni Hance sa'ken na mga kapatid nya daw.

"Tsk. Tara na Khiel." tsaka ko hinila si Khiel palayo sa mga yun.

At nang makalayo na kami.

"Speak."

"Speak speak ka jan. Oo na, ako si Vhien jung ang Gangster princess. Ok na?"

"Hindi yun .. Nakakainis toh .. Matagal ko nang alam yun. Ang gusto ko magpaliwanag ka kung bakit umalis ka kanina ng walang paalam? Alam mo bang nag-alala ako ?" pahiya naman ako dun -_____-

"Ah eh... Sorry na ... Hindi kasi ako makatulig kanina eh tapos tulog ka kaya hindi na kita ginising." paliwanag ko sa kanya.

"Pwede mo naman akong gisingin eh." pag-iinarte nya. Tsk.

Kinabukasan,

Vhien's POV

"Mahal na mahal kita Vhien. Alam mo naman yun di ba? Wag mo naman akong iwasan oh ? Nakakaputang-ina eh. Buhay ko man ang kapalit hindi ko talaga kayang pigilan tong nararamdaman ko sayo.. Mahal mo naman ako di ba?" nagsusumamong sabi ni Ghio sakin habang magkatabi kaming nakaupo sa dalampasigan.

"Mahalaga ka para sa'kin Ghio kaya ayokong nakikita kang nahihirapan ng dahil sakin." sabi ko sa kanya habang pilit na tinatanggal ang pagkakahwak nya sa kamay ko.

"Layuan mo na lang ako Ghio please."

---
"HOY. tulala ka jan. Tara nandyan na sina Andrew, babawiin daw yung Sports car nya." sabi ni Khiel habang nakaakbay sakin.

"Hoy! Chansing ka masyado. Bitaw nga" inis na sabi ko dito. Tsaka ko tinanggal ang pagkaka-akbay nya at iiwan ko na sana sya nang bigla nya kong hilahin kaya naout of balance ako at napahawak ng mahigpit sa braso nya.

"Uy, mamaya na yang loving loving nyo. Gutom na kami."biglang singit nung mga ugok na bwisita ni Khiel. -____-'

Napakalas naman agad sa pgkakahawak nya.

"Tss. Mga panira ng moment .." rinig kong bulong ni Khiel.

"Magtigil ka nga." bulong ko din sa kanya at pinuntahan ko na yung mga ugok.

"Oh anong gagawin nyo dito mga ugok ?"

"Babawiin yung sports car ko."
walang pakundangang sagot ni Andrew.

"Game." masiglang sabi ko naman dito ng nakangiti. Haha.

"Palit lang ako." pagpapaalam ko sabay punta ulit sa kwarto.

Nagsuot na lang ako ng black na pants at black na t-shirt.
At bumaba na agad ako.

"Witwiw." sabay-sabay na pagsipol nung tatlo. Maliban kay Khiel na parang ewan ang naging reaksyon.

"Hoy, PM. Magpalit ka nga ng damit. Yung hindi fitted. Aist." inis na sabi niya.

"Masyadong protective?" sabay na sabi nung tatlong ugok. Tsk.

Anong problema nya sa fitted na damit? Hindi ba bagay sa'ken? Ayt. Kaysa magkipagtalo pa kay Khiel ay nagpalit na lang ako ng damit. Kaartehan kasing taglay eh.

Fastforward,

Nagreready na kami para sa Game. Nagsign of the cross pa nga si Andrew eh kaya nagpipigil ng tawa sina Khiel.

Hanggang sa nagsimula na nga ang bawian ng sasakyan...

"Hahaha. Dude, sumuko ka na lang. Tanggapin mo nang wala ng makakatalo kay Vhien." pasigaw na pang-aasar ni Khiel kay Andrew.

Ngunit, subalit, datapwat ayaw pa din niyang sumuko. Kaya binagalan ko na lang ang patakbo sa sasakyan at sya na ang nanalo.

"Catch." sigaw ko sa kanya nang makababa ako sabay hagis ng susi ng sasakyan nya papunta sa kanya.

"Akala ko isusuko mo na yang kotse mo pre." pang-aasar ni Khiel.

"Ulol, wala sa bukabularyo ko yun." sus, kung hindi lang ako naawa sa kanya. Hahaha.

"Sus, naawa lang sayo si Vhien." pang-aasar ni Sam na tunay naman.

"Magsama-sama kayo jan. Hmp." Haha. Asar-Talo.

Naalala ko tuloy sina Clark, Jheo, at Ghio sa kanila. Miss ko na sila -____-' Sobra.

The Secret Of His Slave [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon