iii

59 2 2
                                    

Epilogue

[ K H I E L ]

Sa sementeryo...

          Kitang-kita sa harap ng paglilibingan niya ang mga taong umiiyak. Isa-isa silang nagbibitaw ng puting rosas at unti-unti namang ibinababa ang katawan ng babeng mas nagpagulo sa magulo kong mundo. Nagsimula na kong lumakad palapit roon, dala ang bigat na nararamdaman.

“V-vhien. Sorry... S-sorry.”

Lumuhod na ko sa harap ng pinaglilibangan sa kanya, umaasang biro lang ang lahat. Umaasang may babaeng tatapik sa'kin at titingin sa mga mata ko.

“Tama na yan. Tara na.” sabi ni Shantall habang itinatayo niya ko.

            Tumayo ako at tiningnan lang ang puting kabaong. Bumababa na ito sa ilalim ng lupa at ilang minuto lang, tinatabunan na ito ng lupa.

              Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maramdaman ko ngayon dahil parang namanhid na ang katawan ko pati na rin ang puso ko.

              Umaalis na rin ang ilang mga taong pumunta sa libing nya hanggang sa kami-kami na lang mga malalapit sa kanya ang natira.

“Tara na, Khiel.” pag-aaya ni Kien sa'kin pero nanatili pa rin akong nakatayo at nakatingin sa lapidang inilalagay na ng mga taong naka-assign na gawin yun.

“Kahit ilang oras mo pang titigan 'yan, di na sya babalik. Ipagpatuloy na lang natin ang buhay na'tin dala ang mga ala-alang kasama natin sya.” malungkot na sabi ni Shantall at garargar na rin ang boses niya.

     Vhien Jung, isang babaeng puno ng misteryosong bagay ang hindi maunawaan ng iba ang nakabihag sa puso kong akala ko hindi na magmamahal muli. Handa rin syang isugal ang buhay nya para sa mga minamahal. Maswerte ako dahil nakilala ko sya at ako ang minahal nya.

"I love you, Vhien Piamonte Jung. Salamat sa lahat." bulong ko sa hangin.

After 6 years

          Busy ang lahat dahil dadalawin na naman nila si Vhien. Sa ikalawa na ang 6th Death Anniversary niya. Anim na taon na ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyare ang lahat.

          Bumuntong hininga lang ako habang patuloy na inaayos ang gamit na dadalhin namin pauwi sa Pilipinas. Pagkatapos kasing ilibing si Vhien ay napagdesisyunan nilang pumunta dito sa Singapore para makamove-on.

          Isinama na rin nila ako kahit alam kong galit ang mga ito sa'kin, sa'min nina Shantall. Ilang suntok pa ang natanggap ko kay Kien dahil sa galit at dalawang linggo naman akong nagpagaling sa hospital.

“Ano, kaya mo na ba ulit makita ang puntod niya?” natatawa pero mababakas pa rin ang lungkot na sabi ni Shantall sa'kin.

“Oo naman. Binabalak ko nga ulit matulog dón.” pabirong sabi ko naman.

“Tapos ano? Isang linggo ka na namang hindi aalis dón gaya nung inilibing sya dun?” natatawang biro niya pero totoo yun.

       Isang linggo akong hindi umuwi sa bahay namin dahil mula nung ilibing si Vhien, dun ako tumira sa tabi ng puntod nya. Tatagal sana ako ng kahit isang buwan, taon o kahit habang buhay na dun lang ako sa tabi ng puntod nya kung hindi lang ako nasita at napaalis nung mga pulis na nagbabantay sa  sementeryo. Umaasa kasi akong magpaparamdam siya kahit 'yung kaluluwa niya lang pero wala eh. Then, yun nga! Matapos ang isang linggong pananatili sa sementeryo, bugbog naman ni Kien ang natanggap ko.

         Makalipas ang ilang buwan, nagkapatawaran na rin ang pamilya Alvarez at Piamonte. Katunayan nga nyan, they merged their company at isa na ang mga pamilya namin sa pinakasuccesful na pamilya sa buong mundo.

The Secret Of His Slave [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon