Chapter 3: New Friends

21K 698 18
                                    

Chapter 3: New Friends

***

[ Fiera's POV ]



"Ganito ba?" Tanong ko kay Kaizer at dahan-dahan na nag padaloy palabas ng apoy sa aking dalawang kamay. Napangiti ako ng malawak nang form yun into a Fire Shield.



"Nagawa ko!" Tuwang-tuwa na sabi ko at ngiting ngiti na humarap kay Kaizer na kanina pa ako pinapanood.



Kaizer smiled at me. "I told you. Kailangan mo lang ng practice at concentration."



"Thank you." Sabi ko at hindi parin mabura sa mukha ko ang malawak kong ngiti.



Grabe ang galing ni Kaizer mag turo! Isang oras pa lang kaming nandito sa rooftop pero ang dami ko nang natutunan sa kanya! Thankful talaga ako dahil dumating siya. Dahil sa kanya nahasa ko pa ang elements ko.



"Basta ikaw." Nakangiting sabi niya.



Hindi ko namalayan na nakangiti na din pala ako sa kanya. Yung kaninang pagka-ilang at hiya na nararamdaman ko ay nawala nung tinulungan niya ako. Feeling ko ang komportable ko na agad sa kanya. Ang sarap din niyang kasama dahil madaldal siya at talagang hindi ka mabobored. Alam niya kung paano libangin ang isang babae.



Napahinto kami sa pagtretraining ng may dumating na lalaki sakay ng lumilipad na hoverboard



"Hoy Kaizer! Pinapatawag ka ni Mr. Gutierrez! Lagot ka dahil tinakasan mo daw siya kanina!" Sigaw nito.



Pinagmasdan ko ang itsura nito. Gwapo din naman at mukhang tao. Brown ang buhok pati ang dalawang mata nito. Kasing edad lang din siya ni Kaizer.



"Oo na! Istorbo ka eh." Sabi ni Kaizer sabay busangot ng mukha.



Bakit biglang nag-iba ang mood niya? Wait don't tell me nainis siya bigla sa lalaking dumating dahil naistorbo niya ang training namin? Napangiti nalang ako sa aking naisip.



"Pfft haha bakit dude? Sino ba yang magandang babaeng kasama mo? Pakilala mo naman ako!" Sigaw nung lalaki.



"Lul manahimik ka." Sigaw sa kanya ni Kaizer.



"Damot mo dude. Sige ako nalang mag papakilala sa sarili ko hahaha." Sabi nung lalaki sabay tingin sakin.



"I'm Luke Earthfield, by the way." Pakilala niya at kumindat pa sakin.



Nag cross arms lang ako at tinaasan siya ng kilay saka ako nag rolled eyes. Aba mukhang playboy pa yata ang isang to ah. Baka akala niya makukuha niya ako sa kakakindat niyang yan.



"Mukhang mataray yan ah, ano bang pangalan niya?" Tanong niya kay Kaizer.



"Fiera Kim Cress pangalan niya." Sabi ni Kaizer.



"Woah beautiful name. Nice to meet you Fiera." Sabi niya.



Inirapan ko nalang siya. Inistorbo niya yung training namin ni Kaizer. Nakaka inis siya.



"Sige na lumayas ka na! Lalandi pa eh." Nakasimangot na sabi ni Kaizer kay Luke.



"Hahaha oo na. Selos ka lang eh." Sabi naman ni Luke at mabilis na pinalipad yung hover board niya.



"Fiera, kita nalang tayo mamaya?" Nakangiting sabi niya.



Oh bakit nakangiti na siya ngayon? Kanina lang nung nandito si Luke ay nakasimangot siya ah.



I nodded. "Sige. Thank you sa pag trained sakin." Sabi ko at ngumiti sa kanya.



"Always welcome.



"See you around."



Pinagmasdan ko lang siya habang papalayo. Hanggang maglaho na siya sa paningin ko.



Nakangiti ako habang iniisip ang mga nangyari kanina. Ang saya nang araw ko dahil bukod sa kaya ko nang kontrolin ang kapangyarihan may nakilaka pa akong mga kaibigan.



And I think I have a new found crush. Kilala niyo na kung sino yun. Quiet lang kayo ah? Ayoko kasing malaman niya at baka mailang lang siya sakin. Saka crush lang naman. Crush means pag hanga. And I don't see anything wrong about it.



Naisipan ko na maglakad lakad nalang muna sa paligid ng academy. Wala paring masyadong tao dahil nga class hours pa ngayon. Siguro mga 7:00pm dadami na ang tao sa paligid.



"Ouch!" Hindi ko nakita yung bato na nakaharang sa daanan ko kaya natalisod ako at nadapa sa lupa.



Aray ko bwisit! Umiral nanaman ang pagiging clumsy ko! Ang sakit. Masyado pang malakas yung bagsak ko kaya nagkaron ako ng maliit na cut sa tuhod na ngayon ay dumudugo na. Ayoko pa naman nakakakita ng dugo.



"Hala miss ayos ka lang?" Napatingin ako sa babaeng tumatakbo palapit sakin. Maganda siya at may maamong mukha. Yun nga lang mas maganda ako--- pangalawa lang siya.



Tinatanong niya kung ayos ako? Wait isipin ko. Nadapa ako. Nagkasugat at dumugo. Siguro nga AYOS LANG AKO.



"Let me heal you." Sabi niya. Nang makalapit na siya sakin ay tinapat niya yung dalawa niyang kamay sa tuhod ko na nadugo. Umilaw yung mga kamay niya at dahan dahan na sumara yung wound ng sugat ko.



Namangha ako sa nakita. Woah ang galing. Hindi ko akalain na ganun kabilis mawawala ang sugat ko! Wala pang limang segundo yun eh.



"Isa kang Healer?" I asks.



She smiled. "Yeah. By the way, I'm Patty Skillford." Pakilala niya at inabot yung kamay niya.



I smiled back. "I'm Fiera Kim Cress. Fiera nalang for short." Pakilala ko.



"Ikaw pala yung new student? Yung fire elementalist?" Sabi niya na medyo gulat.



I nodded. "Ako nga."



Nakita ko ang pagka mangha sa mata niya. "Woah. Ngayon na lang ulit nagkaroon ng fire elementalist dito sa Mystinious Academy! Finally ay buo na ang Elemental Warriors!"




------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



EDITED

The Fire Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon