XIV

36 2 0
                                    

[14]: Controler

Vhien's POV

Nakakastress na punyeta, malapit na ang midterm namin, Hindi ko naman pinoproblema kung papasa ako dun eh.

Ang problema ko eh si Khiel, ang hirap kaya ng parusa. Sa larong ito
if you lose, lahat ng meron ka ngayon, mawawala sayo even if it is your life. Kaya kung gusto mong magstay edi gumawa ka ng paraan para manalo.

Naranasan ko na ang matalo dun pero nagkameron ng dayaan kaya pinaulit at ako nanalo.

"Yess. Nakita ko din." parang baliw na tuwang tuwa ako ng makita ko ang pinapahanap ni Khiel.

Agad ko namang pinagpag ang mga papeles na ubod ng gabok.

At isa-isang binuklat.

"PSH. Wala namang kwenta tong papeles na toh." at agad na akong lumabas para ibigay ito sa kanya.

"MM, ito na po ang pinapakuha nyong papeles." sabi ko kay khiel at walang lingon lingon na kinuha ito sakin.

Alis na sana ako nang pigilan nya ko.

"Maupo ka sa tabi ko." para maiwasan ang gulo ay umupo nalang ako.

Mahabang katahimikin ang namayani sa'min na nabasag lang ng biglang may kumaluskos sa bandang kusina.

Tatayo na sana si khieL nang pigilan ko sya.

"Dito ka na lang please."
pagmamakaawa ko na sinunod naman nya.

Ayaw kong mawala sya gaya ng pinsan ko.

Ngayon, alam ko na kung bakit nila ako prinoprotektahan. Unti-unti na ring nasasagot ang ilang sa mga katanungan sa isip ko.

Haist, nakakabaliw maging AKO.

"ARAY KO. Bakit mo naman ako pinitik sa labi?" daing ko . Hinayupak na toh. Pitikin daw ba ako T3T.

"Style mo bulok. Makaalis na nga." sabi nito.

"Hey. Wait, dyan ka lang." pagpigil ko dito nang bigla kong marinig si Madz.

"Khiel. Babe. Nasaan ka ?" sigaw ng isang higad galing sa labas.

"TSS." hindi ko na sya pinigilan sa pag alis dahil paniguradong may lakad sila ni Allen.

At mula sa kwarto ko ay narinig ko ang tunog ng sasakyan nito.
Kaya napagdesisyunan ko na lang na pumunta sa isang lugar na alam kong makakatanggal sa stress ko.

"Uy, di ba si Leader yun?" natanaw ko agad ang mga pasaway kong gangmate na nagkukulitan pagkadating ko sa lugar na yun.

"Hahah. Ang panget mo " pang aasar ni Klark kay Loraine.

Hanggang ngayon ba naman nag- aasaran pa din 'tong mga toh? =_="

"Susumbong kita kay GP "
sabi ni Loraine atsaka lumapit sa akin.

"Tss. Bitaw."

"Hmp. Sungit."

Hindi ko sya pinansin bwiset, badtrip ako sa hinayupak na higad na yun. Napakalandi nya.

(Di ba ibinigay mo na si Khiel sa babaeng yun) tss. Epal na naman ang Konsensya ko . =_="

"PASOK KA NA GP." sigaw ni Klark.

"Hoy. Bunganga mo." pagsasaway ni Jheo dito.

"Parang timang toh, ganyan naman na talaga ang boses nyan." pang aasar ni Loraine kay Klark. PFFFT.

Bago pa magkainitan ang dalawang toh ay pumasok na ko sa G-House namin. Dito pa din sila natutulog ? Wow ha.

"HOY MGA DAMUHO, NASAAN YUNG TOM AND JERRY NI GP"

The Secret Of His Slave [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now