XXVI

23 1 0
                                    

[26]: Wish: Not met again

Her's POV

Palapit na ng palapit ang araw ng pag-alis ko sa bahay nina Khiel pero gusto ko na talagang lumayas dun. Tangna lang. Ang wierd na kasi ng mga kilos ni Mr. Soo, dagdag pa 'yung feeling na nilalayo ako ni Khiel sa tatay niya. -___- what's on them?

"Khiel, mag-usap nga tayo." sabi ko kay Khiel habang nagluluto ako ng umagahan nila at lalabas sya sa kusina kaya natigilan sya at humarap na sya saken.

"Bakit mo ko nilalayo sa tatay mo?" deretsong tanong ko sa kanya.

"Nakita ko ang ginawa mo sa kanya nung isang linggo. Galit na galit ka sa kanya kaya habang wala ka bang ginagawa, nilayo ko na sya sayo." sabi niya sabay walk out.

Ako pa ang nagmukhang may kasalanan at may balak gawing masama, ganun ba? Kung alam mo lang Khiel, kung alam mo lang...

"Fuck that Contract. Hindi tuloy ako makaalis agad dito. Jeez!" inis na bulong ko.

"2 months and a half na lang, Vhien." biglang sabi ni Mr. Soo mula sa likuran ko kaya hinarap ko sya agad.

"Yeah right." sarkastikong sagot ko sa kanya saka ko inilagay ang niluto ko sa isang pinggan at inihanda na ang lamesa para umagahan nila.

"Anong plano mo?" feeling bagets naman 'to. Feeling close pa.

"Don't act, as if you really care."

"Care about what Dad? Vhien?" tanong naman ni Khiel na kadadating lang.

"You're smart, princess. Totally smart."makahulugang sabi ni Mr. Soo bago umalis sa kusina.

Bakit ba lagi na lang kaming iniiwan nang kami lang kapag may tinatanong 'tong si Khiel? Hayp talaga.

"Magbihis ka na. Baka malate na naman tayo sa klase." pag-iiba niya ng topic. Buti na lang marunong syang makiramdam.

Nagbihis na nga ako at naghanda para sa pagpasok namin. Inayos ko na din ang gamit nya sa bag at habang inaayos ko ang laman ng bag, nakita ko ang isang picture. Picture ata nila ng Mama nya.

She look familiar.

"Sinong may sabi sayong pakalman mo ang gamit ko?" galit na tanong ni Khiel sa'ken bago niya hablutin ang picture sa kamay ko. Nagulat ako kaya hindi ako agad nakarecover.

"Ah. eh, Sorry." mahinang sabi ko habang nakayuko.

"Tsk. Sa susunod kasi wag kang masyadong pakialamera. 'Yung buhay mo nga hindi ko pinapakialaman." sabi niya nang may inis pa rin sa boses niya.

Aaminin ko, nasaktan ako sa sinabi niya. Hindi ko naman pinakialaman ang gamit niya, inayos ko lang. Haist.

Umalis na lang ako sa harap niya, bitbit ang bag ko nang wala ni isang salita ang nanggaling sa bibig ko.

Ayokong magsalita kasi baka kung ano pa ang masabi ko. Tss.

Naglakad-lakad na lang ako sa kalsada hanggang sa makarating ako sa sakayan. 

"Manong sa MJU po." sabi ko kay manong driver at pinaandar na nya ang tricycle nya.

After 30 mins. nakarating ako sa maling school. Sa likod pa ang school namin tapos sa una ako ibinaba? Ano 'yun lokohan?

"Manong, hindi naman dito yun eh." pagrereklamo ko.

"Maam, sa likod po nyan ang MJU. Dito lang po kasi ang pwedeng pagbabaan namin ng pasahero na pupunta sa school na 'yun." paliwanag ni Manong. -___- Kaartehan talaga ng school na 'yun.

Inabutan ko na ng bayad si Manong at iniwan na nya ko.

"Saan ako dadaan nyan? Alangang umikot ako. Ang layo kaya at ang lawak pa ng iikutan ko kung sakali. Aish. No choice dito talaga ako dadaan sa punyetang main gate ng school na 'to para short cut. Late na ko nito lalo eh. -___-

The Secret Of His Slave [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now