XLI

18 0 0
                                    


[41]: Hide. Just hide!

Khiel's POV

"Anong ginagawa mo dito ha? Putang'na ka!" punong-puno ng galit na tanong ni Kien sa'kin nang makalabas sya sa Room#143.

"Kamusta na sya?" nag-aalalang tanong ko.

"Ghad! Nag-aalala ka na ngayon kay Ate? Samantalang nung binugbog mo sya wala kang pakialam kung mapatay mo sya. Just wow!" sarkastikong sabi ni Melody na kadadating lang din.

"Umalis ka na dito! Isama mo na rin 'yang mga pinsan mong walang utang na loob!" dugtong ni Melody habang nakatingin sa taong nasa likuran nya lang, sina Ghio, Jheo at Shantall.

Hindi ko maintindihan, matagal na ba talaga silang magkakaibigan?

Ays! Kamusta na kaya siya? Namimiss ko na si PM.
Sana mapatawad nya pa ko sa kasalanan ko.

Masyado lang talaga akong nakain ng galit ko dahil ni minsan hindi ko nakita ang Mama ko. All this time, inisip kong pinagpalit lang kami ni Mama sa ibang lalaki. At sya ang napagbintangan na inamin naman nya para sa kaligtasan ni Madz. Si Madz? Medyo maayos na sya, natanggal na ang bala na tumama sa kanya pero malala na ang sakit nya. Naaawa ako sa kanila at alam ko na kung bakit inako ni Vhien ang kasalanan niya. Jeez! Kung alam ko lang lahat, hindi sana sya napunta ngayon sa sitwasyong to. Balita ko, hindi pa sya nagigising. Magdadalawang linggo na. 

Haist, sobrang bait nya!
To the point na sinagip na naman nya ang buhay ko. Ako dapat ang nakahiga sa kwartong 'yun at sa'kin dapat nakakabit lahat ng wires na yun.

"Tara na muna Khiel." sabi ni Shantall, saka ako hinila paalis sa harap ng magkapatid na 'yun. Sumunod naman agad sina Ghio at Jheo.

Nang makalabas kami ng hospital, doon lang ako binitawan ni Shantall.

"Kasalanan ko lahat ng 'to eh. Nasira kayo ni Vhien ng dahil sa pagbabalik ko. Dapat kasi hindi na lang ako bumalik. Haist! Kung maibabalik ko lang lahat ng nangyare. 'Yung dating masayang pagkakaibigan, masayang samahan at sama-sama sa lahat ng kalokohan. Damn! Conscience hits me right now." sabi ni Shantall.

"Hindi! Wala kang kasalanan dito Shantall, kaming dalawa ni Jheo ang may kasalanan ng lahat! Kami ang unang nakakilala kay Vhien, pero hindi kami naniwala na wala syang kasalanan sa lahat ng 'yun. Wag mong sisihin ang sarili mo, dahil kami talaga ang may kasalanan." sabi naman ni Ghio habang niyayakap si Shantall.

"Tara na, Khiel. Hayaan mo muna 'yang mga 'yan! Nagdradrama pa sila."pagbibiro ni Jheo para matanggal ang lungkot namin.

"Gago ka talaga, sabihin mo gutom ka lang! Tara na nga, may nakita akong bilihan ng turo-turo dyan sa daan kanina." aya ni Shantall kaya lalong nalungkot sina Ghio at Jheo.

"Psh. Lalo mo lang pinaalala si GP sa'min eh." pag-iinarte ni Jheo.

"Arte mo naman! Isipin mo na lang 'yung panahong magkakasama pa tayong apat nina Vhien na tumatakas sa school para lang makakain ng turo-turo jan sa kanto noon." pang-aasar lalo ni Shantall habang hila-hila na kaming tatlo.

"Matagal na pala talaga kayong magkakilala ni Vhien. Pero bakit hindi kayo naniwala sa kaniya?" tanong ko na nagpatigil sa paghila niya sa'min.

Shantall's POV

"Matagal na pala talaga kayong magkakakilala nina Vhien. Pero bakit hindi kayo naniwala sa kaniya?" tanong ni Khiel na nagpatigil sa'kin sa paghila sa kanila.

"Oo, since highschool. Magkakaklase kami. Pero masikreto syang tao eh. Hindi nya sinasabi sa'min lahat kung ano ang gagawin niya. Kaya siguro naniwala agad kami na sya talaga ang may kasalanan." sagot ko naman sa kanya.

The Secret Of His Slave [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now