XXI

38 0 0
                                    

[21]:Welcome to the real world

"Oh, wala kang balak magsalita?" tanong niya sa'ken.

Nakakapagod -____-

"Bakit ngayon lang 'yan umuwi? Lasing pa ata." sabi ni Andrew na totoo naman.

Arrgh. Pagkaalis kasi nina Ghio at Cheska kanina saktong dumating yung kapatid nitong Ghio na 'to na si Crystal.

Bwiset. Masyadong panira ng mood. 

Alam ko namang ayaw na nya sa'ken since birth. Tapos nalaman kong sya ang nagpadala 'nung sulat at video.

"Vhien, uy !" hindi ko na kaya. Inaantok na ko.

---

"Bakit mag-isa ka?"

"Ayaw nila akong kalaro eh."

"Ha? bakit naman?"

"Hindi ko din alam, impakto daw ako."

"Yaan mo na sila. Ang ganda mo namang impakto di ba? tara, maglaro tayo."

---

Nagising ako dahil sa panaginip na 'yun.

Agad din naman akong napahawak sa ulo ko. jeez! Ang sakit.

"Tsk. Bakit ka nag-inom kagabe?" bungad ni Khiel habang may hawak na soup. Kanina pa sya dito?

"Madami ka ng alam, pati ba naman pag-iinom ko pakikialaman mo rin?" pagsusungit ko.

"Vhien, kailangan mo ng bumalik sa bahay nyo." what the...

"2 months pa." wala sa sariling sagot ko

"Tsk. Sabi na. Aalis ka na after that damn, contract." natauhan naman ako sa sinabi niya at natampal ko din ang bibig ko.

Arrggh. Ang daldal.

"Two months na lang ang itatagal ng device. Hindi ko kayang makita kang nahihirapan." 

"Device? Anong device? Para saan?"

"Khiel, Khiel. Si Demi nasa hospital." pandalas na sabi ni Andrew kaya agad na nabitawan ni Khiel 'yung mangkok at natapon lahat sa sahig. Tumakbo naman agad ako palabas para puntahan si Demz kahit masakit pa rin ang ulo ko.

"Pahiram muna ako ng bike." sigaw ko kay Andrew na nasa loob pa din ng bahay.

Agad ko itong ginamit at pinatakbo papuntang hospital.

Lord, pagalingin mo sya pls. Ang bata nya pa, kahit imposibleng gumaling pa sya dahil sa lukemia na yan. Humihiling ako ng himala mula sayo.

"Ate Mira, nasaan si Demi?" tanong ko kaagad nang makita ko ang nanay ni Demi. Nakaupo sya sa isang sulok at umiiyak ng tahimik.

Nang makalapit ako sa kanya agad nya kong tinulak.

"Wala na sya... patay na sya... pinatay sya ng mga hayop na 'yun. Vhien, bakit pati si Demi nadamay sa lintek na mundo mo,ha? bakit?" sabi niya.

Anong nangyare?

"Iniisa-isa na nila lahat ng taong malapit sayo. Alam kasi nilang 'yun lang ang paraan para makita nila ang dating ikaw." biglang singit nung lalaking nakapangnurse na damit.

"Ayoko na." sabi ko. Frustration hits me right now.

Dangerous,... and its only an imagination.

Gusto talaga nilang makita ang lahat ha? Tignan lang naten kung makatagal sila sa mundong pinasukan nila. 

Demi, for the justice of yours.

I, Vhien Jung, welcome them to my world.

Khiel's POV

Naabutan namin si Vhien na nakaupo sa sahig.

"Ate Mira, anong nangyare kay Demi?" tanong ko kay Ate Mira na nakatulala lang.

"Wala na ang anak ko." umiiyak na bulong niya kaya natigilan talaga ako.

"Wala na sya. Pinatay sya... Pinatay nila ang anak ko." wala sa sariling sabi ni Ate Mira.

"Vhien, tara na." agad kong hinila si Vhien na wala pa rin sa sarili.

Galit, suklam at poot ang nakikita ko sa kanya. Si Demi ang unang batang naging malapit sa kanya kaya alam kong nasasaktan siya sa pagkamatay nito...

Someone's POV

How long I wait for this...
And now, Makikita na rin namin ang kinatatakutan ng mga Piamonte.

Bwahaahahaha.

Vhien's POV
Nang makauwe kami galing sa hospital, agad kong iniwan si Khiel na kausap pa sina Andrew at pumuntang kusina para magluto. Gutom na talaga ako.

"Wag na wag mong gagawin 'yan Vhien. Sinasabi ko sayo." sigaw ni Khiel sa'ken. Ang alin? Eh may hawak lang naman akong kutsilyo kasi hahatiin ko 'yung patatas.

"Alam mo Khiel para kang timang. Gutom na ko kaya magluluto na ko." inis na sabi ko sa kanya nang makalapit sya sa'ken.

"Psh. Akala ko magpapakamatay ka na eh." bulong nya.

"Muntanga ka talaga. Gutom lang ako." 

"Ang dumi ng bibig mo. Kababaeng tao." panenermon na naman nya.

"Layas nga. Ipagluluto na po kita kamahalan." pagtataboy ko sa kanya at kamot-ulo naman syang umalis.

Nang makaalis sya, agad ko naman nang tinapos ang paggagayat at nagsimula na kong magluto.

After an hour ...

"Anong pagkain yan?" tanong ni Khiel.

"Tikman mo Khiel, ang sarap." pag-aaya ni Andrew kay Khiel.

"'wag na. Seafoods ata yan." pagtangge nya.

Allergic ba sya? Edi cute pala sya kapag kumain sya ng ganito. Yung sisingkit ang mata tapos mamamaga 'yung labi niya? Haist. Ang hirap magkunwareng masaya. Gusto kong isigaw na 'Hindi ako okay.' 

"Vhien, wag ka ng magkunware na masaya ka." nabigla naman ako nang biglang pumasok 'yung nagsalita, si Sam.

"It's time to reveal anything." meaningful.

"Pinatay nila si Demi." dugtong pa niya.

"Sam, tigilan mo na 'yan." utos ni Khiel.

"Bakit Khiel, natatakot ka ba na baka maranasan mo din ang naging buhay ng ibang tao noon sa mundo niya?" 

"Sabing tumigil ka na eh." susugod na sana si Khiel kay Sam nang pigilan ko sya.

"Sam, gusto mo rin bang maranasan ang naging buhay nila sa mundo ko?" tanong ko sa kanya na halatang ikinagulat nya.

"Natahimik ka ngayon. Duwag ka din eh. Gaya ka rin nila." 

Akmang susuntukin ako ni Sam nang pigilan siya nina Andrew at Khiel.

"Wag nyo syang pigilan." sabi ko sabay ngisi at lapit sa kanya.

Ramdam kong nagtaasan ang balahibo niya pati na rin sina Khiel at Andrew sa biglang pag-iiba ng atmosphere.

"Welcome to my real world. Traitor." I whispered to him bago ako umalis sa kusina.

The Secret Of His Slave [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now