XXVIII

19 0 0
                                    

[28]: Bad Girl 1

Her's POV

"Tanga, bilisan mo dali." am'bagal -___-

"Vhien, Time out. Pahinga muna." naghahabol hiningang sabi ni Gio habang nakahawak sa tuhod niya.

"Ginusto mo 'yan di ba? Bilisan mo, walang time-out time-out." maotoridad na sabi ko.

"Pffft. Hanggang ngayon ba naman?" natatawang sabi ni Jheo na kararating lang.

Kanina pang madaling-araw kami nagtratraining nitong si Gio. Anong oras na ngayon? Mag-aalas tres na ng hapon. Suko agad sya? Ako nga walang umagahan, tanghalian at gabihan nung nagtraining ako. Hard kung Hard.

"Haha. Kaya mo pa Kambal?" tanong ni Jheo sa kanya at halatang susuko na agad si Gio.

"Vhien, ayoko na." hinang-hinang sabi ni Gio kaya agad ko syang nilapitan at kwinelyuhan dahilan para mapatayo sya.

"Deal is deal." may diing sabi ko bago ko sya sinikmuraan at sinuntok sa mukha.

Kayabangan kasi kanina.

Madali lang daw 'yung ginawa kong training kaya wala daw akong binatbat sa kanya. Mukha nya.

Nakipagdeal pa sa'ken na kapag daw nakaya nya magdadate daw kami at kapag hindi, bubugbugin ko siya. Pweh.

"See you again pathetic." bulong ko sa kanya bago ako umalis dun.

Kinabukasan,

Nagkita ulit kami ni Gio sa school.

"Vhien, sama ka sa'men mamaya."aya nya sakin na hinindian ko.

May lakad akong akin.
At ayoko sa mga mahahanging gaya nya.

Dumeretso na lang ako sa classroom at umupo sa upuan ko.

"Best, alam mo ba kahapon nakita ko si Mommy may kasama syang lalaki." naiiyak na sabi sa'ken ni Allen, bestfriend ko.

"Yaan mo na 'yun. Sama ka na lang sa'ken mamaya." pag-aalo ko sa kanya.

"Saan? Magcucutting ka na naman noh? Hoy Vhien, ayusin mo nga yang sarili mo !" panenermon niya.

"As if naman mapapansin ako ng parents ko kapag nagtino ako di ba? Kahit nga pasaway na ko hindi pa rin ako napapansin. Tsk." inis na sagot ko sa kanya saka ako umub-ob at hindi na sya pinansin. Alam ko naman na ang sasabihin nya.

"Hoy, Vhien ! Si Yves nandyan na naman." bulong ni Allen sa'ken kaya tumunghay agad ako at nakita ko nga si Gio Yves.

"Oh, bakit namumula ka ?" tanong ko kay Allen na bahagyang nakatingin kay Yves daw.

"Ang pogi niya talaga, best." jusko po, nagdadaydream pa ata.

Tumayo na ko at naglakad papuntang pintuan para kausapin si Gio.

"Kailangan mo?" nakapamulsang sabi ko.

"Saan ang lamay?" natatawang biro ng kasama ni Gio. Bale tatlo sila- si Gio, si Jheo at pati 'yung hindi ko kilala.

"Gusto mong ikaw ang paglamayan?" seryosong sabi ko dito kaya nawala ang ngiti sa labi niya.

"Taray, Ako nga pala si Hance. Nice to meet you." sabi niya sabay lahad ng kamay na tiningnan ko lang.

"Okay, sabi ko nga wala kang balak makipagshakehands." napahiyang sabi niya.

"Sasama ka ba samin o hihindi ka ulit?" nilingon ko kaagad si Ghio at ngumiti sa kanya.

"Allen, sama ka na sa'men." pasigaw na sabi ko kay Allen na nakaupo pa rin sa upuan niya at nagdadaydream pa rin. -___-"

"Ah. Eh. Sige." wala sa sariling sagot nya kaya agad ko siyang hinila at sumama na kami sa lakad nung tatlong feeling gwapo.

The Secret Of His Slave [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now