Chapter 40: The Dark Fire

8.8K 336 14
                                    

Chapter 40: The Dark Fire

**********

[ Ace Smith POV ]

Napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman ko na kumirot ito. Pati ang katawan ko ay masakit din.

Masyadong malakas ang pagbato sakin ng head master na'to.

Pag angat ko ng tingin ay nanlaki ang mga mata ko ng makita na nag liliyab si Fiera habang matalim na nakatitig sa head master. Bakas ang galit sa mukha nito.

Shit delikado 'to. Hindi nanaman niya na control ang kapangyarihan! Maaaring mapahamak siya kapag nilabanan niya yung head master dahil gumagamit ito ng dark magic. Dark magic is a dangerous magic.

Ayokong mapahamak si Fiera.

Tatayo na sana ako upang pigilan si Fiera nang pigilan ako nung Macao.

"Hayaan mo siya. Dito natin malalaman kung hanggang saan ang kakayanin ng kapangyarihan niya." Sabi nito.

"Hayaan?! Hindi pwede! Pwede niyang ikamatay iyan kapag---"

"Sa tingin mo ba ay matatalo siya? Manuod ka nalang kung paano siya lumaban." Sabi pa nito.

[ Fiera's POV ]

Matinding galit.

Iyan ang ang kasalukuyan kong nadarama ngayon habang nakikipag titigan sa masamang head master na nasa harap ko ngayon.

Pagababayarin ko siya sa ginawa niya kay Ace.

"Fire ball." Bigkas ko. Gumawa ako ng isang fire ball at binato sa head master.

Hindi na 'ko nagulat ng tamaan siya pero walang epekto.

Gumawa ako ng maraming fire blades at sunod-sunod na pinagbabato sa kanya.

Tumalon-talon lang siya para iwasan iyon.

Alam ko na delikado ang kalaban ko ngayon dahil gumagamit ito ng dark magic. Pero hindi ako basta basta lang mag papatalo.

[ Third Person's POV ]

Sunod sunod na fire blades ang binato ni Fiera sa direksyon ng head master. Agad naman tumalon talon ang head master upang iwasan ang bawat fire blades na binabato ni Fiera sa kanya.

Kung saan saan tumatama ang mga fire blades na binabato ni Fiera at bawat pagtama nun ay nagkakaroon ng explosions.

Naglabas naman ng dalawang dark ball sa dalawang kamay ang head master at sabay na ibinato sa direksyon ni Fiera.

Gumawa ng malaking fire wall si Fiera upang protekta sa dark ball na patama sa kanya. Mataas na tumalon si Fiera upang hindi matamaan ng dark ball. Sumabog ang fire wall at dark ball nang magbanggaan iyon.

Nagalit ang head master nang makitang nasalag ang kanyang dark ball. Samantalang nag smirk naman si Fiera.

Mabilis na lumuhod ang head master at hinawakan ang lupa.

Biglang may mga matataas na bato ang lumabas sa lupa at patungo sa direksyon ni Fiera. Nababalutan iyon ng itim na aura.

Mataas naman na tumalon talon si Fiera sa mga matataas na batong lumabas sa lupa upang makalapit sa head master.

Nag bigkas naman ng dark spell ang head master at biglang nagkaroon ng malalaking tinik ang mga batong lumalabas sa lupa na tinatalunan ni Fiera.

Tumalon si Fiera at patayo na bumagsak sa lupa. Akmang susuntukin na niya ang head master gamit ang nag liliyab niyang kamao ng biglang maglaho yung head master.

Nagulat na lang siya na nasa likod na nya ang head master. Isang malakas na suntok ang natanggap ni Fiera sa head master. Nababalot pa ng itim na aura ang kamao nito.

Tumalsik si Fiera pero agad din na nakabangon.

"Nag mamatapang ka bata. Tignan natin kung maiiwasan mo ang atake ko na 'to."

Pinagpantay ng head master ang kamay niya at bumuo ng malakas na enerhiya ng dark magic. Habang tumatagal ay mas nagiging dark ang kulay nito.

Binato na ng head master kay Fiera ang malakas na dark magic na inipon nito.

Isang malakas na pagsabog ang naganap sa buong lugar at nabalot sila ng makapal na usok.

Tumawa ng pang demonyo ang head master.

"Fiera!" Sigaw ni Ace.

Nang mawala na ang makapal na usok ay nanlaki ang mga mata ng lahat ng makita si Fiera na nakatayo at parang walang nangyari.

Kulay itim na din ang apoy na bumabalot sa kanya. Umiilaw din ang kanyang mata na kulay pula.

"Dark fire..." Hindi makapaniwalang sabi nila Macao.

Pati ang head master ay nanlaki ang mga mata.

"P-paano nangyari ito?! Paano mo naiwasan ang super dark power ko?! At magamit ang aking dark magic sa iyong apoy?!" Hindi makapaniwalang sambit ng head master.

May malakas na itim na enerhiya ang lumabas sa kamay ng head master at pinabulusok iyon kay Fiera.

Ngunit sa isang kumpas lang ng kamay ni Fiera ay bumalik sa head master ang itim na enerhiyang ibinato nito.

Gumawa ng dark shield ang head master ngunit nawasak iyon at tumalsik siya.

Itinaas ni Fiera ang dalawang kamay at habang tumatagal ay may malaking itim na apoy ang nabubuo duon.

Nakakakilabot at nakakasilaw ang itim na apoy na iyon.

Ibinato ni Fiera ang malaking dark fire sa head master.

"WAG!" Sigaw ng head master.

Isang malakas na pagsabog ang naganap sa buong lugar. Nawasak ang mga pader at nagkaroon ng butas sa gitna ng academy, likha ng malaking dark fire ni Fiera na sumabog.

Nawala na ang dark fire na bumabalot kay Fiera ngunit kasabay nun ang pagkawala ng malay niya at bumagsak sa lupa.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sorry po kung pangit yung fight scene
-___-. Hindi ako magaling dun eh. Pero sana ay nagustuhan niyo kahit papano haha.

Anyway ito po muna ang last update dahil focus muna ako sa studies ko. Ang dami kasi naming projects dahil finals na. Patience lang ang kailangan natin guys ^____^

The Fire Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now