XXIV

22 1 0
                                    

[24]: That Contract

Vhien's POV

Kanina pa ko nakatayo dito sa labas ng kwarto ni Khiel. Hindi ko alam kung kakatok ba ko o hindi. Gusto ko syang kausapin kaso punyeta nahihiya ako.

"Ow, Vhien. Nasaan si Khiel?" biglang tanong ni Allen na kakadating lang siguro. Anong ginagawa nya dito? Arrrgh. Next time ko na nga lang kakausapin si Khiel.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.

"How rude, pinapaalis mo na ba agad ako? Eh di ba three months na lang at iiwan mo na sya?"

"Sinong iiwan mo Vhien?" Damn.

"Ow, hindi mo alam?" nakangising sabi ni Allen kay Khiel na kakalabas lang at mukhang kakagising lang din.

"Ah... ehh.. wala 'yun." palusot ko.

Makisama ka Allen, kahit ngayon lang.

"Mukha ngang hindi." namo ka talaga Allen.

"Vhien... Ano nga 'yun?" seryosong tanong ni Khiel at parang wala si Allen sa harap namin.

"Okay. Una na ko." paalam niya sa'men. Argggh. Sarap nyang ipalapa sa buwaya. Damn that girl. Pahamak masyado -___-

"Anong ibig sabihin ni Allen sa sinabi niya kanina?" seryoso pa ding tanong niya pero hindi ko sya sinagot.

Nanatili lang akong nakayuko at nakatayo sa harapan niya.

"Vhien, ano nga?" pangungulit nya.

"Tara maggala M'M?" pag-iiba ko sa topic.

"Tsk. Bahala ka nga jan." inis na sabi niya bago pumasok ulit sa kwarto niya at pagalit na sinara ang pinto ng kwarto niya.

Haist.

"Three months na lang... Tapos na ang apat na taon. Apat na taong nakasama kita at minahal. Haist." mahinang bulong ko habang naglalakad papuntang kwarto ko na nasa ibaba pa.

"Kamusta naman ang pagsisinungaling mo kay Khiel? Umubra ba?" sabi ni Allen na nakaupo sa sofa nang makababa ako.

"Wala ako sa mood makipag-usap sayo kaya pwede ba tigilan mo muna ako kahit ngayon lang?" sabi ko.

"Okay, hindi pa nya alam ang totoo mong pagkatao kaya magpakasaya ka na ngayon. Dahil iiwan ka rin niya kapag nalaman nya na pinatay ..."

"Pwede ba Allen, tigilan mo na ko please lang?" pagputol ko sa sasabihin nya tsaka ko sya iniwan dun ng nakatulala.

Babalikan na naman ba nya ang nakaraang hindi ko naman sinasadyang gawin?

Ayoko ng isipin pa ang bagay na hindi ko naman talaga kasalanan.

Hindi ko alam ang nangyare.

Hindi ko alam...

Arrrrrrgh.

Ayoko na.

"PM, ayos ka lang?" tanong ni Khiel sa'ken na nagpabalik sa katinuan ko.

"Ah, oo. Ayos lang ako."

"Tulala ka, kanina pa. May problema ba? Ano bang pinag-usapan niyo ni Allen?" sunod-sunod na tanong ni Khiel sa'ken.

"Wala akong problema." pagsisinungaling ko.

"Sus, tara na nga. Ipagluto mo na ko ng pagkain. Gutom na ko." sabi niya saken habang nakaakbay.

"Aalisin mo 'yan o ako ang mag-aalis?"

"Aalisin ko na nga." sabi niya na parang nanghihinayang.

"Awch. Grabe ka talaga." reklamo niya nang sikuhin ko sya sa bandang tyan nya.

The Secret Of His Slave [ COMPLETED ]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें