XL

20 0 0
                                    

[40]: STUPIDITY !

Kien's POV

"Sabing tigilan niyo na sya. Tigilan niyo na ang kapatid ko." sigaw ni Melody habang nagpupumiglas sa hawak nina Ghio at Jheo.

Naiinis ako sa sarili ko. Dahil wala akong magawa para makatakas silang lahat.

Hirap na hirap na ko sa pwesto ko pero mas mahirap ang pwesto ni Vhien.

Kahit nasa dulo sya ng kwartong 'to alam kong nanghihina na sya. At ang tanging nagbibigay ng suporta para makatayo sya ay 'yung taling nakatali sa kanya.

"Fvck! *cough. cough. cough.* " jeez!

"Vhien / Ate" sabay na sigaw namin ni Melody nang magsuka sya ng dugo dahil sa pagkakasuntok ng Tatay ni Khiel sa bandang tyan niya.

"FVCK! Vhien!" sigaw ng isang lalaking may hawak ng bag ni Vhien na kakapasok lang.

"Kuya Klark." pandalas na sigaw ni Melody nang makita nyang may susugod na lalaki mula sa likod nito. Kaya agad itong humarap sa likod niya at naiwasan nya ang lalaki.

"Ganyan ka na ba kababaw ngayon kuya Khiel para paniwalaan ang isang bagay na walang kasiguraduhan? Mabait na tao si Vhien, alam mo yan. Nakasama mo sya sa loob ng isang bahay nang halos apat na taon. For pete sake, ikaw pa ang nakiusap sa Papa niya na kunin ka bilang isa sa proprotekta sa kanya! Tapos ganito lang? Naniwala ka rin sa mga bagay na hindi nya kayang gawin!" sabi nang lalaking parang madaming alam sa buhay ni Vhien habang dahan-dahang lumalapit sa kinaroroonan ni Vhien na napapalibutan nina Mr. Soo, Khiel at Shantal.

"Ano pa ba ang hindi kapani-paniwala? Umamin na sya sa kasalanan nya! Siya ang pumatay sa Mama na'tin" galit na sabi naman ni Khiel.

Lahat ng tao sa loob ng kwartong 'to ay natigilan dahil sa pag-uusap nila. Lalo na ng taong nasa likuran ko, si Hannah Jung.

"Mas matagal mo syang nakasama kuya.  Pero bakit parang mas nakilala ko pa ang tunay na Vhien kaysa sayo! Oh, saan ka pupunta? Makinig ka sa sasabihin ko sa kanila." sabi nito saka lumingon sa isang babaeng hindi ko alam ang pangalan kaya tumigil ito sa paglalakad at walang kaemo-emosyong tumingin sa kinaroroonan nina Vhien.

"Una, gusto niyo ng malinaw na ebidensya di ba Ghio,Jheo at Shantall?" patuloy ng lalaki sa sinasabi niya.

"Maibabalik niyo pa kaya ang nasirang pagkakaibigan niyong apat nina Vhien?"

"Kakaiba man si Vhien sa paningin ng lahat, naging tunay naman syang kaibigan sa inyo di ba? Lalong-lalo na sayo Ghio. Partner in Crime pa nga di ba? At ikaw...."

Huminto sya sa paglalakad nang makaharap niya si Mr. Soo.

"Mr. Soo. Namatay si Mama ng dahil sa isang paghihigante. Paghihigante ng isang anak na nawalan ng mga Magulang."

Mag-ama sila?

Vhien's POV

"Mr. Soo. Namatay si Mama ng dahil sa isang paghihigante. Paghihigante ng isang anak na nawalan ng mga Magulang."

"Argggh. Please, wag mong sabihin. Please!" nanghihinang sabi ko habang nakatingin sa babaeng kailangan kong protektahan.

Nanghihina na talaga ako. Parang anytime, babagsak na talaga ako kung hindi lang nakatali ang kamay ko.

Hindi ko na rin maaninag ang ilang mukha na nasa paligid ko.

"Prinoprotektahan mo na naman ang taong hindi naman deserving Vhien. Bakit sobrang bait mo? Iniligtas mo na nga sya noon sa Gang war na 'yun, hanggang ngayon ba naman?"

"For freaking sake, ako nga ang may kasalanan ng lahat..."

"Manahimik ka na *cough. cough. cough* Arrrgh. Please." jeez nalalasahan ko na mula pa kanina ang sarili kong dugo pero kahit hinang-hina na ko gusto ko pa ring wag bumigay. Jeez kapag siguro tinanggal yung tali sa kamay ko, babagsak agad ako sa sahig.

The Secret Of His Slave [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now