XXXVI

14 1 0
                                    

[36]: Knowing the truth !

Vhien's POV

"Vhien." napalingon agad ako sa likod ko nang may tumawag sa'ken na agad kong nilingon.
Pweh. Kinabahan pa man din ako, si kuya Kien lang pala.

"Bakit?" takang tanong ko habang naririnig ko ang tawanan ng mga kaibigan niya mula sa baba. I think tinatawanan nila si Clyde, yung nalaglag sa puno.

"Si Khiel kasi... Ano... Nasa labas." Shit! Sya siguro 'yung sumusunod samin kanina.

"Kuya, pwedeng papasukin mo na sya?" tanong ko sa kanya saka deretsong tumingin sa mata nya.

"Sigurado ka?" mukha ba kong nagbibiro?

"Kuya, mukha ba kong nagbibiro?" seryoso nga kasi. Baka mag-iskandalo si Khiel sa labas, magreklamo pa ang tao dito.

"Psh." halatang nagdadalawang-isip pa si kuya kung pupuntahan niya ba talaga si Khiel sa baba eh. -___- pero sa huli, umalis na rin sya sa kwarto.

Psh. Ano kaya ang balak gawin ni Khiel? Sisisihin na naman ba nya ako sa kasalanang hindi ako ang gumawa ? -____-

Haist. After a couple of minute, nakaramdam na ko ng kaba kaya alam kong malapit na sila. Agad ko namang binuksan ang pinto ng kwartong 'to at sa hagdan nakita kong seryosong nag-uusap ng mahina ang dalawa habang umaakyat. Mas lalo naman akong kinabahan nang tumingin sa'ken si Kuya na parang sinasabi nyang

'Ano, ihuhulog ko na ba sya sa hagdan?'

Panay kalokohan ang alam -___-

"Umayos ka Khiel. Baka nakakalimutan mo na naman lahat ng pinagsamahan natin. Alam mo ang kaya kong gawin sayo. Oh, maiwan ko na muna kayo ni Vhien jan." sabi ni Kuya nang marating nila ang tapat ng kinaroroonan ko at umalis na agad sya.

"Sa loob tayo mag-usap." sabi ko sa kanya na nakatingin lang sa'ken.

Pumasok kaming dalawa ni Khiel sa kwartong lampshade lang ang nagsisilbing ilaw, nakabukas rin ang bintana sa kwarto at pumapasok rin ang liwanag ng buwan.

"Bakit? Bakit mo sya pinatay?" punong-puno ng galit na tanong nya na nagpaingay sa kwartong to.

"'Yun ba ang dahilan ng pagsunod mo sa'men mula sa hospital hanggang dito? Alam kong kanina ka pa sumusunod sa'min pero hinayaan lang kita..."

"Bakit mo sya pinatay ?" pag-uulit niya sa tanong niya. Galit, suklam at poot ang makikita mula sa kanya.

"Hindi nga ako ang pumatay sa kanya. Punyeta!" inis na sabi ko sa kanya.

"Paanong hindi ikaw? Ikaw lang ang may rason para patayin siya dahil hindi mo matanggap na hindi talaga minahal ng papa mo ang mama mo kasi mahal pa ng papa mo ang mama ko kaya plinano mong patayin ang mama ko para mawala na ang hadlang sa buhay niyo." pasigaw na sabi niya na ikinatahimik ko.

Hindi ko alam ang sinasabi niya. Nyeta naman oh.

"Ano, natahimik ka kasi totoo." sabi niya ulit saka ako akmang susuntukin na itinigil niya rin agad.

"At bakit hanggang ngayon, mahal pa rin kita?" sabi niya ulit na ikinatahimik ko lalo.

"Ayokong magmahal ng mamamatay-tao, ayoko sa isang tulad mo, pinagsisisihan kong nakilala kita at lalong lalo na ang maging isa sa taga-protekta mo dahil hindi ka karapat-dapat sa lahat ng ginawa ko para lang mapalapit ka sa'kin. Tama nga siguro na 'wag ka nang magpakita o magparamdam sa'ken dahil kinasusuklaman kita." and by that iiwan na nya dapat ako pero hinawakan ko ang braso nya.

"Hinding-hindi na kita guguluhin kahit kailan, ipangako mo lang sa'kin na kapag nalaman mo ang lahat ng katotohanan hindi mo na ko hahanapin pa. At last, salamat sa lahat ng sakripisyo mo para sa'kin. Paalam, MM. Mahal na mahal kita."

The Secret Of His Slave [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now