XXXII

13 0 0
                                    

  [32]: Reveal

Madz' POV

"Alam mo nakakabugnot na 'yang kayabangan mo ha?! Tigilan mo na ko, punyeta." sabi ko kay Hance.

"Sorna."

"Tss. Bahala ka na nga jan. Doon muna ako sa broken-hearted na may gapak." sabi ko saka ako lumapit sa kinauupuan ni Khiel na nag susulat ng kung ano-ano.

"Khiel. Alam kong tanga ka, pero mo nang masyadong patunayan pa. Nasa bahay lang naman nila si Vhien eh. Bakit hindi mo puntahan?" pang-asar na sabi ko sa kanya kaya tumingin sya agad sa'ken.

"Kung pwede lang akong pumunta sa kanila. Nagawa ko na. Lalo na't alam kong nakapaligid sila kasama ang Mama mong traydor sa bahay nina Vhien." inis na sabi nya.

"Paano mo nalamang mama ko ang traydor?" tanong ko dito na alam ko na naman matagal na.

"Dahil kay Shantall." tss. Alvarez family again? Tsk.

"Si mama lang ba talaga o pati ang Papa mo?" tanong ko sa kanya na dahilan ng pagtigil nya saglit.

"Wala kang alam." inis na sabi nya.

"Pati ba naman Papa mo Khiel pinagtatakpan mo na din? Alam mo kasi Khiel, wag kang masyadong maniwala sa sinasabi ng pinsan mo. Wala kang mapapala. Lalo na sa Mama niya na kapatid ng Mama mo. Khiel Alvarez Soo. Hindi na ko nakialam sa inyo ni Vhien kahit alam kong ang pinakamamahal niyang lalaki ay ang taong ..."

"Oo na. Tama na. Manahimik ka na, alam kong alam mo na ang lahat pero please lang. Hindi ko din alam ang dahilan kung bakit nila ginagawa 'yun at kung bakit interesado sila kay Vhien. Hindi ko alam." inis na sigaw nya sa'ken.

"Gusto mong malaman?" tanong ko sa kanya.

Pero hindi siya sumagot.

"Isang paghihiganti para sa isang kasinungalingang pinaniniwalaan nila." may diing sabi ko sa kanya bago ako umalis sa Room.

Khiel's POV

"Isang paghihiganti para sa isang kasinungalingang pinaniniwalaan nila."

"Isang paghihiganti para sa isang kasinungalingang pinaniniwalaan nila."
Isang paghihiganti para sa isang kasinungalingang pinaniniwalaan nila."

Fck. Argggghhh.

Anong ibig sabihin nya dun?

Fvck.

"Khiel, para kang timang. Hindi naman lahat kailangan mong paniwalaan eh." sabi ni Hance na kanina pa pala nasa classroom.

"Aish. Ang gulo. Ang gulo-gulo na ng isip ko." bulong ko.

"Saan ka ba naguguluhan Khiel? Sa buhay mo o sa buhay niya?" jeez. San nga ba ako naguguluhan?

"Think first bago siya mawala sayo. Hindi sya madaling makuha pero para sayo naging madali lang. Nahulog kaming lahat na naging malapit sa kanya at isa lang ang nasalo niya na ngayon ay dalawa na. At tandaan mo, wala talaga syang kasalanan sa nangyare."

"Hindi mo ko maiintidihan dahil hindi pa naman dumadating 'yung araw ng pagkikita nilang lahat. Sinasabi ko 'to sayo para maging handa ka." sabi nya kaya mas lalo akong naguluhan.

Ang wierd ng dalawang 'yun -___-

Matapos magsabi ng kung anu-ano iiwan ako.

Gaguhan.

Aish.

Nagstay muna ako sa room nang ilang minuto bago ko napagdesisyunang umuwi na lang sa bahay.

Sa bahay -

"Sir Khiel. Hindi niyo na naabutan si Vhien, sayang." bungad ni Joe sa'ken.

"Anong ginawa nya dito?" tanong ko agad.

"Kinukuha ko lang ang gamit ko." sabi ni Vhien na nasa likuran ko lang kaya agad ko syang hinarap.

Si Vhien ba talaga toh?
Ilang araw na ba mula nang umalis siya dito?

17days.

"Oh. Nakakita ka ng multo?" sarkastikong sabi nito habang nakangisi na talagang nakakapanibago.

"Kukunin ko na ang gamit ko. Atsaka salamat sa regalo mo nang birthday ko na nakalimutan mo dahil naging busy ka sa pinsan mo. Salamat din kasi for the freaking four years isa ka pala sa kanila... Khiel Alvarez Soo." sabi niya na lalong nagpatigil sa'kin kaya hindi ko namalayan na nakaalis na sya.

  Vhien's POV

Mas pinili kong umalis na lang sa bahay nila.

"Aish. Gusto ko lang naman na kausapin siya para sana magpaalam ng maayos sa kanya kaso parang hindi naman nya na ko kailangan eh." sabi ko sa sarili ko.

"Bat ba kapag nagkikita tayo, para ka laging baliw?" tanong ng lalaking nakasalubong ko. Si Dennis pala. Psh.

"Psh." hindi ko na lang sya pinansin at naglakad na ko nang tuluyan.

"Pre, si Vhien ba? Iyon oh!" sabi ni Dennis sa hindi pa kalayuan kaya nilingon ko ulit sya na dapat hindi ko na ginawa dahil nakatingin sa direksiyon ko ang lalaking tinatakasan ko, si Khiel.

Lalakad na lang sana ako ng tuluyan kaso tinawag ako ni Dennis. Epal talaga.

"Vhien. Saglit lang." sigaw ni Khiel kaya hindi na lang talaga ako lumakad. Hinintay ko na lang sya.

"Vhien, iiwasan mo na ba talaga ko?" tanong niya na hindi ko agad nasagot.

"Khiel, bakit hindi ka pumunta sa usapan natin noon?" pagbabalik tanong ko sa kanya habang naglalakad papuntang isang lobby na malapit sa kinaroroonan namin.

"Dahil ba mas mahalaga ang usapan niyo nina Shantal?"

"O dahil wala talaga akong halaga kaya nakalimutan mo?"

"Mas mahalaga ka para sa'ken, Vhien." sabi ni Khiel.

"Mas mahalaga? Mahalaga pala ako kaya ba pati mismong birthday ko hindi mo natandaan?" fck. Ang daldal ko talaga. Aish.

"Hindi ko alam na birthday mo." sinungaling.

"Nakalimutan mo lang talaga. Bahala ka na nga jan. Bye!" sabi ko saka ko sya iniwan dun.

And good thing hindi na siya sumunod pa.

Dumeretso na ko sa bahay na tinutuluyan ko ngayon at para sa safety na rin, hindi ako tumuloy sa bahay nina papa.

Nang makarating ako sa bahay, tumuloy agad ako sa kwarto ko at humiga agad ako sa kama.

"Haist."

Isa syang Alvarez? Yan ang hindi ko matanggap. Paano kung maniwala sya sa pinapaniwalaan ng papa niya? Fuck. Ayoko na.

Hindi ako ang may kasalanan ng lahat. Hindi ko ginawa ang bagay na ibinibintang nila sa'ken. Hindi ko alam ang nangyare. Niligtas ko lang si Allen nang araw na 'yun at wala na kong ibang ginawa. Wala na. Hindi ko kasalanan ang lahat.

"Arrrrgggghhhhh." sigaw ko sa isip ko. Baka kasi magising si Mameng, katulong namin sa bahay na sumama sa'ken.

Haist. Hindi talaga ako makatulog nyeta.

Bumangon ako at nagpalit ng damit. Agad akong naglakad sa labas ng bahay namin at napadpad ako sa isang boarding house.

"Hindi na pala natin kailangang hanapin eh. Nandyan na siya."

Fck.  

The Secret Of His Slave [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now