X

49 2 0
                                    

Ten: Revelation

[ V H I E N ]

  Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Ayaw ko ng pumasok, nakakatamad lang. Nakakapagod na ang buhay na ganito. Palagi silang nakasunod at nagmamatyag, para tuloy akong isang makasalanang tao para bantayan ng ganun. Nakakainis na. Kung dati, pinapabayaan ko lang na sundan nila ako parati, ngayon hindi na.

"Hey, idiot ! I'm talking to you." napatigil naman ako at napatingin sa taong tumawag sa akin at walang pakundangan na hinawakan ang braso ko.

" Vhien," sabi nya kaya tiningnan ko sya. Si kuya Harvey ba 'to?

"Kuya? waaaaaaaaaaaaaaaah. namissssssssss kita. "  hyper na sabi ko bago sya niyakap. Pinsan ko si kuya Harvey at sya ang isa sa pumoprotekta sakin pero hindi sya nakikialam sa kahit na anong ginagawa ko. Napakabait nya sakin at sya ang pinaka close kong pinsan sa lahat.

"Dalaga ka na nga pero ang height at attitude mo hindi pa din nagbabago."pang-aasar nya habang ginugulo ang buhok ko.

"Putek naman, kuya wag naman buhok ko. Libre mo na lang ako sa queen's ice cream parlor  para makabawe ka." may halong birong sabi ko sa kanya.

"Tara." sabi nya kaya sabay na kaming naglakad paalis sa tapat ng northville at bago kami makaalis dun, nakita ko si heather black na nakatingin samin. 

Naiinis pa din ako sa kanya, he always tried to protect me but he always failed. 

Ano nga namng laban nya sya mga PIAMONTE? Kahit nga ako hirap na hirap na kalabanin sila, Paano pa kaya sya di ba?

Habang naglalakad kami ni Kuya harvey, ramdam ko ang pagiging uneasy niya at ramdam ko ring may sumusunod samin na dahilan ng kanina pa nyang palinga-linga sa paligid. Alam kong kinakabahan na sya dahil halata naman sa kanya na natatakot talaga sya kapag kasama ako kahit isa sya sa nagproprotekta sakin. Hindi ko alam kung bakit nakikialam sa buhay ko ang mga Piamonte. Baka naman alam nila na ako ang matagal nang nawawalang...

Aish! Imposible.

"Kuya ? May problema ka?" tanong ko na lang sa kanya para mawala ang tense na nararamdaman nya.

"Ah. eh. may...." hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng hinila ko sya at parang may asong humahabol sa amin para tumakbo ako ng mabilis kasama sya. Lumiko ako sa isang eskinita habang hawak ko pa din si kuya Harvey.

"Hey. Malayo na...hu...tayo." hinihingal na sabi ni kuya harvey sabay ng pagtigil nya sa pagtakbo kaya napatigil din ako. Tinanaw ko ang mga humahabol samin.

"Pati ba naman ikaw papatayin din nila? tang.na lang." inis na sabi ko.

Hindi ko alam na hahantong pala sa ganito ang lahat, 'yung pati mahal ko nadadamay na.

Hindi ko ginusto 'to.

Bakit kasi nakikialam sa'kin pati ang mga Piamonte?

"Kuya, uwi ka na. May pupuntahan lang ako." mahinahong sabi ko kay kuya Harvey at sabay nun ang malakas na pagputok ng baril mula sa likuran ni kuya Harvey at hindi ko inaasahan yun.

"Kuya Harvey , fvck. Wake up. pls. Wake up." sabi ko habang umuupo para maihiga sya sa lap ko..

"Mag-... ii.ngat ka--- pa--lagi ha? at tan--daan mo na -- ma--lapit.... mo na syang ....maki--lala"

"Sinong makikilala ko?" tanong ko pero huli na.. wala na sya ....

[ S O M E O N E ]

"Patay na ang pakialamero Boss." sabi ni Chell.

The Secret Of His Slave [ COMPLETED ]On viuen les histories. Descobreix ara