XXXIX

18 0 0
                                    

[39]: Story behind the lie

Someone's POV

"Oo na! Aaminin ko na! Ako na ang pumatay sa kanilang lahat! Tigilan niyo na ang pamilya ko. Ako naman ang kailangan niyo di ba? Pakawalan nyo na sila!" natatawang pag-uulit nitong kasama ko sa sinabi ni Vhien kanina.

"Ano na ang balak mo ngayong naako na nya ang kasalanan mo? Wala ka pa rin bang balak umamin? Psh. Mamamatay ka na nga't lahat ganyan ka pa. Teka nga, alam ba ni Vhien na may sakit ka?" sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papuntang powder room.

"Psh! Wala akong balak umamin noh? Asa ka pa! Bagay lang sa kanya 'yun noh!?! Masyado syang pabida! At saka ewan ko! Bakit mo naitanong kung alam nya?" nagtatakang tanong nya sa'kin.

"Wala naman." sagot ko sa kanya, habang pumapasok na sa powder room.

Dumeretso agad ako sa tapat ng salamin.

Ang ganda ko talaga pero bakit hindi ako magustuhan ni Klark?

Haist! Bakit kasi bumalik pa si Vhien eh?

Maayos naman na ang lahat eh, kundi lang sya bumalik.

"Yow, Long time no see ah?" biglang bati ni George kay Vhien na kadadating lang. Bakit bumalik pa sya? Para agawin na naman ang atensyon ng lahat lalo na ang atensyon ni Klark? Tsss. -___-

"Oo nga eh, musta na kayo ?" psh pabida -___-

"Oks na oks na kami kasi bumalik ka na." sabay-sabay na banggit nila at hindi nila napansin na hindi ako kasali sa bumati. Naiinis ako sa kanya.

Pero kailangan ko pa ring makisama sa kanya gaya ng ginagawa ng bruhildang 'yun!

"Upo ka dito GP. "aya ni Jheo. habang tinatap ang upuan sa side nya.

"Dumadamoves ang isa jan." asaran nila na parang mga timang, akala mo naman totoo lahat ng yun.

Tss.

At gaya niya, wala akong konsensya kaya nang pumunta sya sa G-house nakisama ako ulit ako sa trip nila.

"Uy, di ba si Leader yun?" 
natanaw ko agad si Vhien.

"Hahah. AM'PANGET mo " pang aasar ni Klark sa'ken na alam kong nagpapasikat lang kay GP.

"Susumbong kita kay GP"
sabi ko atsaka lumapit sa kanya.

"Tss. Bitaw." pweh. Akala mo naman gusto ko talaga syang hawakan.

"Hmp. Sungit." inis na bulong ko.

"PASOK KA NA GP." sigaw ni Klark.

"Hoy. Bunganga mo." pagsasaway ni Jheo dito.

"Parang timang toh, ganyan naman na talaga ang boses nyan." pang-aasar ko kay Klark. PFFFT.

Bago pa ako asarin pabalik ni Klark, pumasok na agad si Vhien sa G-House namin.

"HOY MGA DAMUHO, NASAAN YUNG TOM AND JERRY NI GP"

*PAK*

"ARAWCH KO" daing ni Klark ng hampasin ko sya. Ang lakas ng boses eh.

Oo na, nasasaktan ako! Lalo na kapag 'yung taong mahal ko, nagpapansin sa ibang tao.

Childhood bestfriend ko si Klark. Simula Day Care hanggang highschool magkaklase kami. Palagi kaming magkasama at nagkukulitan, sya na lang ang tinuturing kong pamilya, kaibigan at sya rin ang taong mahal ko. Until first day of highschool habang nagkukulitan kaming dalawa ni Klark, nabangga ko si Vhien. Nakakatakot ang Aura niya pero mala anghel pa rin ang mukha. Hindi na ko nabigla nang matigilan rin si Klark dahil pati ako natigilan rin. Hanggang sa makaalis na siya at makarecover ako sa nangyare. Agad kong tiningnan si Klark at nakita kong nakasunod ang tingin niya sa babaeng 'yun at alam kong naattract sya kay Vhien. At doon na nagsimula ang minsan na lang naming pagsasama ni Klark.
Hindi ako sanay na walang makulit at maingay sa tabi ko kaya nakipagclose din ako kay Vhien. Oo, masaya nga syang kasama pero galit pa rin ako sa kanya. Hanggang sa bumuo sila ng gang hindi pa rin kami tulad ng dati ni Klark kaya sumali din ako. Tutal mahilig din naman ako sa mga martial arts pero magaling si Vhien sa lahat.

The Secret Of His Slave [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now