XXXVIII

17 0 1
                                    

[38]: It's My Fault

Vhien's POV

"May balak ka pa palang umuwi?" bungad na sermon ni kuya nang makauwi ako nang quarter to 11 ng gabi.

Akala ko tulog na sya kaya dahan-dahan kong binuksan 'yung pinto ng condo niya 'yun pala naghihintay pa pala sya, kaya ayan. Sermon ang abot ko.

"Kuya, tinapos ko pa kasi 'yung thesis ko eh. Sorry kung hindi ako nakapagtext sayo, hindi ko alam ang number mo eh." pagsisinungaling ko.

Ang totoo kasi nyan nakatulog ako sa secret place tapos kakagising ko lang. -____-

"Pasok na sa kwarto! Teka pala, kumain ka na ba? Kung hindi pa, kumain ka na dun sa kusina. May niluto si Clyde para sayo daw!" ang sweet ng kuya ko. Hahaha.

Sakto! Gutom na ko. Dumeretso na ko sa kusina at nakita ko sa lamesa ang tinolang manok.

"Si Clyde talaga ang nagluto nito?" tanong ko kay kuya na sumunod pa sa'kin habang umuupo at kumukuha ng kanin.

"Oo, chef 'yun sa isang sikat na restaurant dito eh."

"'Yung North ville ba?" agad na tanong ko nang matikman ko ang luto niya.

"Oo. Palagi  ka bang pumunta sa lugar na 'yun dati, yung dahil sa umoorder ng ice cream?" curios na tanong niya na tinanguan ko lang.

"Psh -___- ikaw pala 'yung tinutukoy  ni Clyde!" sabi niya na hindi ko nagets. Kaya kumain na lang ako. Si kuya? Ayun nakaupo lang sa kaharap kong upuan. Para nga syang timang eh, hindi mapakaling ewan.

"Kuya, may problema ka." sabi ko sa kanya kaya napaayos agad sya ng upo niya.

"Ha? Wala ah!" wala daw.

"Maniwala sayo. Nagkita kayo ni Melody kanina di ba at sinabi niyang bantayan mo ko. Tama ako di ba?" sabi ko sa kanya kaya natigilan siya.

"Paano mong---"

"Kuya, kinausap niya rin ako kanina. At sinabi niya na mag-ingat daw ako dahil 'yun ang sabi nina Mommy.  At kung ako pinag-iingat malamang ikaw ang magbabantay sa'kin kasi ikaw ang mas matanda sa'teng dalawa." pagpuputol ko sa sasabihin niya.

"At dahil ayaw mong aminin ang lahat, papatayin ng pamilya nila ang lahat ng malalapit sayo para sa ganun, mapaamin ka na nila! Bakit kasi pinagtatakpan mo pa ang punyetang taong 'yun eh? Ano ba ang dahilan?" medyo inis na sabi niya.

"Sabihin mo sa'ken." dugtong niya pa.

"Ayoko!" may diing sagot ko sa kanya.

"Bakit ba ayaw mo?" pangungulit niya.

"Kasi ayoko."

"Then, ako na lang ang maglalabas ng katotohanan para hindi ka na mahirapan!" sabi niya na ikinainis ko ng sobra.

"KUYA MAY SAKIT SYA. CANCER! AT MALAPIT NA SYANG MAMATAY! HAPPY KA NA? ALAM MO NA ANG DAHILAN KUNG BAKIT AYAW KO SYANG IPAHAMAK! HINDI LANG DAHIL SA NAAAWA AKO SA KANYA KUNDI DAHIL MAHALAGA RIN SYA SAKIN TO THE POINT NA KAHIT MAY NAGAWA SYANG KASALANAN SA'KIN SYA PA RIN ANG KAIBIGAN KO. ALAM KONG SYA ANG NAGPLANO NG LAHAT PERO FOR PETE SAKE GINAWA NYA LANG 'YUN DAHIL NASAKTAN SIYA AT NAIWAN!"  sigaw ko sa kanya saka umalis sa harap niya at dumeretso na lang sa kwarto ko.

"Jeez! Hindi nya ba alam na nahihirapan din ako. Hawak ko na lahat ng ebidensya pero hindi ko magawang ipahamak ang taong 'yun." haist!

Humiga ako sa kama ko para magpahinga na.

At dahil sa sobrang pagod, hindi ko na namalayang nakatulog na ko.

KINABUKASAN:

Nagising ako dahil sa ingay mula sa baba kaya agad akong bumangon at dumeretso sa banyo para maghilamos at magmumog.

The Secret Of His Slave [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now