XXX

16 0 0
                                    

[30]: You and I

Her's POV

"Tama ka. Ang tanga tanga mo nga. Bakit pumayag ka sa kontratang 'yon?" panenermon ni Allen sa'ken habang nag-uusap kami dito sa isang ice cream parlor na kakadiskubre lang namin.

Kwinento ko kasi sa kanya 'yong tungkol sa kontrata.

"Malay ko bang mahuhulog ako sa antipatikong 'yon. Sama-sama ng ugali noon dati. Bumait lang 'yan sa'kin nung nalaman niya na isa akong Piamonte." paninira ko kay Khiel.

"Tapos lagi pang binibilang kung ilang araw na ko sa bahay na 'yon. Haist. Ang gulo niya nga nitong nakaraang araw ee. Hindi ko lang magets kung bakit parang araw-araw, gusto niya kong makasama. -__-" pagmamaktol ko pa.

"Asus, inlove yun sayo." pang-aasar nya na may kiliti effect pa.

"Tsk. Tigilan mo nga ako sa kakaasar mo. Lintek na Khiel 'yan. Dati naman hindi ako nahihirapang mang-iwan eh. Argh." inis na sabi ko at saktong pagkaubos din ng ice cream na kinakain ko.

"Sus, haha. Pero aminin mo, kinikilig ka sa kanya noh?!" pang-aasar nya lalo.

"Malapit na kong umalis sa kanila kaya pwede ba?!" seryosong sabi ko sa kanya.

"Haha. Puso mo ! Tara na nga, baka hinahanap ka na naman ng prince charming mo." sabi niya habang tumatayo. Kaya tumayo na rin ako at nagsimula ng maglakad palabas.

At bago pa kami makalabas, nakasalubong namin ang isang babaeng matangkad na medyo maputi. Nakaponytail at nakadress 'to.

Nagkatinginan kaming dalawa 'nung babae at parang natigilan sya nang makilala nya ko. Mahahalata rin ang takot na kitang-kita ko sa mata nya.

Agad naman akong hinila ni Allen at parang timang na naman sya na napapamura na ako dapat ang gumagawa.

"Bumalik na ang bruha. Shit !" mahinang bulong habang patuloy pa rin sa paglalakad ng mabilis.

"Vhien naman, hindi ka ba natatakot na mangyare ulit ang nangyare nun? Lintek!" inis na sabi niya nang hindi ako umimik.

"Bakit naman ako matatakot sa kanya? Isama nya pa ang mga traydor nyang kapatid. At lalo na 'yang Mr. Soo na 'yan. Hindi ko naman kasalanan na mangyare yun." walang emosyong sabi ko sa kanya.

"Wala rin naman silang awa nang pinatay nila ang batang walang kalaban-laban."dugtong ko nang maalala ko si Demi.

"Psh. Tara na nga lang. Magdradrama ka na naman eh." sabi niya sabay hila sa'ken para maiba ang atmosphere.

Pumara agad siya ng jeep na first time nya lang mararanasang makasakay. -___-

"Tao na ko Vhien." parang timang na sabi niya. Bano lang? Haha.

"Malala ka na." iiling-iling na sabi ko sa kanya.

"Bayad po." sabi ko sa katabi kong lalaki na agad naman nitong inabot hanggang sa maibayad na.

"Ang sikip naman Vhien. Ang banas pa." pagrereklamo nya.

"Sino ba ang pumara at unang sumakay kanina?" inis na pangbabara ko.

"Para." sigaw nung isang lalaki pero bingi yung driver kaya hindi ata narinig.

"Manong, para daw." sigaw bigla ni Allen na dahilan ng biglaang pagpreno nung driver.

Napakapit naman ako ng wala sa oras ng dahil dun.

"Lintek naman Allen Oh." reklamo ko sa kanya. Kahit kailan talaga baliw pa rin sya -___-

Nagpeace sign lang siya at ngumiti sa'ken.

"Sa tabi lang." medyo pasigaw na sabi ko na agad ikinatigil ng jeep.

The Secret Of His Slave [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now