XXIX

13 0 0
                                    

[29]: 2 Months

"Hoy, ano?! Tutulala ka na lang ba dyan? Tara na nga." sabi ni Khiel sa'ken na nagpabalik sa'ken sa katinuan.

Napatigil na pala ako sa paglalakad habang inaalala ko kung ano ako dati. Hays.

"Wag namang kahigit !" inis na reklamo ko. Makahila e.

"Sorna. -- aray!" nakapout na sabi niya, pitikin ko nga. Psh. Kabaklaang taglay.

"Psh. Tara na nga sa bahay nyo." pag-aaya ko na lang sa kanya.

At habang naglalakad kami, pakiramdam ko may sumusunod samen kaya tumigil ako sa paglalakad na ikinatigil din ni Khiel.

"Tsk. Sarah, lumabas ka na jan." inis na sabi ko habang nakatalikod pa din.

"So, magkatulad na pala kami ni Sarah ng presensya para sayo Vhien?" sabi niya na ikinalingon namin ni Khiel.

"Allen/Madz?" nagtatakang sabi namin ni Khiel.

"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya nang makarecover sa pagtataka.

"Gusto kitang makausap, Vhien." seryosong sabi niya.

Ha? Anong nakain niya at gusto niya kong makausap?

"Nang tayo lang." dugtong pa niya , sabay tingin kay Khiel.

"Okay, uuna na nga ako. Bye Vhien. Ingat sa pag-uwi." sabay alis.

"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko nang makalayo si Khiel.

"Lahat." maikling sagot nya kaya inaya ko na sya sa tambayan naming dalawa dati. Sa children's Park.

Naupo kami sa isang lobby na nasa tabi ng Elepante, medyo naiilang ako sa sitwasyon namin.

"Sorry..." pagbasag ni Allen sa katahimikan na ikinalingon ko sa kanya.

"Sorry, Vhien. Kung lumayo ako sayo. Naalala mo ba nung unang nagkakilala tayo? 'yong natumba ako sa slide na 'yon *sabay turo dun sa slide na pinaglalaruan namin dati nung elementary kami* 'yon yung simula ng pagkakaibigan natin na nasira dahil sa pag-iwas ko. Alam ko nung una pa lang na ako lang ang lumalapit sayo. Hindi ko pa nga alam kung bakit ayaw nila sayo eh ang bait bait mo naman. Yun pala iba ka. First year highschool nang malaman ko ang tungkol sayo. Sa halip na layuan at matakot sayo, inadmire pa kita. I idolized you kasi kahit iba ka, napakatalented mo naman. In academics, sports etc. Hays, bakit kasi si Hannah Jung pa ang naging mama ko. Yeah, si Hannah Jung ang mama ko kaya yung time na nakita ko ang mama mo, umalis ako bigla. Mang-aagaw ka, nasayo na nga si Ghio ng time na yun. Pati ba naman mama ko na sayo na din? Haha , Yeah. I changed myself para malampasan kita. Kaso bakit ganun, kahit nakikipagkumpitensya ako sayo parang wala lang. Parang sarili ko lang din ang kalaban ko... Naiinis ako sayo kasi nagbago ka rin. Sobrang nagbago ka. To the point na pati 'yong isang lalaki, muntik mo ng mapatay dahil jan Sa world of yours mo na yan.--"

"Teka nga. Manunumbat ka na lang ba at hindi mo sasabihin ang mga mali mo?" pagpuputol ko sa kanya. Tsk.

"Tapos na ba ko? Panira ng moment ee! So, yun nga, sorry kung inisip ko na mang-aagaw ka. Matagal na rin kitang sinusundan, mula nang makulong ka sa hospital na 'yun na 'siya' talaga ang may gawa hindi ako. Hanggang sa mapunta ka sa bahay nina Khiel, nagkunware akong ibang tao para lang makasama ka. Kaso pinagulo lang ni Black ang lahat. Bumalik sya at pinilit niya na sabihin ko kung nasaan ka. At dahil sa kapatid ko sya sinabi ko na. Sorry kung napilitan akong ipatanggal sayo ang Lens na yan. Alam kong madami akong naging kasalanan sayo pero sana mapatawad mo ko." sabi niya saka sya yumuko. 
Bakit hindi na lang nya sinabi sa'ken na mama niya pala si Hannah na yun? Una pa lang naman hindi na kami magkasundo nung mang-aagaw nyang ina. Pero sya rin kaya ang gumawa nung video?

"Bakit mo ginawa 'yung video?" tanong ko sa kanya kaya nagtaka sya.

"Anong video?" tanong niya.

So, hindi sya ang nagbigay nun?
Damn.

"Ah. wala." sagot ko sa kanya at hindi na sya nangulit pa. =__="

Mahabang katahimikan.

"Mag-ingat ka, Vhien. Malapit na syang bumalik." pagbabasag niya katahimikan.

"I know. 2 months na lang at magiging misirable na naman ang lahat. Hays. Sige, una na ko. Maggagabe na oh. Uwi ka na rin." sabi ko sabay tayo.

Nagpaalam na ko sa kanya at umuwi na ko.

"Anong oras ka na naman umuwi? Kumain ka na ba? Anong pinag-usapan niyo ni Madz?" tuloy-tuloy na tanong ni Khiel nang makapasok ako sa bahay nila.

Ano bang pakialam nya dun?

"Pagod ako kaya pwede bukas ka na lang manermon?" wala sa mood na sambit ko sa kanya at nilampasan na sya.

"Vhien, may problema ba?" tanong nya sabay hila sa'ken paharap sa kanya.

'Madami! Madami akong problema.' gusto kong isigaw yan kaso hindi ko alam kung paano.

"Wala ah. Pagod lang ako." mahinahong sagot ko para maniwala sya.

"Okay." sabi nya sabay bitaw na sa kamay ko.

Agad naman akong nagpaalam sa kanya at nagpunta na ko sa Kwarto ko.

Nang makapasok na ko sa kwarto ko, agad akong humiga sa kama ko.

"Arrrrgggghhh." sigaw ko para maalis kahit papaano ang frustration.

"Ang tanga, tanga mo kasi Vhien eh. Pumasok ka sa isang sitwasyon na ikaw lang ang nahihirapan." panenermon ko sa sarili.

Hayz. Para na kong baliw dito.

Dalawang buwan na lang kasi eh.

Dalawa na lang.

Mawawala na si Khiel sa buhay ko.

Isipin ko pa lang na hindi ko na sya pwedeng lapitan at kausapin, ang hirap.

Sobrang hirap.

Kakayanin ko ba?

The Secret Of His Slave [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now