XLII

30 0 0
                                    

Stay Forever

Vhien's POV

Nagising ako dahil sa naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Gising na ang diwa ko pero hindi pa kaya ng katawan ko. Ni hindi ko man lang maimulat ang mga mata ko dahil nanghihina pa rin talaga ako.

"Sorry, sorry sa lahat." bulong ng kung sinuman sa'ken habang hawak ang kamay ko. Ramdam ko ring may luhang pumatak mula sa kanya.

"Kung hindi sana ako naniwala sa kanila, hindi ka sana malalagay sa ganyang sitwasyon. Ako na lang sana ang nabaril para kahit papaano mabawasan naman ang sakit na mararamdaman mo. Haist, gumising ka naman na please oh. Miss ko na kasi ang mga katangahan mong palagi mong dala-dala eh. Atsaka mag-iisang buwan ka nang natutulog dyan eh!" patuloy pa rin sa pagpatak ang luha nya na kahit gusto ko itong punasan, hindi ko magawa.

Mahal ko sya. Mahal na mahal. Pero ganun rin ba ang nararamdaman nya para sa'kin? Kung oo, bakit kami humantong kami sa ganito?

"Anong ginagawa mo dito ha?!" punong-puno ng galit na sabi ng kakapasok pa lang. Si kuya Kien.

"Sorry. Aalis na rin ako." rinig kong sabi ni Khiel.

At alam kong umalis na sya.

"Kamusta ka na sleeping beauty? Kami na lang ba talaga ang lumalaban? Bakit hanggang ngayon tulog ka pa rin? Miss ko na ang kakulitan mong pandak ka." lagi na lang ba panlalait ang maririnig ko mula sa mga taong papasok dito? =____="

Kapag talaga nakarecover ako dito babawian ko yang mga 'yan. Letse sila!

"Oh, kamusta na 'yang babaeng 'yan? Tulog pa rin? Gigising pa ba yan? O bibigay na rin yan gaya nang pagsuko ni Allen?" huh? Wala na si Allen? 'Yung taong mahal na mahal ang daddy nya? Yung taong malakas ang gapak na pinagtaksilan ako pero mahalaga pa rin sa'kin ? Sya ba? Napadaya mo naman Lord eh, bakit sya lang ang kinuha mo?

"Hoy! Vhien! Alam mo ba kung hindi ka pa gigising dyan hanggang bukas, sa morge na ang tuloy mo. Kaya pls lang gumising ka na! Nakakainis na kasi yang mga wires na nakakabit sa katawan mo. At yang mapuputla mong balat na hindi pa rin nawawalan ng mga pasa. Haist! Gumising ka naman na please oh! Miss na miss ka na namin." si Loraine ba to? Aish! Gusto ko nang tumayo sa kinahihigaan ko kaso 'yung isip ko lang talaga ang nagagamit ko ngayon eh. Sobrang nanghihina pa rin talaga ako na kapag siguro tinanggal 'yung nagbibigay sa'kin ng oxygen, hindi ko na kakayanin.

"Natanggal nga ang bala sa likod nya pero 'yung lason na nakalagay sa balang 'yun na wala pang nahahanap na lunas, patuloy pa ring kumakalat sa buong katawan nya. Sa tingin mo ba magigising pa sya? Just a himala! Eh yang mga nakakabit na yan na lang ang nagbibigay sa kanya ng buhay eh. In short, imposible nang magising si Ate Vhien." rinig kong sabi ni Melody na kakapasok lang. Ramdam ko sa boses nya na sumusuko na sya. I mean halos lahat sila nawawalan na ng pag-asa.

"Kasalanan nyo to Loraine eh! Dapat ikaw na lang ang nasa posisyon nya.  Ikaw na lang sana ang nabaril at ikaw na lang sana ang nahihirapan. Hindi si ate Vhien."

Mag-aaway pa ata sila dito ah! Letse talaga. Isang galaw lang sa daliri pls. Para malaman nila na gising na ko. Arrrrgh. Ang bigat talaga ng pakiramdam ko. Hindi ko talaga kaya medyo nawawalan na rin ako ng hininga dahil nga siguro sa lason na patuloy na kumakalat sa buong katawan ko.

The last thing I heard, bigla silang nataranta lahat.

Kien's POV

Nataranta kaming lahat lalo nang tuloy-tuloy pa rin sa pagbagal ang tibok ng puso ni Vhien hanggang sa

*Tiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing-

"Fvck. Tumawag kayo ng Doctor!" tarantang sigaw ni Melody. Jeez.

Lumabas agad si Loraine para tumawag ng doctor habang kaming dalawa naman ni Melody ay hawak ang dalawang kamay ni Vhien.

The Secret Of His Slave [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now